CHAPTER 9

2.1K 111 5
                                    

NOTE:
Kahit po ineedit ko na yung ilang chapters ay baka may mali parin kayong makita tulad ng typo errors and plot holes Kaya pag pasensyahan nyo na po ako.

BTW guys, I reached 1k votes so I'm very happy.

Thank you po

LEIGH PEREZ

Nandito na kami sa tapat ng room ko kaya lumayo na ako kay Xander sabay kuha ng bag ko sa kamay nito. Buti nalang binitawan na rin ako ng lalaking to.

"Dito na lang ako, alis na." matamlay kong sabi sa kanya at imbis na umalis ay idinikit nya lang ang palad nya sa noo ko.

"Hindi ka naman mainit. Gusto mo ba munang pumunta sa clinic at mag pahinga?" Tanong nito. Stop overreacting you jerk.

"Ano ka ba, ayokong mag cutting class dahil malapit na ang exams. Don't worry pupunta akong clinic pag hindi ko na kaya o kaya naman tawagan na lang kita" I assured him dahil mukhang hindi ito aalis sa tabi ko at siguro naman ay alam nyang ako ang nasusunod sa mga gusto ko...

"Fine, I'll wait for your call." Sabi nito sabay baling sa classmates ko na alam kong nakikinig kahit hindi sila nakaharap sa amin ni Xander.

"Look after him. You're all dead if something happens to him." sabi nya na medyo sigaw para marinig ng lahat ng classmates ko. Halata naman ang pagbabago ng mood ng lahat ng classmates ko. may natakot, may kinilig, may ilang nag sitango nalang.

"Xander, bwisit ka talaga. Umalis ka na nga." Sinampal ko yung braso nya dahil sa gigil ko. Ano bang nangyayari sa kanya at parang nasosobrahan na sya sa pagiging possessive.

"I better go then. See you later Hon. " sabay halik sa noo ko at tumalikod sa para pumunta sa first period nito.

Pinagmasdan ko lang si Xander habang paalis ito. Ewan pero wala ako masyadong naramdamang pagtutol sa mga ginagawa nya, in fact, parang gusto ko pa ang pagiging maalaga  nito.

"Masarap ba magbuhay prinsesa Leigh, or buhay prinsipe, ano ba dapat?" Alam ko na kung sino to kaya hindi ko nalang sya pinansin at diretso na ako sa upuan ko pero hindi pa ako tuluyang nakaka upo nang may tumulak sa akin dahilan para mapadapa ako sa sahig na medyo nag pahilo sa akin. 'Goddammit' I cursed.

Rinig ko ang singhap at tawanan ng ilang kababaihan sa paligid. Tumayo nalang ako saka hinarap ang bruhang tumulak saakin.

"Anong bang problema mo sakin Steffanie"

"Kung problema lang naman sayo fag marami, ibigay ko pa listahan sayo kung gusto mo" Si Steff lang ang may lakas ng loob na ibully ako kahit na pinagsasabihan na ito ng ilan sa classmates namin ay wala naman silang magagawa dahil importanteng tao rin tong bruha nato kaya malakas ang loob at parang wala lang yung mga banta ni Xander sa kanya.

Sigurado naman ako na may gusto to kay Xander kaya ganito nalang galit nito skin. Yung iba ko ngang pasa na galing sa pangbubully nya, hindi ko pinapakita kay Xander .

"Wala akong panahon ngayon para makipag usap sa clown na katulad mo kaya pwede ba layuan mo muna ako dahil masakit ang ulo ko" ako sabay patong ng ulo sa desk ko at pumikit dahil umikot talaga yung paningin ko kanina.

"Ang yabang mo talaga. Ano bang gayuma ang binigay mo kay Claude, anong klase ng pangkukulam ba ang ginawa mo?" Rinig ko naman yung tawa ng ilan sa mga babae dito sa loob. Ang tagal naman ni teacher at nang matahimik na tong bruha na to.

"Sabihin nalang nating nakuha ko sya sa ganda" saka ko sya hinarap. kahit ngayon lang paninindigan ko yung salitang 'maganda' na laging bukam bibig ni Shane para pambawi dito sa clown na to. Halata namang nainis sya, tsk sya yung nag simula tapos sya tong maiinis agad. "yung may magandang kutis na walang bahid na kemikal, yung hindi naglalagay ng make up para hindi magmukhang clown, at yung may matamis na labi na hinahanap hanap ng isang Claude Lux. Yun lang naman Steff yung mayroon ako na nagpabaliw sa kanya." saka ako ngumiti ng malaki. 

Hahaha tumahimik yung room dahil sa sinabi ko siguro tinamaan yung iba. Yung mga lalaki naman kanina pa tahimik at nakatingin samin ni steff or sakin, ewan bahala sila dahil hanggang tingin lang naman sila.l


Sakto naman na pumasok na yung teacher kaya nagsibalik na sila sa pwesto nila pero itong steffanie na to may ibinulong pa sa akin...

"Wag kang masyadong matapang Leigh. Hindi pa tayo tapos, maghintay ka lang dahil ihahanda ko yung libingan mo. Hindi mo pa ako lubusang kilala kaya mag iingat ka. Akin lang si Claude maliwanag ba." saka na ito tuluyang pumunta sa upuan nito.

Ang creepy nya bwisit, pero aaminin ko medyo nag alala ako don dahil para syang sinapian ng masamang espirito sa lamig ng boses nya kanina.

Hay ang sakit ng ulo ko, ng katawan ko. Matext na nga muna si Xander, hindi pa naman si teacher  nagsisimula sa pagtuturo eh.

to: Lux

  Nasan ka ngayon xan?? may ginagawa kaba?

Pag kasend ko naghintay lang ako ng ilang segundo saka ako nakatanggap ng reply

from: Lux

Hon sorry hindi na ako nakapag paalam dahil biglaan akong pinatawag ni dad sa company dahil may problema raw ehh...don't worry dahil binilin kita sa mga kaibigan ko pati na kay shane nung nakasalubing ko sila nung palabas ako ng Academy

I love you

P.s kumain ka ng lunch ha tsaka bibigyan ka mamaya ni kai ng gamot, inumin mo okay. Mag iingat ka jan

Wala pala sya rito ngayon hmm. Tinabi ko na yung cellphone ko sa bulsa ng pants ko dahil nagsalita na si teacher at nagchecheck ng attendance.

(Fast forward)

Last subject na namin ngayong araw at mukhang uulan pa ng malakas dahil medyo madilim na sa labas. Naibigay na rin sa akin ni Kai yung gamot na agad ko naman ininom saka yung pinag usapan namin ni shane tungkol sa pagbawi ko sa kanya ay saka ko nalang sasabihin sa inyo dahil kailangan ko munang lumabas dahil naiihi ako. Nagpaalam na ako kay teacher kaya deretso na ako sa cr ng boys pero naka lock yung iba kaya no choice ako at dun ako dumiretso sa pinakadulong bahagi ng building kung saan nandoon ang isa sa mga cr na hindi masyadong pinupuntahan dahil malayo kaya binilisan ko na.

Mag isa lang ako dito sa loob. Pagkatapos ng business ko sa cr ay tiningnan ko muna yung sarili ko sa salami. Habang busy ako sa kakasipat sa mukha ko hindi ko namalayan na may naglock ng pinto, narinig ko nalang yung tunog sa pinto sa tuwing maisasarado. Nataranta naman ako dahil malapit nang matapos ang klase at baka nasaraduhan ako ng janitor.

"Shit." Yun nalang ang lumabas sa bibig ko dahil nataranta ako habang sinusubukang buksan yung pinto at sumisigaw ng tulong.

"Teka yung cellphone ko." Buti dala ko yung cellphone ko pero ang problema walang signal bwisit. Kung minamalas ka nga naman.

"Oh god...TULONG, MAY TAO PA RITO PAKIBUKSAN NAMAN OH, TULONG, TULUNGAN NYO KO PLEASE MAY TAO BA DYAN" Ayoko sa ganitong klase ng lugar, yung nakakulong. Ewan ko pero natataranta talaga ako kapag mag-isa ako sa isang kwarto na madilim at masikip. Patuloy lang ako sa paghingi ng tulong dahil baka may maglibot na guard sa paligid at marinig ako.

Hindi ko na napigilan yung luha ko then umupo ako sa may gilid dahil namatay yung ilaw, mukhang wala ng tao dahil oras na ng uwian. Sumiksik pa ako sa gilid habang nagsilbi kong ilaw yung cellphone ko na hanggang ngayon walang signal.

Iyak lang yung nagawa ko dahil natatakot talaga ako. May mga imahe kasing paulit ulit na lumalabas sa isip ko, hindi ko makita yung mukha nung lalaki pero ayoko nang ngiti nya sa mukha, parang mamamatay tao, ano bang nangyayari sakin? Mama, Papa. Xander please tulungan nyo ko, ayoko rito.
"Mama, papa tulong, tulungan nyo ko"
"Xander" Tulong...

❤❤❤

EDITED

VOTE/COMMENT/SHARE

  

HIS POSSESSION (BL) Where stories live. Discover now