Chapter 82

2.7K 94 7
                                    

Chapter 82


Adi's POV

"So ano? Final na?" Tanong ulit ni Fred ng napagkasunduan na ng lahat na Akatsuki gang ang gagayahin namin para sa Costume party.

"Oo, gawin nalang nating magkahiwalay si Zetsu, si Ryle ang White Zetsu, si Kris ang Black Zetsu." Suhestyon naman ni Gavin.

"Ako si Itachi" presenta ni Owen

"Ako dapat! Si Kisame ka na lang!" Ani Dexter kaya binatukan siya ni Owen.

"Gwapo ako kesa sa'yo, at isa pa, mas bagay naman sa'yo si Kisame" inis na sabi ni Owen.

Buti na lang at hindi nila ako kayang batukan. Ang hihilig kasi nilang mambatok.

"Ako si Hidan" ani Bryan.

"Deidara!" Taas kamay pang sabi ni Perry.

"Ako na si Sasori" ani Ethan.

"Si Fred si Orochimaru" ani Kris at humalakhak na sinabayan naman namin.

"Gago ka Kris! Alisin na lang kita dito" banta sa kanya ni Fred na siyang nagsusulat ng mga pangalan namin at kung sino ang gagayahin namin.

"Si Adi, walang iba kundi si Konan dahil siya lang naman ang babae. Si Cayden, hindi naman makakasali sa'tin, dahil may ibang gagawin ang mga presidente. Sino pa ba?" Ani Fred habang binabasa ang nakasulat sa papel.

"Ako na si Kakuzu" nagtaas naman ng kamay si Gavin

"Tobi" Ani Andrew

"Si Juzo na lang si Walter. Hindi bagay si Pain sa kanya" natatawang sabi ni Fred na sinang-ayunan ng lahat.

"Sino si Pain? Hindi kumpleto ang Akatsuki pag walang pain" takang tanong ni Bryan.

"May naisip ako" sagot ko kaya sabay sabay silang lumingon sa'kin.

"Si Zach?" Tanong ni Ryle kaya agad naman siyang binatukan ni Fred.

"S-sorry" nag-peace sign pa siya at ngumiti ng awkward.

Ilang araw na ang lumipas simula ng nangyari yun, at kahit hindi nila sinasabi, ramdam ko na pilit nila akong iniiwas sa kahit ano mang konektado kay pintura. Kaya pinasalamat ko na nakilala ko sila, kasi kahit bestfriend nila si pintura, mas pinili parin nila na samahan at damayan ako.

"Sino?" Balik na tanong nila sa'kin.

"Suggestion ko lang to, siya kasi ang naiisip kong bagay kay Pain, dahil sa mga hikaw niya sa tenga" sagot ko at mukhang alam na nila kung sino.

"Okay lang sa'min, kung payag siya" kibit balikat na ani Gavin.

"Tanungin natin,..Ivan!" Tawag ko kay Ivan nakakapasok lang ng Cafeteria at naglalalad na palapit sa pwesto namin.

"Why?" Nagtatakang tanong niya ng marinig na tinawag ko siya.

"Ikaw na magcosplay kay Pain" deretsong sabi ko kaya kumunot naman ang noo niya.

"What? Sinong Pain?"naguguluhang tanong niya.

"Sabi mo tanungin, bakit parang inutusan mo?" Bulong ni Fred na katabi ko.

"Pareho lang yun. Papayag naman yan, Right?" Baling ko kay Ivan na naguguluhan parin hanggang ngayon.

"Don't worry, Ako na bahala sa mga costume" dagdag ko pa at humagikhik naman etong mga nasa tabi ko.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now