CHAPTER 11

1.9K 90 12
                                    

CLAUDE ALEXANDER LUX

Andito ako sa ngayon kompanya ni dad para tumulong sa problema nila dito. I know how to manage a company since I have a one. I'm also the only one he can count on doing company works in our family so he don't have other options other than me.

Gusto kong matapos to agad dahil miss ko na ang baby Leigh ko kaya naisipan kong tawagan ito dahil tapos na ang class hours ngayon at baka naka uwi na ito.

Ilang oras na akong kakatawag pero out of coverage area parin ito kaya kinabahan na ako. Alam kong importante ang cellphone nito sa kanya kaya lagi nya itong dala kung saan man sya.

So I tried to call Blake instead to ask a favor. I need him to take a look at Leigh at home.

Ilang ring lang ang inabot ng may sumagot na rito.

Fastforward

Pinaharurot ko yung sasakyan ko papuntang academy at wala akong pake kung iniwan ko yung trabaho ko sa office ni dad dahil mas importante si Leigh. My baby.

Pagkarating ko sa field hinanap ko agad sila Blake pero nadatnan ko lang si Blake at Kit.

"Bro--" hindi na nya natapos yung sasabihin nya because i punch him hard on his face dahil sa gigil ko. Tangina.

"Fuck you Blake pag may nangyaring masama kay Leigh kalimutan nyo nang minsan nyo kong naging kaibigan tangina" Sigaw ko sa kanila habang hawak ko yung kwelyo ni Blake at hindi naman makalapit si kit para tumulong dahil wala na man syang magagawa. I didn't mean to say that but I have no one else to blame right now.

"Nauna na sila Zach sa lugar kung saan si Leigh, Claude." saad ni Kit kaya binitawan ko na si Blake at sinabing ituro sakin ang daan.

Gusto kong pumatay. Malaman ko lang talaga kung sino ang may pakana nito lintik lang ang walang ganti sa kanya. Magbabayad sya.

Pagkarating sa lugar kung nasaan si Leigh ay agad kong hinila si Kai saka ko sinipa yung pinto.

Oh God.

"Hon" Dali dali akong lumapit sa isang bulto ng tao na naka upo sa kabilang banda ng CR habang yakap ng isang kamay nito yung mga binti nya at yung isang kamay ay nakatakip sa tenga nito habang mahinang iyak ang maririnig sa loob at luhang alam kong kanina pa naglalandas sa pisngi nya. Nakapikit sya ng mariin at namamaga na rin yung mata nya at kita ko yun dahil pinabuksan ko yung ilaw dito sa loob.

Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin at patahanin ito sa pag iyak habang sinasabi na okay na ang lahat, na ligtas na sya. Hindi ko man alam kung bakit sya umaakto ng ganito na parang takot na takot pero aalamin ko nalang yon pag may oras ako.

Dobleng sakit yung naramdan ko nang bigla nyang banggitin yun pangalan ko at yakapin ako ng mahigpit. Tsk, this was all my fault. Napakagago ko naman kasi. Sisiguraduhin ko talagang magbabayad ang kung sino mang may pakana nito.

"Xander, tulong" Ang huling sambit nya saka sya nawalan nang malay sa bisig ko kaya binuhat ko na lang sya matapos kong maipasoot rito yung blazer na soot ko kanina. Nilalamig sya kaya nataranta ako at hindi alam ang gagawin.

"Bilisan na natin. Kai ihanda mo yung sasakyan bilis. " Saka ako lumabas habang yakap ng mahigpit si Leigh

Paglabas namin ng building ay nasa harap namin ang ilang studyante na may mga dalang flashlight. Sino naman tong mga to? lahat sila nakatingin sa bitbit ko. Pero may isang lalaki ang lumapit sa akin habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"How is he?" saad nito

"Who are you to ask? bastard?"
kilala ko sa mukha lahat ng malapit kay Leigh kaya hindi nya ako maloloko.

"Young Master, gabi na po masyado tsaka pagod na po kami kaya baka pwede pong umalis na tayo rito" sabi nung maliit na lalaki dun sa matangkad na kumausap sakin.

"Okay, let's go tapos na ang activity natin dito para for P.E natin" sabi naman nung matangkad na leader ata dun sa mga kasama nya. Anong klaseng P.E ba yan at gabi na man masyado.

"By the way, mag usap tayo bukas Mr. Lux, Goodbye." huling narinig ko sa kanya bago ako sumakay ng sasakyan at pinaharurot na ito ni kai at nakasunod naman sa likod yung iba.

===

SOMEONE'S POV

"I wonder kung ano nang nangyari sa baklang yon sa loob ng CR nang nag iisa. " sabi ko sa kaibigan ko, andito kami sa isang bar at nag papakalasing.

"Bes baga mahuli tayo, kilala mo na man siguro kung sino ang makakaharap natin sa oras na mahuli nya tayo Diba? " Ang hina talaga ng loob nito minsan.

"Wala namang witness bes dahil walang tao sa paligid nung time na'yon" pag mamake sure ko dahil alam kong malinis yung kilos namin ni besty dahil hindi naman kami basta mga babae lang ehh. We are a member of an organization na sikat sa underground, at ang organisasyon na yon ay ang Mikazuki, isang sikat na pamilya ng mga Yakuza sa japan at andito sa pilipinas ang isa sa tunay na miyembro nito. Si Kairo Mikazuki Tanaka. Hindi ko pa man sya nakikita ng personal alam kong gwapo ito, magaling makipaglaban at humawak ng baril at ibang sandata na pangkitil ng buhay.

Hindi pa naman kami pormal na miyembro ay sumasama na kami sa pag eensayo nila. Maraming mga miyembro na galing mismo sa japan ang nandito sa pilipinas, at ang sabi isang napaka importante raw ang misyon nila dito dahil yung Master mismo ang nag utos non, pero hindi naman nila samin sinasabi yung mission nila dahil secret raw sabi nung kanang kamay ni Young Master Kairo na katulad ng amo nya ay hindi ko pa rin nakikita yung mukha nya.

Napama misteryoso kasi nilang lahat.

Hmm. As far as I know. Ang Mikazuki ay ipinundar ng isang hapon hanggang sa lumaki ito ng lumaki at kilalanin ito sa buong Japan, nakapag asawa raw ito ng isang Filipina at nag kaanak ng tatlong lalaki at dalawang babae, ang alam ko ang namumuno ngayon ay ang bunsong anak na lalaki tapos yung panganay at pangalawang anak ay umalis ng Japan ng hindi sila ang mapiling mamuno ng Mikazuki, tapos yung dalawang babae naman ay nanatili na kasapi ng organisasyon dahil hindi nararapat na mamuno at gampanan ng isang babae ang isang napakalaking obligasyon ng pagiging isang boss o master ng isang organisasyon katulad ng yakuza.

❤❤❤

Vote/Comment/Share

HIS POSSESSION (BL) Where stories live. Discover now