Chapter 24

119 6 1
                                    

"C-cancer?" Nauutal kong sabi.

"Kelan pa? Anong cancer? Ba't 'di mo sinabi?" Sunod-sunod na tanong ko.

Sht. Naluluha ako pero pinipigilan ko.

"Nakakainis ka!" Tuluyan na akong naiyak nang niyakap niya ko.

"I'm sorry, I'm sorry" sabi niya habang nakayakap sa akin.

~♡~

"Huy! Sissy. Kanina ka pa tulala. Ano meron?"

Nandito kami sa milkteahan ngayon at naka tambay. Kasama ang kambal at ang mga lalaki. Pero wala si Enzo.

"Kung may problema ka nandito lang kaming handang makinig." Sabi ni Troy. At nakatingin silang lahat sa akin.

Nginitian ko sila. I'm so lucky I have this kind of friends.

"Thank you, pero ok lang talaga ako."

Tinitigan lang nila ako na tila hindi sila naniniwala. Ilang segundo pero 'di pa rin nawawala ang titig nila at hinihintay nila akong mag salita.

"Damn!" Mura ko at isinubsob sa lamesa ang mukha at 'di na napigilang umiyak.

"Uy! Sht! Sht! Sht!" Natatarantang sabi ni nila.

~♡~

Lorenzo Dominique Choi's Pov

"I'm here for the result, doc." Sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri.

'Di ako mapakali.

Nakatitig lang si doc sa papel at bumuntong ng hininga.

"Dra. Ramos?" Tawag ko.

Bumuntong hininga ulit si doc bago nag salita.

"The result of your biopsy showed that it was highly malignant. The MRI also showed that the metastases of the tumor to other areas of your bone." Sabi ni Doc.

"What do you by that doc?" Tanong ko.

"You are diagnosed with osteosarcoma. It is a type of cancer that produces immature bone. It is the most common type of cancer that arises in bones, and it is usually found at the end of long bones, often around the knee." Pag linaw niya.

Parang nanlumo ako sa narinig ko. Huminga ako ng malalim.

"Thank you po Dra. Ramos." Sabi ki at lumabas na ng hospital.

I knew it. Alam ko nang cancer sa buto 'tong sakit ko. Dapat una pa lang alam ko na.

How do I know? My mother died because of this cancer that I have right now, and I'm afraid to die.

~♡~

"Pre!" Pag lingon ko may sumuntok agad sa mukha ko.

"The fck?!" Inis na sabi ko.

Kahit mukhang galit sila ay tinulungan nila akong makatayo at umupo sila sa bench.

"Tngna pre!" Sabi ni Kent.

Nilingon ko sila. They probably knew about my cancer.

"Dahil sa'yo iyak ng iyak si Trix, bro!" Nakapameywang na sabi ni Troy.

Agad akong napalingon sa kaniya. Hayyst pinaiyak ko na naman siya. Napahilamos ako sa mukha ko.

"Kamusta siya?" Nag aalalang tanong ko at tumayo.

"Anong kamusta? Tangna, bro 'di ka na naawa kay Trixee!" Sabi naman ni Kent.

"Ayon, namamaga ang mata kakaiyak!" Sabi naman ni Joaqin.

"Bro, ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganon si Trix. Kasi ang alam ko tigasin ang babaeng yon eh! Pero ano na?! Pinaiyak mo dahil sa pagtago mo." Sabi naman bi Troy

Bigla naman akong niyakap ni Kent.

"Ogag ka talaga bro! Ba't naman kasi 'di mo sinabi?"

"Teka umiiyak ka ba?" Natatawang sabi ko kay Kent.

"Baliw hindi! Nag papawis kasi yung mata ko!" Kumalas naman siya sa pag kakayakap sa akin.

"Parang tanga kasi. Tinago-tago mo pa!" Sabi ni Joaqin.

Si Troy naman biglang umiyak at niyakap ako.

Natawa ako. Napaka isip bata niyo talaga.

"Pre wag mo kaming iiwan ah?" Sabi niya.

Binatukan ko bigla.

"Tanga! Wala lang 'to. Cancer lang 'to nandiyan naman kayo!" Naka ngiti kong sabi.

Nagtawanan naman kami at maya-maya nawala ang ngiti nila.

"Sht bro! Bahala ka na mag handle diyan ah?" Sabi bigla Kent at tumakbo sa likod ko kasama yung dalawa.

"Sabi ko pigilan niyong pumunta dito yan eh!" Dinig kong sabi ni Kent.

"Eh wala eh! Ang lakas kaya ni Trix" dinig ko namang sabi ni Maicy.

Pag harap ko biglang may sumalubong na kamao sa mukha ko. Sht! For tge second time, really?! Snana wala nang susunod.

"What the fck?!" Sabi ko at humarap sa sumuntok sa akin.

'Ooooooohh' dinig kong sabi nila.

"Mumurahin mo pa talaga ako?! Eh kung sa kabila pa para pantay!" 

Nawala ang inis ko at napaliyan ng takot nang makitang si Trix ang sumuntok sa akin.

"J..joke lang" sabay tawa ko pero nakabusangot pa rin ang mukha niya.

Lagot.

"Akala ko kasi kung sino sumuntok sa akin eh. Akala ko lalaki. Sht, Trix! Solid yung sapak mo pramis" pabiro kong sabi.

Lumapit naman na sila Troy.

"Mas malakas pa ba sa suntok ko?" Natatawang sabi naman ni Kent.

Agad akong tumango.

"Solid bro!" Sabi ko at humawak sa labi ko.

"Solid nga pre! Dumugo nga labi mo oh!" Sabi ni Troy.

"Tinignan ko si Trix at naka simangot pa rin pero kita kong maluluha na siya.

Tinakpan niya ang mukha niya at narinig ko siyang suminghap.

Sht umiiyak nga.

"Lagot ka bro!"

"Huy maawa ka kay Trix kanina pa naiyak yan."

Natawa ako at niyakap siya.

"Joke lang eh!" Natatawang sabi ko habang nakayakap siya.

Bigla niya naman akong tinulak kaya nakalas kami sa pag kakayakap.

Nagulat ako ng abutin niya ang tenga ko at hinila pababa para maabot niya. Matangkad kasi ako.

Bumulong siya.

"Pasalamat ka talaga mahal kita" bulong niya.

Sabay bitaw at umalis doon.

Shet kinilig ako. Napakagat labi ako habang tinitignan siya paalis.

"Anong sabi bro?" Nagtatakang tanong ni Kent.

"Huyy! Namumula siya! Ano kayang sinabi?" Tili ni Danice.

"Namumula daw." Inirapan ko sila na mga nakangiti sa akin.

For the second time din, sinabi niya ang nararamdaman niya para sa akin.

Sarap pala makarinig ng ganoon. Lalo na pag galing sa taong mahal mo din.

Napa iling na lang ako at natawa sa inisip.





My Sun And His Moon (Clique Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon