Chapter 9

105 5 0
                                    

Lorenzo Dominique Choi's Pov

Nandito na lahat ng lalaki sa condo ko.

Bumili lang ng mga pagkain sila Joaqin at Kent.

Nanonood ako ngayon ng TV at naglalaro naman sa phone si Troy.

Tumabi si Danice sa akin na parang may gustong itanong.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na nagaalangan itong magsalita.

"Ano yon?" Sabay tingin ko sa kanya.

"A..ano kasi wala pa ba si Trix? Kinakabahan na ko eh. Ako lang babae dito." Nakangusong sabi nito.

"Dadating yon maya-maya. Wag kang mag-alala wala kaming gagawin sa'yo dito" natatawang sabi ko. Kung tutuusin parang nakababatang kapatid ang tingin ko kay Danice.

"Ano...uhm.."

"Ano ba yung itatanong mo? Alam kong 'di yan ang tanong mo" sabi ko sa kanya.

Excited na lumapit ito sa akin.

"Ano ba talagang meron kay Joaqin?" Sabik na tanong nito sa akin.

"Anong anong meron?"

"Kasi lagi syang tahimik. Tapos lagi lang tong nakikinig sa usapan natin. Ni hindi sya nakikitawa sa atin. Tapos ngingiti lang to instead na magsalita. Like....ang mysterious ng dating nya" nakangiti at excited na sabi nito sa akin.

"Malay ko ba dyan pag kami-kami lang naman nagsasalita naman yan. Pag nandyan lang kayong dalawa ni Trix tahimik yan" sabi ko sa kanya.

"Hmmm." Sabi niya sabay harap sa tv.

"That's why I like him eh" sabi niya na ikinagulat ko.

"What?!" Sabi naman nito ng makitang nakatingin ako sa kaniya.

Akala ko naman magkakagusto na sya kay Kent dahil sa mga banat nito. Iba din 'tong babaeng 'to.

Maya-maya dumating na yung dalawang lalaki.

May dala silang mga chips at iilang beer.

"Hoy ano yan?" Sabi ko sa kanila.

"Konti lng yan. Tig iisang bote lang tayo dyan. 'Di namn yan nakakalasing eh." Sabi ni Kent.

*toktok*

Binuksan ko na ang pinto, alam kong si Trix na 'yon.

"Hay salamat dumating den!" Sabi ni Troy.

Naka-oversized shirt sya at short.

Sa laki ng tshirt nya ay halos 'di mo na makita ang short.

Pero nakatucked-in yung gilid ng short kaya kita na may short sya.

Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to, oo.

Naupo sya sa sofa at kumain.

"Sissy" sabi ni Danice kay Trix habang inaabot ang isang bote ng beer.

Inabot naman ni Trix iyon at saka ininom agad.

"Musta naman yung suga-" tanong ko.

"Ayos naman na" sabi nya sabay inom ng beer.

"Kailangan nang gamutin yan sissy dahil baka magpeklat iyan. "

Kumuha naman ako pangpahid at bulak. Tumabi ako sa kanya at parang tense ang lahat sa panonood ng paggamot ko.

"Aray ko naman! Masakit ah!" Sabi niya nang idampi ko ang bulak.

"Pusa ba yung nang-away sa'yo?" Natatawang sabi ni Kent.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now