Chapter 87

2.8K 97 17
                                    

Chapter 87
      
        
         
      
Adi's POV

      
   
 
Malalim na ang gabi at andito parin kami sa lugar na'to. Nakaupo ako sa damuhan habang siya ay natutulog, ang ulo ay nasa lap ko. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya kaya ayaw ko siyang gisingan.

"I'm sorry, Zach" bulong ko habang pinagmamasdan siya. "I'm sorry for being such a nuisance. This is all my fault, ako ang malas sa buhay mo" tumingala ako sa buwan at may pumatak na luha mula sa mata ko. "I'm sorry, baby"

"Why are you saying sorry?" Gulat na napayuko ako dahil sa biglang pagsalita ni Zach. Gising na siya at titig na titig sa'kin.

"It's nothing" nag-iwas ako ng tingin para hindi niya makita ang mga luha sa mata ko.

"Thank you" bulong niya kaya binalik ko ulit ang tingin ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa'kin, sa paraan ng pagtitig niya sa'kin dati.

"U-umuwi na tayo" sabi ko ng matauhan. Ayokong magtagal dito dahil mas nagiging marupok ako. Hindi ako kahoy, kaya hindi ako pwedeng maging marupok.

Umupo na siya at agad naman akong tumayo at tinalikuran na siya. "Y-you can drive on your own, right?" Tanong ko ng hindi man lang siya nililingon. "M-mauna na ako" dagdag ko pa bago ako nagmadaling naglakad. Pero nakakailang hakbang palang ako nang yakapin niya ako mula sa likuran.

"Just this time. Please stay" bulong niya. Nararamdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko kaya hindi ako makagalaw.

"I-I need to go home, H-hinahanap na ako nina kuya" pagdadahilan ko, pero hindi parin siya natinag at sinubsob niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Baby....please" kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko ang pagbuhos ng ulan. Pero nanatili parin kami doon, hindi alintana ang napakalakas na ulan.

Bumabalik na naman sa'kin lahat ng nangyari nung araw na'yun. Lahat ng sakit na dinulot sa'kin ng ginawa nila.

"I-I'm s-sorry" pilit kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko pero imbes na makawala ay inikot niya lang ako para paharapin sa kanya bago ako yakapin ulit.

"Stay, please" hindi ko alam kung umiiyak na ang boses niya o inaantok lang. "Ngayon lang, kahit ngayon lang at hindi na ako magpapakita ulit" bulong pa niya na mas nagpaiyak sa'kin. Tumigil na ako sa pagpupumiglas dahil narinig ko ang hikbi niya sa balikat ko.

He's crying, at parang mas dinudurog ang puso ko dahil umiiyak siya.

"Just this time, baby, please"bulong pa niya ulit.

Kusang gumalaw ang kamay ko para yakapin siya pabalik. "Don't cry"

Para akong tanga na sinasabihan siyang wag umiyak pero eto ako, mas malala pa ang iyak. Tangina kasi! Nakakatangina ang pag-ibig. Kung bakit pa kasi ganito ang naging kwento ng buhay ko. Hindi ba pwedeng mai-inlove na lang ako tapos magiging masaya na kami?. Ang sakit sakit na kasi, ang sakit sakit palang magmahal. Tangina.

"I love you, Adrianne" bulong niya bago humiwalay sa yakap namin at hinarap ako. Hinawakan niya ang kanang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko. "I love you so much, even if will cost my life, I will still love you"

"Stop" pigil ko sa kanya bago ako nsg-iwas ng paningin. "Tigilan mo na ko, Zach. Let's stop this stupid thing" sabi ko habang ang tingin ay nasa malayo."ayoko ng masaktan, pagod na akong masaktan. Ayoko ng umiyak, kaya itigil na na'tin ang kalokohan na'to" tuloy tuloy lang ang mga luha ko habang sinasabi ang mga iyon, dahil iba ang gustong sabihin ng puso ko, pero hindi ko na siya pinakinggan, dahil ang unang beses na pinakinggan ko siya ay naging dahilan ulit iyon ng pagkawasak niya mismo.

Scarlet Eyes [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora