Chapter 33

3.8K 123 2
                                    

Chapter 33
           
             
             
          
Adi's POV
       
        
Nakaalis na sila Kaitlyn dito, tapos itong si raulo wala parin.

Itetext ko na sana siya ng makita ko siyang lumabas na ng gate at papalapit na sakin.

"What took you so long?" Inis na tanong ko.

Huminga muna siya ng malalim dahil mukhang napagod siya kakatakbo.

"May kumausap lang sakin." Tamad na sagot niya at binuksan na ang kotse.

Pumasok na siya sa drivers seat. Wait? Siya ang mag dadrive? Akala ko ba, masakit ang kamay niya.

Pumasok naman ako sa passengers seat at tinignan siya ng masama

"Akala ko ba, masakit amg kamay mo? Bakit mukhang may plano ka pang mag drive ngayon?" Seryosong tanong ko.

Nagsuot muna siya ng seatbelt bago sinagot ang tanong ko.

"Hindi na masakit ngayon." Sagot niya at ngumiti sakin. Baliw talaga ang lalakeng to!

"Sinong niloko mo! Nakakainis ka talaga!" Sabi ko at pinalo siya sa braso niya.

Nakakainis, nag iinarte lang pala siya kanina. Pinagdrive ko pa siya papunta dito at sinubuan ko pa siya ng pagkain kanina. Tengene!

"Masakit yun ah!" Reklamo niya habang hinihimas ang kanang braso niya. "Magsuot ka na ng seatbelt mo! Para makaalis na tayo!" Natatawang sabi niya.

Kaya kahit labag sa loob ko, ginawa ko na lang. Wala rin naman akong mapupuntahan. Mamayang 3pm pa ang next class namin. At yun narin ang huli. Tinatamad na rin kasi akong bumalik.

Habang nagdadrive siya, hindi ko mapigilang magtanong kung sino ang kausap niya kanina.

"Sinong kausap mo kanina?" Basag ko sa katahimikan na bumabalot sa loob ng kotse.

Sinulyapan niya ako saglit, at binalik naman niya agad ang paningin sa daan.

"It's not that important. Kaya hindi mo na kailangang malaman" sagot niya habang deretso parin nakatingin sa daan.

"Hindi ko naman tinatanong kung anong pinag usapan niyo, i was just asking, kung sino? Hindi ano!" Inis na sabi ko at tinignan siya ng masama. Pero hindi niya ako binalingan ng tingin.

"Bakit gusto mong malaman kung sino? Nagseselos ka?" Kahit hindi ko makita ang buong mukha niya, halata na ngumisi siya.

Mukhang hindi na naman ata nakainom ng gamot to! Tch!

"Whatever!... bahala ka na jan. Don't talk to me!" Inis sabi ko at nagcrossarm bago sumandal. Tumingin na lang din ako sa labas, dahil baka masapak ko na ang baliw na to. Ang dami dami na niyang kasalanan sakin. Aiiish!

Narinig ko naman ang mahinang tawa  niya.

"Si Vivian. Siya ang kumausap sakin" natatawang sabi niya. Pero hindi parin ako tumuitingin sa kanya, at nasa labas lang ang tingin ko.

"I didn't ask!" Tamad na sabi ko.

"You did, earlier!" Natatawa parin sagot niya.

"Kanina pa yun, nakalipas na." Inis na sabi ko at nasa labas parin ako nakatingin.

"Kahit ilang taon na ang nakalipas, Sasagutin ko parin ang mga katanungan mo." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Bakit parang ang lakas ng impact ng sinabi niya sakin.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now