Chapter 14

125 7 0
                                    

"Oppaaaaaaa!"

"Tigilan mo na ko!"

Nakita ko si Danice na hinahabol si Joaqin sa may parking ng school.

Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa.

Pumunta ako sa pinagtatambayan namin sa umaga at doon ko nakita silang lahat.

"Saranghae Oppa!" Napatingin ako kay Danice na ngayon ay nakayakap sa braso ni Joaqin.

"Ano ba 'tong kaibigan mo?!" Sabi ni Joaqin sa akin pagdating ko.

Tinignan ko si Danice. Ano bang pumasok sa utak nitong babaeng 'to at nag sasalita ng korean. Mukha tuloy siyang koreana talaga sa ayos niya.

Natawa naman kami sa kanilang dalawa.

"Ano meron?" Bulong ko kay Troy.

"Di ko rin alam pagdating nila dito nagtatakbuhan silang dalawa." Bulong niya pabalik.

Hay. Napaka open niya talaga sa taong gusto niya. Di siya natatakot kung anong kalalabasan nang pagamin niya.

"Anong nangyari sa pisnge mo?" Tanong ni Kent.

Tinakpan ko na lang ito bigla nang tumingin sila Enzo.

"A...ah. wala 'to! Nasundot lang ni Max!" Pagdedeny ko.

~♡~

Na sa classroom kami ngayon at itong si Danice nakadikit kay Joaqin.

Tss. Natawa na lang ako sa naiisip.

Pano kaya kung ganyan ako kay Enzo? Aikkkk! Kadiri ampotchii! Biruin mo yun? Ako gaganyan kay Enzo. Ewwz.

Lunch na at iniwan ako ng dalawa. Dahil tumakbo pababa si Joaqin dahil hinahabol siya ni Danice.

"Utang na loob! Tigilan mo na ko!" Sigaw ni Joaqin pababa.

Nag-cr muna ako bago bumaba. Tinignan ko ang sarili sa salamin.

Tinali ko ng mataas ang kalahati ng buhok ko. Bali half ponytail sya pero mataas yon.

Pababa na ako ng makita ko si Enzo sa gilid ng locker. Napangiti ako at pupuntahan ko na sana siya pero napansin kong may kausap. Lumapit pa ako ng konti.

Danice?

Ba't mag kasama sila? Mukhang masaya silang nag-uusap. Maya-maya ay umalis na si Enzo. Pero bago siya umalis hinawakan niya muna ang ulo ni Danice at ginulo yon na parang aso.

Pag-alis ni Enzo saka ako lumapit kay Danice.

"Sino yung kausap mo kanina?" Kunyari 'di ko alam.

"Ah. Si Enzo."

"Bakit?"

"Tinanong ko kasi kung ano pang paboritong pagkain ni Joaqin bukod sa donut" nakangiting sabi nito habang pababa kami.

"Ahh. Kala ko kung ano" mahinang sabi ko sa huli.

"Huh?"

"Ah wala!"

"Suuuus! Nagseslos ka noh?!"

Kinunutan ko siya ng noo.

"Selos ka diyan!"

"Talaga naman! Don't worry, sa'yo na yan si Enzo. Basta sa akin si Joaqin oppaaaa!" Sabi nito.

"Ako nagseselos? Why would I? Di naman kami." Sabi ko sa sarili ko.

"Pag may kasama 'yang iba kahit 'di kayo, if you like him, mag seselos at mag seselos ka!" Pangangaral nito sa akin.

Pano niya narinig? Eh binulong ko na nga sa sarili ko yun?

"See, you like him"

"Sa tingin mo?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya ng todo na parang sigurado nga siya.

"Halata ba?" Tanong ko.

Huminto siya at tingnan ako.

"Sa cold mong yan, hindi naman halata sissy na gusto mo si Enzo" sabi niya.

"Uy nandito pala sila!" Napalingon kami sa nagsalita. At andoon silang tatlo.

"Oppa!" Sigaw ni Danice sabay takbo kay Joaqin.

"Parang seryoso pinaguusapan nyo ah?" Sabi ni Kent.

"A..ahh.. 'di naman masyado. He..he" kinakabahan na sabi ko.

Narinig kaya nila? Tsk! Ang ingay kasi ng bunganga ni Danice eh.

Tinignan ko ng masama si Danice na nakasabit na naman sa braso ni Joaqin.

Nag peace sign naman ito bigla. Inirapan ko na lang sila at bumalik sa room. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain, bwiset!

"San ka pupunta? Kakain pa tayo!" Dinig kong sabi ni Troy. Tinaas ko ang kamay ko at sumenyas na kayo na
lang.

"Halika ka na Oppa!" Dinig kong sabi ni Danice.

~♡~

Nandito ako sa library dahil tahimik. Nag headset na lang ako at nag patugtog na lang.

Tumungo na lang ako sa lamesa at baka sakaling makatulog pa ako.

Naramdaman kong may umupo sa tapat ko. Kumatok ito sa lamesa.

Dahan-dahan kong itinaas ang ulo. At halos mapalundag ako sa gulat.

"Enzo! A..anong ginagawa mo dito?" Gulantang ko. Tinanggal ko ang headset ko.

Tumawa naman ito at sumandal saka nag cross-arm.

"Bakit? Ikaw lang ba pwedwng pumunta dito?"

"Hindi. 'Di ba kasama mo sila Danice?"

"Wala na rin akong ganang kumain eh."

"Di ko kasi makakasama sa pagkain yung gusto ko makita" dagdag niya pa.

"H..hah?! S..sino?" Takang tanong ko.

"Si Joaqin. Bumalik na kasi siya. Nainis ata kay Danice"

"Ahhh." Kala ko ako. Joke ulit.

"Kala mo ikaw, noh!"

"Tsk! Asa!" Sabi ko at saka tumungo ulit sa lamesa.

"Eh ba't nandito ka?" Sabi ko habang nakatungo kaya baka 'di niya naintindihan yon.

"Ano?" Sabi na.

"Sabi ko-"

Napahinto ako nang pagbangon ko ang lapit ng mukha ko sa mukha niya.

"Ano ba?" Sabi ko sbaay tulak ng mukha nita palayo.

"Aray ha!...... ano ulit?"

"Sabi ko ba't nandito ka"

"I have a favor to ask you"

Tinaasan ko siya ng kilay. Favor? Isang Enzo nanghihingi ng favor.

"Ano ba yon?" Sabi ko.


"I want you to date me."




My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now