Chapter 41

3.6K 134 12
                                    

Chapter 41
            
          
             
         
Adi's POV

Monday na ngayon at lugmok kaming papasok ng school ngayon sakay ng Van na ginagamit nina mang jules pag mag gogrocery sila.

Pahamak din kasi yung isang myembro ng empire na yun eh, sobrang loyal kay kuya Magnus. Nakakainis.

"Kasalanan to ni Adi eh!" Inis na sabi ni kuya peter.

"Anong ako? Kaya nga hindi ko na kayo tinawagan dahil, para hindi na malaman nina kuya Magnus. Panira rin kasi kayo!" Sigaw ko. Bwisit din tong peter na to, nung isang araw pa ako ayaw tigilan. Eh, sila nga itong pasuperhero pa ang peg. Tch!

"Tumigil na nga kayong dalawa! Lahat tayo may kasalanan, kaya wag na kayong magsisihan" saway samin ni kuya Josh.

"Si Peter kasi, ayaw akong tigilan" inis na sabi ko at tinignan ng masama si peter.

"Hoy, ikaw! Nag away lang tayo, hindi mo na ako tinatawag na kuya!" Turo niya sakin.

"Wag mo kong ma hoy hoy! May pangalan ako! Tch!" Sigaw ko naman sa kanya.

"AYAW NYO BA TALAGANG TUMIGIL!" malakas na sigaw ni kuya Ali kaya tiklop agad kami ni peter at tumingin na lang pa labas. "Isang bangayan niyo na lang, makakatikim kayo sakin!" Dagdag niya. Galit na galit na talaga siya. Dahil imbes na huling linggo na ito para magamit niya na ulit ang kotse niya, nadagdagan ulit ng isang linggo. Kaya ayaw kong lumapit muna ngayon kay kuya Ali eh, para kasi siyang dragon ngayon. Iiiihh!!

Di nagtagal, nakarating narin kami sa AU, at isa isa na kaming bumaba.

Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong agad ako ni Andrea na malawak ang ngiti.

"Goodmorning, Adi" bati niya at kumapit sa kamay ko. Nakangiti siya ngayon na parang walang nangyari nung nakaraang araw. Nahihiya parin ako sa kanya, dahil siya na nga itong nadamay sa mga problema ko, siya pa yung napagalitan ko.

"Goodmorning" nahihiya na bati ko sa kanya.

"Sabay na tayo pumasok!" Masayang sabi niya at kinaladkad na ako.

Nagpaalam na ako kila kuya at nakangiti naman silang tumango.

"Adi, Sorry nga pala sa nangyari nung isang araw" aniya habang naglalakad kami patungong building namin.

"No, don't say sorry. Ako dapat ang humingi ng sorry, dahil kasalanan ko yun." Sagot ko.

Ngumiti naman siya ng malapad "bati na tayo ha! Akala ko kasi mawawalan na ako ng kaibigan"

"I should be the one saying that" sagot ko.

"Kushinaaaaaa!!" Ang aga aga makakasalubong ko na naman ang isang baliw.

Tumakbo siya papalapit samin na malawak ang ngiti.

"Nagstudy ka na?" Tanong niya.

"Hindi pa" tipid na sagot ko.

"Ha? E pano ka papasa niyan?" Takang tanong ulit niya at sumabay na siya samin sa paglalakad.

"Hindi ko na kailangang mag study!" Tamad na sabi ko.

Sabay silang huminto sa paglalakad at magkasalubong ang kilay na tumingin sakin.

"Why?" Takang tanong ko.

"Sana all" sabay nilang sabi at tumawa ng malakas.

"Tch" nagpauna na akong maglakad at iniwan sila, pero agad naman silang tumakbo para habulin ako.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now