Chapter 9

5.6K 147 20
                                    

Chapter 9
Love
    
    
    
Adi's POV
  
  
  
"Bakit ba ang bagal mong pumili! Tss!" Naiiritang sabi ni zach.

Andito kami ngayon sa mall. At pumipili ako ngayon ng damit ko. Atat talaga ang baliw na to. Sinabihan ko na siya na kung gusto na niyang umuwi, umuwi na siya. Kaya ko naman mag isa . Tch!

"Eto na! Tapos na." Utas ko bago maglakad sa underwear section.

"Hindi ka pa tapos bumili? Nakapili ka na ng damit ah! Saan ka nanaman pupunta?" Inis na sumunod siya sakin. Tch! Baliw!

Hindi ko na siya pinansin at pumili na ng underwear.

"Gumagamit ka pala niyan?" Takang tanong niya ng makita niya akong pumipili ng bra.

Huh?

"What do you mean?" Takang tanong ko rin sa kanya.

"Yang hawak mo. Saan mo gagamitin yan?" Turo niya sa hawak ko.

Ano nanaman trip mo ha? Tch!

"San ba to ginagamit? Alangan naman gawin kong headband? Tch!" Inis na sagot ko.

"Bakit meron ka ba nun? Parang wala naman ah?" Nakangising sabi niya at tumingin sa dibdib ko.
Walangya!

"Tangnamo!" Binato ko sa kanya ang hawak kong bra. Malapit lang siya sakin.

Bahagya siyang natawa pero sumeryoso ulit ang mukha niya.

"I already told you not to curse!" Seryosong sabi niya at mas lumapit sakin.

"And i already told you that i won't listen to you" seryosong sabi ko rin at tumingin sa mga mata niya.

Hindi parin siya huminto at lumapit na talaga siya sakin kaya napahakbang ako paatras pero agad naman niyang pinalibot ang kamay niya sa bewang ko at hinila palapit sa kanya.

Magkalapit ang mukha namin ngayon. Medyo may katangkaran siya kaya nakayuko siya sakin.

This is awkward! Aiish!

"Kailangan mong sumunod sakin sa ayaw at gusto mo!" Seryosong sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakakahiya.

"You wish! Bitiwan mo na nga ako! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao" saway ko sa kanya at pilit kumawala sa kamay niya.

"I won't! Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo sinasabi na makikinig ka sa lahat ng sasabihin ko." Seryoso parin ang mukha niya.

Nababaliw na talaga to! Mukhang kailangan ko na siyang dalhin sa mental.

"Alam mo zachary! Ang lakas talaga ng trip mo no? Bitiwan mo na ako para makauwi na tayo at makagawa ng report" nakakainis na talaga ang walang hiyang to!

"Nah! I already said my condition, kailangan mo lang sumang ayon" nakangising sagot niya.

"Okay fine! Hindi na ako magmumura" sabi ko na parang sumusuko na, kaya mas lalong lumapad ang ngisi niya at binitawan na ako.

"Tangina mo! Akala mo mapapasunod mo ko! Hahaha"  natatawang dagdag ko at mabilis na tumakbo papuntang counter

"Tss!"

Pagkatapos kong magbayad ay lumabas narin ako. Naghihintay pala siya sa labas.

Hindi ko na siya pinansin at nagpauna ng maglakad. Pupunta muna ako ng grocery dahil kailangan kong bumili ng toothbrush at bibili rin ako ng pagkain. Gusto kong kumain ng adobo.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now