CHAPTER 12

1.9K 87 0
                                    

CLAUDE ALEXANDER LUX

Sa bahay ko pinadiretso ang sasakyan kay Kai, tatawagin ko nalang ang family doctor namin.

Sa room ko sya dinala at dahan dahang inihiga sa kama ko saka ko hinarap yung mga kaibigan ko na nakatingin lang sa akin.

"Mamaya na tayo mag usap, mag pahinga na muna kayo" cold na pagkakasabi ko sa kanila.

Nag sitango lang sila saka lumabas ng kwarto ko kaya napabuntong hininga ako para pakalmahin ng tuluyan ang sarili ko.

Pinalitan ko nalang yung uniform ni Leigh dahil natuyuan na ito ng pawis, uniform lang naman tsaka yung pants nya ang hinubad ko at iniwan kong suot nya yung boxer nya at wala akong balak na gawan sya ng masama ngayong may pinag dadaanan ang baby Leigh  ko. Lininisan ko ang katawan nya ng basang towel saka pinasuot ng T-shirt ko saka ko sya kinumutan dahil malamig yung katawan nya, tinawagan ko na rin ang family doctor namin.

Habang wala pa doktor ay tinabihan ko na lang muna sa paghiga si Baby Leigh saka ko pinalapit yung katawan nya sa katawan ko para maramdaman nya yung init na nilalabas ng katawan ko.

Hinaplos ko ang mukha nito, namamagang mata, namumulang mukha at nanginginig ang katawan nya.

Hindi nagtagal ay dumating na rin yung Doktor kaya tumayo na ako saka ito pinagbuksan ng pinto.

"Good Evening, Young Master Claude." napatango nalang ako sa kanya.

"How is he? Malala ba ang lagay nya?" tanong ko sa kanya matapos nyang ma check ang katawan ni Leigh.

"Pagod lang yung katawan nya, he also has a fever. Pero sigurado akong matatrauma sya sa nangyari sa kanya kaya mas magandang jan ka lang sa tabi nya. Oo nga pala, alam ba ito ng mga magulang mo. Natawagan nyo na po ba ang mga magulang ng batang ito, Young Master Claude?" iling lamang ang naisagot ko sa kanya.

"Hindi pa at wala akong balak na sabihin to sa mga magulang nya, don't worry doc. ako na pong bahala kay Leigh ko, Salamat."

"Kung ganon aalis na ako at babalik na lang bukas para ma check ulit sya."

Pagkasabi ni Doc. Warren ay binigyan nya ako ng gamot na pwedeng ipainom kay Leigh pag nagising sya saka ito lumabas dahil malalim na masyado ang gabi.

Bumalik ako ng higa sa tabi ng baby ko saka ulit ito yinakap. Ang daming tumatakbo sa isip ko, tulad ng kung sino ang may pakana nito?, kung bakit ganon na lang ang takot ni Leigh kanina sa nangyari sa kanya?, kung anong pwedeng parusa ang pwede kong ibigay sa kung sino man ang nag lock ng cr ng boys? Kung anong idadahilan ko kay dad sa pag iwan ko sa mga pinipirmahan ko sa office nya kanina?

Hindi muna ako natulog hanggang sa naging payapa na ang pagtulog ni Leigh at wala na rin yung panginginig nya habang nakayakap sa akin pero linalagnat parin sya kaya ang ginawa ko ay ako na mismo ang nag painom sa kanya ng gamot gamit ang bibig ko, ako yung dumurog nung tableta sa bibig ko saka uminom ng tubig saka ko linapat yung bibig ko sa kanya at pinilit na maipasok yung gamot sa bibig nya at malunok nya yun lahat, tulog naman sya e kaya okay lang Yan. Napangiti na lang ako dahil mas isiniksik nya yung maliit nyang katawan sa katawan ko matapos kong maipa inom sa kanya yung gamot kaya halos maputol na yung pagpipigil ko, buti inaantok na rin ako at inaalala ko ang kalagayan nya kaya nakokontrol ko pa ang sarili ko.

And with that thoughts in my mind, I fell asleep.

===

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, nang maalala ko ang nangyari kagabi ay bigla na lang akong napatingin sa katabi ko at don ko nakita ang isang anghel na mahimbing na natutulog. I smirked.

Pinagmasdan ko sya ng ilang minuto. He's so pale and ang perfect ng mukha nya, wala syang muta o tuyong laway sa bibig, ang gulo rin ng buhok nya, namumula ang pisngi at labi nya.

Hindi ko namalayang nailapit ko ang mukha ko sa mukha nya kaya hindi na ako nakatiis at ninakawan sya ng halik sa labi. Morning kiss ng hindi nya namamalayan hahaha.

Dahan dahan akong bumangon para pumunta sa banyo ng hindi sya nagigising.

Kasalukuyan akong nasa banyo ng makarinig ako ng sigaw sa labas kaya dali dali akong lumabas at buti tapos na akong mag sipilyo at dun ko nakita si Leigh na nakaupo na at nakatakip yung mga kamay sa magkabilang tenga nya habang sumisigaw ng tulong.

Dali dali akong lumapit para yakapin sya pero pagkakita nya sa akin ay bigla syang pumunta sa dulong bahagi ng kama na parang linalayuan ako.

"Wag kang lalapit please!" yan yung sinasabi nya habang nakayuko.

"Don't worry hon, it's me Xander, I won't hurt you hon please, calm down okay"

"No please jan ka lang, Wag mo kong sasaktan" umiiyak na sya kaya lumapit na talaga ako ng tuluyan saka ko pinaharap sakin yung mukha nya para makita nya ako, napapitlag pa sya dahil sa ginawa ko.

"Hon it's me, look at me first"

Nang buksan nya yung mga mata nya tumitig muna sya sa akin at parang ina alam kung sino ako, mas lalo syang umiyak nang makilala nya ako.

"Xander" Pinunasan ko yung mga luha nya sa pingi at saka hinalikan sa noo at yinakap ng mahigpit at natuwa ako ng gumanti sya ng yakap na parang ligtas sya sa yakap ko...

Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon nang ako na ang unang kumalas sa yakap dahil may mga dapat pa akong gawin ngayong araw.

Tiningnan ko sya sa mata at ganon din sya kaya nagsalita na ako at baka kung ano pang magawa ko sa kanya.

"Anong nararamdaman mo, may masakit ba sa katawan mo, okay ka na ba? " sunod sunod kong tanong sa kaniya

"My head hurts Xan" reklamo nya sa akin kaya hinalikan ko yung ulo nya

"Don't worry dahil parating na yung Doktor, magpahinga ka lang dito sa kwarto ko ngayong araw."

Napatingin naman sya sa akin saka ilinibot yung paningin mya sa buong kwarto.

"Bat ako nandito e kaharap lang naman nito ang kwarto ko?"

"Bakit? Ayaw mo ba dito? tsaka hon wala naman akong balak na masama sayo kung iyan ang ikinababahala mo."

"Hindi naman sa ganon pero, ang awkward kasi para sa akin"

I know. Masyado pa talagang bata at inosente ang baby ko.

Ngumiti lang ako sa kanya saka ako tumayo para maghanda sa pagpasok sa Academy at masimulan na ang pag iimbestiga sa kung sino mang tarantado ang nag lock sa cr ng boys sa senior high building habang nasa loob pa ang baby Leigh ko.

Pag katapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa banyo at inaya si Leigh na maghilamos na rin saka inaya ng almusal sa ibaba. For sure wala pa si papa at mama, si ate Cloe naman baka nandon sa bahay nya, yung sarili nyang bahay na sya mismo ang nag pagawa para sa sarili nya at si ate Risse naman nandon sa Condo nya at minsan na lang yon kung umuwi dito sa mansion.

"Let's go Hon."

He hmm-ed in response, Inalalayan ko pa sya sa pag baba dahil nang hihina parin sya at ayaw na man nyang magpabuhat.

"Coffee or juice?" tanong ko sa kanya pagkarating namin sa dining room.

"Milk" simpleng sagot nya sa akin.

"Okay, jan ka lang muna ititimpla kita ng gatas" Napangiti naman ako don, baby pa talaga ang baby ko, imbis na kape mas gusto ang gatas e.

Pagkatimpla ko ay inilagay ko na ito sa harap nya at nagsimula na syang mag lagay ng pancakes sa pinggan nya...pinapanood ko lang sya sa bawat galaw nya at hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang cute nyang tingnan sa ayos nya na ngayon ko lang napag tuunan ng pansin. Anglaki ng damit nya, at magulo parin yung buhok nya.

"Why are you smiling Xan?" tanong nya sa akin ng mapansin na hindi pa ako nagsisimulang kumain at nakangiti lang na nakatingin sa kanya.

"Hehe wala naman hon, sorry" hindi nya na ako pinansin dahil kumakain na sya. I'd Love to have breakfast like this every morning. I really Love this guy infront of me.

❤❤❤

VOTE/COMMENT/SHARE

HIS POSSESSION (BL) Where stories live. Discover now