CHAPTER 8

2.5K 101 5
                                    

LEIGH PEREZ

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may ibang tao sa loob ng kwarto ko. Nakita ko si mama na naka upo sa sahig at busy sa pag hahakot ng mga damit ko at inilalagay sa maleta sa tabi nya.

"Ma, ano pong ginagawa niyo" tanong ko rito sabay lapit...

"Nak, halika sa tabi ni mama" kaya tumabi ako ng upo sa kaniya saka nya ako inakbayan at hinalikan sa may sintido ko.

"May problema po ba?"

"May sasabihin lang si mama pero wag kang magagalit ha"

"Hmm"saka ko yumakap kay mama.

"Aalis kasi si mama at si papa...pupunta kaming Japan kasi may problema roon na kailangan naming masolusyunan para sa iyo, para sa kaligtasan mo" ramdan ko yung gaan sa boses nya na parang tinatansya ang magiging reaksyon ko.

"Ma, biglaan naman ata. Pwede pa ba akong tumutol?" Imbis na sagutin ay hinalikan lamang ako ni mama ang bio kong mukha.

"Matatagalan ata kami don nak pero wag kang mag alala dahil may pupuntahan tayo ngayon kaya ilagay mo dito sa isa pang maleta ang ilan sa mga importanteng gamit mo"

" Bakit, anong meron ma?"

"Basta ihanda mo mga gamit mo at mag ayos ka na rin"

"Eh teka mama, biglaan naman ata to." angal ko pa.

"We don't have much time honey, I'll answer all your questions in the car." Ngumiti lang si mama saka ako iniwan dahil maghahanda na raw sya ng almusal. Kaya hinanda ko narin yung mga gamit ko, nagdala ako ng  ilang books, shoes tapos gamit ko sa pag aaral dahil yon ang sabi ni mama.

Pumasok na ako sa banyo saka naligo at ginawa ang dating routine ko dito sa kwarto ko...

Mayamaya pa tinawag na ako ni mama dahil kakain na raw. Pag karating ko naman sa mesa nandoon na si papa at naka damit na sila pang alis.

"Kain na tayo" sabi sakin ni mama sabay abot sakin ng isang baso ng gatas.

"Good morning pa"

"Morning" sabi nya pero hindi sakin nakatingin kundi sa newspaper na hawak nya. When will you learn Leigh, he will never give you the attention you want.

Kumain nalang ako dahil may pupuntahan raw kami bago dumiretso sa Academy.

Pagkatapos kumain bumalik ako sa room ko saka kinuha yung dalawang malaking maleta saka isang backpack. Hirap pa nga ako kaya nagpatulong na  ako kay mama.

Habang nasa byahe kinakausap ako ni mama, yung mga bilin nya, yung tungkol sa kung saan muna ako tutuloy hanggat wala pa sila at kung ano ano pang pinag sasabi ni mama na hindi ko na matandaan yung iba basta ang tumatak sa akin ay wag raw akong lalayo kay Claude at baka mapahamak raw ako. Si Claude pa nga ata magdadala sakin sa kapahamakan eh.

For real. Hindi ako sang ayon na don ako tumira pero wala na akong magagawa dahil ready na gamit ko, paalis na sila ni papa, at pumayag na rin naman sila tita at tito na don ako sa kanila tumira pansamantala.

The only problem I have ay si asungot dahil lumalayo na nga ako, si tadhana pa talaga ang gumawa ng paraan para magkita kami bwisit. Titira pa kami sa iisang bubong.

"Andito na tayo." Sa harap namin ay isang mansyon. Ang laki ng bahay nila at masasabi mong mayaman ang nakatira. Malayo pa kami sa main door dahil nasa labas pa kami ng gate na agad namang pinagbuksan ng guard na nakabantay...ang ganda ng mga halaman sa paligid at may fountain sa gitna, siguro may isda roon, pagtigil ng kotse ni papa ay bumaba na kami at sumalubong sa amin sina tita Allison at tito Clyde tapos si ate Chloe at syempre ang damuhong Claude. Lumapit ito sa akin saka kinuha yung backpack ko at isang maleta kaya isang maleta nalang ang nasa kamay ko...

HIS POSSESSION (BL) Where stories live. Discover now