Chapter 83

2.7K 96 6
                                    

Chapter 83
      
       
       
         
Adi's POV
    
     
    
Ilang araw na lang at malapit na ang Party, kaya halos lahat ng mga estudyante ay busy na. Tapos narin kasi ang exam.

"Ate A, i want ice cream" nakikiusap ang mga mata ni Lester habang nakakapit sa braso ko.

Ilang araw na siyang dinadala ng kuya niya dito, dahil ayon kay Lester, iniiwan daw siya ng mommy at daddy niya sa bahay ng kuya niya dahil busy pa daw ang mga ito. Kaya eto, sa tuwing andito siya ay ako ang nilalapitan niya, ayaw daw niya sa witch na palaging kasama ng kuya niya.

"Okay, let's go buy Ice cream" hinawakan ko siya sa kamay at sabay kaming naglakad palabas ng room para bumili ng ice cream sa Cafeteria.

"Why do you like ice cream so much?" Tanong ko kay lester na patalon talon pang maglakad.

"Because it's sweet and yummy" kumikislap ang mga mata niya habang dinidescribe ang ice cream.
        
      

"Do you love Kuya?" Biglang tanong ni Lester sa'kin na malapit na kami sa Cafeteria, kaya binaba ko ang tingin ko sa kanya.

"H-huh?"

"Last night, Kuya and Daddy is shouting. And I heard Kuya said, He loves you and Daddy punch him." Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. "What's Love, Ate? Is it tasty?" Inosenteng tanong niya pa.

Yumuko ako para pantayan siya at hinawakan siya sa taas ng ulo niya. "Love is a complicated thing. Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon." Nakangiting sagot ko at ngumiti narin siya. "Let's go buy Ice cream, okay?" Tumayo na ulit ako at binuhat na siya.

     
      
"Wala na pong Ice cream, ma'am" anang kahera kaya agad na nalungkot si Lester.

"I want ice cream! Ice cream!" Naiiyak na sigaw niya ng lumabas na kami ng cafeteria.

"Di ba pwedeng mamaya na lang?" Tanong ko sa kanya dahil umiiyak na talaga siya. "Fine! Let's go buy at the mall" sabi ko para tumahan na siya.

"Yehey!!! We're going to the mall" excited na sabi niya habang pumapalakpak pa at sinisinghot ang sipon niya.

Ang sarap palang magkaro'n ng batang kapatid. Hahaha

"Lester!" May tumawag sa pangalan niya kaya sabay kaming lumingon patalikod.

"Kuya!" Masayang sigaw ni Lester ng makita si Pintura at bumaba na mula sa pagkakarga ko sa kanya at tumakbo palapit sa kuya niya. "Kuya! Let's go to the mall! Ate A will buy ice cream for me" malawak ang ngiti ni Lester habang nakahawak sa kamay ng kuya niya. Sinulyapan naman ako ng pintura bago binalik sa kapatid niya ang tingin.

"Kuya will buy it for you later. Let's go back to our classroom" malambing na sabi niya sa kapatid niya na nakasimangot na.

"No! I want ice cream now! Now!" Pagpipilit ni Lester, at konti na lang ay iiyak na siya ulit.

"Ssshh...Fine, let's go buy your Ice cream. Tayo na lang dalawa, nakakahiya na sa Ate A mo" aniya at hinawakan na sa kamay si Lester bago tumingin ulit sa'kin.

"No, It's fine. Sasama na ak--nevermind" baliw ka talaga adrianne! Baka kung ano pa isipin niya! Bwisit!

May sumilay na ngiti sa labi niya na agad ding nawala ng nagsalita ulit si Lester.

"Let's go, Ate A. Pupunta tayo mall!" Masayang sigaw niya at humawak narin sa kamay ko kaya napapagitnaan namin siya ni Pintura ngayon.

"To the mall..to the mall..we gonna play at the mall.." kinakanta kanta pa ni Lester habang naglalakad kami papuntang parking lot. Hindi naman maiwasan na pagtinginan kami ng lahat, dahil alam ng buong campus ang nangyari, syempre, dahil yun sa maingay na plastic. Akala ko nga lata lang ang nag-iingay pag walang laman, pati plastic din pala.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon