Chapter 75

3.1K 98 12
                                    

Chapter 75
        
         
           
            
Adi's POV
      
         
     
Huling araw na ng CSF ngayon, at ang AU ang maglalaro para sa championship ng basketball. Northfield ang kalaban nila kaya punong puno itong Gymnasium ng lahat ng estudyante ng Northfield.

Natapos na ang laro ko kanina, at syempre ako ang champion. Tuwang tuwa si Coach dahil ito ang kauna unahang kampyonato na nakuha ng AU sa larong dart sa womens league.

Tapos na ang 2nd quarter kaya pabalik na sila dito sa bench. 50-47 ang score, AU ang nangunguna, pero mukhang hindi parin sila masaya dahil maliit lang ang gap.

"It's okay, ang imporyante kayo ang leading" sabi ko pagkaabot ko ng Gatorade kay zach na nakaupo sa tabi ko.

"It's not enough. I want to crush them, specially that Justine guy" masama parin ang tingin niya kay Justine na nasa kabila.

Kasama sa varsity ng Northfield si Justine at siya rin ang captain ball. Magaling siyang maglaro at mahilig din mambwisit sa mga kalaban niya, kaya kumulo ang dugo ni Zach sa kanya.

"Kaya hindi ka makafocus eh, mainit ang ulo mo. Calm down" pagpapahinahon ko sa kanya. Inabutan ko siya ng twalya niya at hinawakan ang kamay niya. "Mas lalo ka lang niyang iinisin pag nagpaapekto ka." Sabi ko pa habang ang paningin ay sa lalakeng di ko kilala na kanina pa nakatingin sa'kin mula sa kabilang benches. Mukhang hindi rin siya estudyante dahil mukhang kaedad na siya nina kuya Magnus.

"Hey? Adrianne?" Tawag sa'kin ni Zach at hinawakan na ako sa braso ko. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"Y-yeah" sagot ko na lang at iniwas na ang tingin doon sa lalake.

"Kanina pa ako nagsasalita, at hindi ka sumasagot, may problema ka ba?" Hindi parin natatanggal ang pag-aalala sa mukha niya.

"May naalala lang ako, and it's not important. Ano pala ang sinasabi mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"I was aking you if you want to eat outside after this game"

"Niyaya mo akong magdate?" Takang tanong ko.

"Well, if that's what you call it. Then okay, let's have a date" nakangiting sagot niya.

"If you win this game. I'll have a date with you" nakangising sabi ko naman kaya napaupo siya ng maayos.

"That's easy, but I realized that date is not enough motivation for me. I want more special than that" ngumisi naman siya ngayon kaya nagtaka ako.

"You mean a date in somewhere special? Japan? Korea? France?...that's an expensive date" may halong pagtatakang tanong ko.

Natawa siya ng bahagya bago nilapit ang mukha niya sa'kin. "I mean, Kiss...just kiss me, and that's enough for me to crushed them down" nakangising sagot niya bago sinulyapan ang labi ko.

"Malandi ka talaga!" Inis na tinulak ko siya palayo habang siya naman ay tawang tawa lang.

"You're so cute when you're blushing" natatawang sabi pa niya.

"I hate you!" Inis na sabi ko sa kanya.

"I love you" sagot naman niya.

Mumurahin ko pa sana siya pero alam ko na ang isasagot niya, kaya wag na lang, Mas lalo lang ako mabubwisit.

"Raulo" inis na bulong ko.

"What? Andito si Raulo?" Biglang sumeryoso ang mukha niya at nagpalinga linga para hanapin si Raulo. Baliw talaga.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now