Chapter 23

4K 145 17
                                    

Chapter 23
Socialization Night pt.2
     
    
   
    
Adi's POV
   
     
 
  
Gusto kong matawa sa text niya. Kung alam mo lang zach. Hahahahaha
   
From: Pintura

Who's Raulo? May iba kang katext?

"Halaaa!! Si adi... tumatawa mag isa!" May patakip takip pa sa mukha ang baliw na kris na to.

"Kinikilig ata sa ka text niya" natatawang sabi ni andrew. Nakiusyoso na pati ang nasa kabilang mesa at lumapit na samin.

"May textmate si adrianne?" Tanong ni dexter

"Akala ko wala syang boyfriend?" Takang tanong naman ni perry.

"Sino ang katext mo, adi?" Tanong naman ni ryle na lumapit pa sakin.

Natawa ako sa itsura nila. Mga tsismoso talaga.

"Si Raulo." natatawang sagot ko

Nagtaka sila sa sagot ko.

"Sinong raulo? Manliligaw mo?" Tanong ni ethan.

"Hindi! Nanggugulo lang!" Natatawang sagot ko.

Kung alam niyo lang talaga! Hahaha

"Ikaw zach? Sino naman ang katext mo?" Baling naman ni ethan kay zach. Lagot! Baka malaman nila na siya ang katext ko.

Kanina ko pa kasi naririnig na tumutunog ang cp ko. Siguro siya ang natetext.

Tinignan ko siya at nakangiting tumingin din siya sakin bago sinagot ang tanong ni ethan.

"Girlfriend ko!" Nakangising sagot niya.

Nagulata ako sa sinagot niya. Baliw ba siya? Nandito ang fiancé niya, tapos sasabihin niyang may girlfriend siya? Pakingsyet!

Napunta ang lahat ng atensyon sa kanya.

"Kaya naman pala, kanina pa ngiti ng ngiti. Ka text pala ang syota!" Natatawang sabi ni fred.

"Kung hindi lang palaging nagtatalo sila adi at zach! Iisipin kong sila ang magkatext ngayon" seryosong sabi ni ethan. Na pinagtawanan ng lahat.

"Ibang klase ang imahinasyon ni ethan!" Umiling iling na sabi ni gavin na sinang ayunan ng iba.

Buti na lang hindi sila naniwala. Kakaiba rin itong ethan. Ang lakas ng pakiramdam.

Kinulit kulit pa nila si zach dahil sa girlfriend daw niya, ng biglang nagsalita si kaitlyn.

"May girlfriend ka na zach?" Mahinhin ang boses niya. Yung boses na ginamit niya nung nagpakilala siya sakin.

Huminto ang lahat, at bumalik naman ang iba sa kanilang upuan. Parang may dumaang anghel dahil walang nagsasalita ni isa.

"Oo" simpleng sagot ni zach na bumasag sa katahimikan sa pwesto namin.

"Sino? Pwede ko ba siyang makilala?" Nakangiting tanong niya. Para talaga siyang anghel kung magsalita.

Martyr ka girl? Fiancé mo, tapos gusto mo pang makilala ang girlfriend?

"It's none of your business lyn...hindi mo na siya dapat kilalanin pa" seryosong sagot ni zach. Yumuko si kaitlyn na parang napahiya.

Sigurado na talaga ako na biktima sila ng fixed enggagement dahil magkakaibigan ang parents nila. Marami kasi akong nakikita sa mga pelikula na ganyan.

Scarlet Eyes [Completed]Where stories live. Discover now