Chapter 52

3.3K 135 8
                                    

Chapter 52
       
          
           
Adi's POV
       
          
"Sumuko ka na, Peter! Mag isa ka lang, hindi mo kami kaya. Ibigay mo na lang sa'min si Ms. Adrianne, para mabuhay ka pa" natatawang sabi ni Marco.

Nahihirapan na si kuya Peter, siya lahat ang tumatanggap ng mga atake nila, habang prinoprotektahan ako. Ayaw niyang tumulong ako, dahil pag nagkataon daw mapagod ako sa pakikipaglaban, hindi na daw ako makakatakbo para tumakas. Gusto niyang umalis na ako dito at siya na lang daw ang bahala. Pero ayoko. Hindi ko siya pwedeng iwan dito.

"Leave now, Adrianne!" Maotoridad na sigaw niya at may sumugod na namang dalawang lalake na magkakasunod na sumuntok sa kanya, naharang niya ang isa na agad niyang ginantihan ng suntok, pero hindi na niya namalayan ang isa kaya nasuntok siya nito. Tumakbo ako palapit don at sinipa ang lalakeng sumuntok sa kanya.

May mga umatake pa at ako na ang nakipaglaban. Puno na ng dugo ang mukha ni kuya peter dahil magkakasunod siyang sinugod ng mahigit dalawampung tao.

"Fuck! I told you to leave! Wag nang matigas ang ulo mo!" Sigaw niya pa at pilit na tumayo.

Nakakatakot ang itsura ni kuya peter ngayon dahil sobrang seryoso niya. Nagiging nakakatakot talaga ang mga itsura nila pag nagseryoso na sila. Kaya kahit anong tapang ko, tumitiklop talaga ako pag seryoso na ang mga kuya ko.

"I won't leave you, kuya! Darating naman na sila." Pilit na lakas loob kong sagot sa kanya.

Magkatalikod na kami ngayon habang hinihintay ang susunod na atake nila. Malas din kasi, bakit ba hindi ko nadala yung mga gamit ko. Bwisit!

"Palaban talaga kayo" natatawang sabi ni Marco ay sinenyasan ulit ang mga tauhan niya at sa pagkakataong ito, may mga dala na silang maliit na kutsilyo.

"Goodthing, Aldrin trained me in a close combat" Ngumisi ako at sinipa ang lalakeng lumapit sakin na may dalang Dagger. Natumba siya at nabitawan ang hawak niya kaya agad kong kinuha ito. May dalawang magkakasunod na sumugod sa'kin, naharang ko ang kamay niya at binali ito kaya nabitawan niya rin ang hawak niyang dagger, sinipa ko rin agad sa tyan ang kasunod at ganun din, nakakuha na ako ng tatlong dagger.

May hawak din si kuya peter na limang daggger at inabot niya sakin to.

Agad ko tong kinuha at magkakasunod na binato ang tatlo nito sa tatlong lalakeng pasugod. Pinatama ko sa mga paa nila para mahirapan silang tumayo.

Hindi pa ako nakakalingon sa likuran ko ng bigla kong narinig ang boses ni kuya Peter.

"I told you, Hindi niyo siya mahahawakan, dahil dadaan muna kayo sa'kin" Seryosong sabi ni kuya peter habang hawak ang dulo ng kutsilyo na nakatutok sa'kin.

May mga dugong umaagos mula sa kamay niya at hindi parin niya binibitawan ang kutsilyo na hawak nung lalake. Sinipa ko na ang lalakeng yun, bago ko dinaluhan si kuya Peter na pagod na pagod na at alam kong, konti na lang, babagsak na siya.

Guminhawa ang pakiramdam ko ng makarinig ako ng mga kotse na paparating. Nilingon ko ang mga to at huminto sila sa likod mismo ng kotse namin. Agad na bumaba ang mahigit isang daan na myembro ng Empire at bago isa isang bumaba sina kuya Magnus, Kuya Mike at Kuya Gabby. Nakasunod kay kuya Magnus si Aldrin at Steven.

"Ang tapang mo, Marco, para sumugod dito na kakaunti lang ang dala, Dalawa lang sila at halos mangalahati na ang mga tauhan mo?" Hindi makapaniwalang sabi ni kuya Gabby.

"Kuya!, kuya peter, needs help" naiiyak na sabi ko kay kuya magnus na agad tumakbo palapit sa'min.

"Dadalhin namin kayo sa ospital" aniya at saka inalalayang tumayo si Peter at sumunod naman ako.

Scarlet Eyes [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin