CHAPTER 10

1.9K 94 1
                                    

SOMEONE'S POV

Andito ako sa room namin ngayon habang nakamasid sa pinababantayan sa amin ni Master, sya ang mission ko, ang protektahan ang susunod na Master ng pinakamalaki at pinakamakapangyarihang organisasyon sa Asia, which is naka base sa Japan.

Mabuti nalang at nakaupo sya sa unahan kaya hindi nya mahahalata na nakatitig ako sa kanya. Pero mali ako dahil bigla syang humarap sa likod nya, sa dereksyon ko mismo kaya tumingin ako sa labas at kunwaring may pinagmamasdan doon. Ano pa bang aasahan ko eh anak yan ni Master eh siyempre matalas senses nyan.

Half japanese at half filipino ako, at hindi lang ako ang nandito para sa mission dahil nagkalat sa buong Academy ang mga members ng Yakuza para sa pagbabantay sa susunod na mamumuno sa amin. Lahat rin kami ay may lahing filipino para mas mapadali ang mission namin.

Nanganganib kasi ang buhay nya kaya sobrang pagpoprotekta ang ginagawa ni Master para sa kanya. Napalingon ako sa kanya ng lumabas sya pero hindi ko na sinundan dahil baka maghinala pa. Hanggang sa mag uwian na wala pa rin sya kaya medyo nag aalala na ako. Dapat pala sinundan ko na eh.

"Hello, Young Master." tawag ko sa nagsisilbing leader namin. Anak ito ng kapatid na babae ni Master. Marunong din itong magtagalog dahil may lahi silang Filipino.

"Is there a problem? How is he?" Nako lagot ako neto panigurado.

"Uhmm kasi Young Master, nawala sa paningin ko eh pero hinahanap ko na sya" Sabi ko habang binubuksan ang ilang rooms na madadaanan ko.

"WHAT!? Fuck, Where are you? " Nailayo ko yung cellphone sa tenga ko ng marinig ang sigaw ni Young Master.

"Andito parin sa building ng seniors Young Master, pero pababa na ako" Nasa college building kasi si young master at malayo ito sa amin. Hindi ko alam kung anong kurso nya dahil inulit nya lang naman yung college kasi graduate na sya sa Japan kung saan nya tinapos ang pag aaral nya. Palibhasa matalino tapos advance pa mag aral sa Japan.

"Tawagin mo ang ilan sa mga nandito pa. Bilisan mo"

"Yes, Young Master." naman ohh. Dumidilim na yung paligid. Please be safe.

===

SHANE LAURIER

"Ano na hanap nyo na ba?" Natataranta na ako dahil wala si Leigh sa room nila pero andon yung bag nya. Saan naman kaya nag sususuot yon palibhasa ang liit eh.

"Wala, hah...hah...Sabihin na kaya natin kay Claude para matulungan tayo. Masyadong malaki ang Academy na to, and wala rin sya sa building nila?" Saad ni kuya Blake habang hinihingal. Nandito rin sina kuya Zach, Kai, at Kit.

"Nababaliw kana ba bro mapapatay tayo non" si Zach habang may kinakalikot sa dala nyang laptop.

Andito kami sa may field ng Academy at madilim na rin dahil gabi na, pero pansin kong madami pa ring students.

"Guys pansin nyo ba? bakit andami atang studyante rito, kahit gabi na?"

"Hayaan mo sila basta mahanap natin si Leigh bago pa malaman ni Claude dahil lagot tayong lahat...tsk tsk tsk kabilin bilinan pa naman nya na bantayan si Leigh" si Kai habang nagmamasid sa paligid...

Napapitlag ako nang may tumunog na cellphone, saka tumayo si kuya Blake habang inilabas yung cellphone nya. Napatingin pa samin si Kuya bago nya sagutin ang tawag.

"Hello Claude?" So it's Claude.

"Blake, where are you? Leigh is not picking up my calls, Im worried sick goddammit" rinig namin na pagsigaw ni Claude kaya dumoble yung kaba namin.

"Are you still at your dad's company?"

"Yeah I'm still here. There are still so many papers that I need to sign on behalf of my father dahil pinagawa nya sakin yung dapat na sya yung gumagawa"

"Anong oras ka ba uuwi?"

"I don't know pero siguro midnight na bakit ba? and hindi mo pa nasasagot yung tanong ko Blake nasan ka?"

"Bakit mo ba gustong malaman kung nasaan ako?"

"Because I have a favor to ask....pwede bang puntahan mo si Leigh sa bahay at alamin mo na rin kung bakit hindi nya sinasagot yung tawag ko"

"Bakit hindi si ate Chloe ang tawagan mo?"

"Wala sya jan ngayon dahil may pupuntahan daw sya para sa paghahanda sa Anniversary celebration ng Academy, si dad and mom naman ay nasa China for business purposes"

"hah...okay...may sasabihin lang ako, wag kang magagalit Claude ha...kasi ....nawawala si----" naputol yung sasabihin dapat ni kuya dahil sa pag sigaw ni Zach.

"NAHANAP KO NA" Sigaw bigla ni Zach, kung ganon tinatrack nya pala yung location ni bes, good job Zachary

"Blake sinong nawawala...please tell me mali yung hinala ko dahil kung Oo mapapatay kita" Si Claude yon kaya napatahimik ulit kami.

Alam kong kaya ni Claude na pumatay kaya nakakatakot talaga sya.

"Pumunta ka na lang dito sa may field sa academy bro, dito na lang tayo mag usap" saad nalang ni kuya saka pinatay yung tawag.

Napatingin naman ako sa laptop ni Zach pero wala akong maintindihan don kaya inalis ko nalang yung tingin ko don.

"Puntahan na kaya natin sya kuya baka mapano pa si bes ehh" nag aalala talaga ako tsaka gabi na, ilang oras na kaya sya don sa kung saan man sya banda ng academy.

"Zack, Kai samahan nyo si Shane, puntahan nyo na si Leigh. Hintayin lang namin ni Kit si Claud dito. Susunod na lang kami"

"okay nakuha ko na rin naman yung exact location ng kwintas ni leigh"

"Kwintas?" tanong ko kay Zach

"Yes, bigay yon ni Claud sa kanya na linagyan ko ng maliit na tracking device in case of emergency like this".

Hindi nalang ako nagsalita saka binilisan yung lakad ko habang sina sabi ni Zach kung saan namin matatagpuan si bes.

"Bessy" nabanggit ko nalang habang papalapit sa building ng senior high school...

"Bakit dito? akala ko ba wala sya sa building na ito?"

"Andito sya...sa pinakadulo ng building sa CR ng boys, isang parte ng academy kung saan kaunti lang ang napapadpad na tao"

Doble doble na yung kaba ko hanggang sa nasa tapat na kami ng CR...buti may dala kaming flashlight kasi masyadong madilim dito...idinikit ko yung tenga ko sa may pinto at parang nadurog yung puso ko dahil may naririnig akong iyak.

Hindi ko napigilang pumatak yung luha ko..."Leigh, bessy andito na kami wait lang ha"sigaw ko para marinig nya.

Nakita kong may hawak na hairpin si kai saka ko tiningnan yung pinto...halatang sinadya na ikulong sya dito dahil nakakandado yung pinto...umalis ako sa pwesto ko kanina para mabuksan ni kai yung pinto gamit yung hawak nya...pinunasan ko na rin yung luha ko...

Pero pagkatanggal ng kadena ay may humila kay kai saka ko nakita na pumasok sa loob ng CR ang isang tao na madilim yung mukha, mahigpit na nakakuyom yung kamay nya at ang bibigat ng hininga nya...automatic naman na napatingin ako kay kuya dahil sa daing nito, may dugo sa labi at ilong nya...

"Hon" sambit na lang ni Claude pagkakita sa itsura ni Leigh..lumapit sya rito saka ito yinakap habang pinapatahan.

❤❤❤
EDITED

PLS
VOTE/COMMENT/SHARE

HIS POSSESSION (BL) Where stories live. Discover now