Chapter 3

138 5 0
                                    

"Birthday na birthday mo nakabusangot ka na naman" sabi ni kuya Vince nang makapasok ako sa locker room ng cafe na 'to.

"Di ka pa ba na sanay?" Sabi naman ni ate Airah. Nakikinig lang ako sa kanila habang nilalagay ang gamit sa locker.

"Ano na naman 'yang sugat mo sa labi? Nakipag bugbugan ka na naman?" Sabi ni kuya Clark.

Tinignan ko sya nang nakakatamad.

Lumapit naman agad si ate Airah.

"Tsk. Tsk. Tsk. Sino na naman bang grupo ang ginambala mo?"

"Sila ang nanggambala sa akin."

Dati kasi hilig ko ang makipagbugbugan sa mga grupo grupo ng kabataan na kagaya ko. Wala lang trip ko lang.

Para ko na silang mga kapatid dito. Mga kuya at ate ko na sila sa tagal kong nagtatrabaho. Kung wala naman akong pasok sa school dito ako nag papalipas ng oras dahil ayokong makulong sa bahay. Ang laki nga ng bahay namin wala namang laman. Sinasama ko din si Max dito pag wala syang pasok.

"Ba't kasi nag tatrabaho ka pa dito samantalang ang yaman nyo naman na. Tignan mo nga wala pang isang taon yung phone mo may bago ka na naman. Iphone 11 pa yan." Sabi ate Arah.

"Oo nga naman. Nakakapag aral ka pa si isa sa mga mahal na senior high school dito sa bayan natin." Sabi naman ni Kuya Clark.

"Gusto nyo na ata akong paalisin eh." Sabi ko sa kanila pag labas namin sa locker room.

"Si Vince gusto nya." Sabi ni Kuya Clark.

Matamlay ko lang silang tinignan.

"Kung 'di ako mag papart time job, wala akong gagawin sa bahay kung walang pasok. Malaki ang bahay namin pero parang wala namang laman." Sabi ko

"Oo na sige na, hindi na nga"

"Oh may tao na, Trix ikaw na muna."

Pumunta ako sa counter para kunin ang order ng customer.

"Hello, what's your or-"

"1 large caramel machiato. And paki bilisan kasi kanina pa ako dito at wala man lang nagaasikaso sa akin dito."

Pogi mo sana kuya kaso, suplado ka. Wait. Kelan pa ako natutong tumingin ng pogi? Wait? Kaschoolmate ko sya.

"Here, sir. 85 pes-"

"Here."

The hell? Bibili ba talaga dapat 'to o mag papabarya lang.

"Sir, may barya po ba kayo? "

"Sa 1000 pesos wala kayong barya?" Inirapan ko sya.

"Bakit po ba 'di na lang kayo mag pabarya. Bumili pa kayo. K akasimula pa lang ng shift ko kaya bago 'tong kaha kaya wala pang laman." Di ko mapigilang pagtaray sa lalaking 'to.

"Ganyan ba kayo sa customer nyo? 'Di nyo man lang nirerespeto."

"Fyi, sir. Kung hindi naman po kasi karesperespeto ang customer 'di naman po talaga dapat irespeto."

"Anong problema dito?" Biglang dumating si kuya Vince.

"Pano kasi. Bumili ng isang worth 85 pesos na drink tapos ang pera 1k"

"Talagang nagsumbong pa." Sabi nya bigla. Yung paraan nang pananalita nya ang nakakainis. Yung tipong kalmado lang sya pero maiinis ka na.

"Sandali nga at nang makatikim 'to" akmang susugurin ko na nang awatin ako ni kuya Vince.

"Wag na Trix. Sir, you can go. Please. And 'wag mo nang bayaran." Sabi ni Kuya Vince.

Padabog nyang kinuha ang 1k na nakalapag sa counter at saka umalis.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now