Chapter 6

125 5 0
                                    

Trixee Magaliano's Pov

Kinakapa ko na ang susi ng motor ko.

Bigla na namang sumulpot kung saan yung apat na kumag kanina.

"Ano na namang kailangan nyo?" Matamlay kong sabi.

Naalala kong di ko pa pala nahahanap ang panyo ni mommy.

"Wait" sabi ng na sa gitna yung "boss" daw nila.

"I'm Lorenzo. " pakilala nito.

"The heck I care?" Sabi ko.

"Di mo talaga ako kilala?"

"Paulit ulit? 'Di nga 'di ba?" Sabay irap kong sabi.

Natawa naman sya bigla.

"Di ka pa rin nagbabago mataray ka pa rin." Sabi nya.

"Excuse me lang ah? Di talaga kita kilala. Pilit kong tinatandaan kung sino ka o kayo? Wala talaga sorry." Sabi ko sabay suot ng helmet ko at sumakay sa motor saka pinaharurot ang motor ko.

Nakarating na ako sa trabaho ko.

"Oh? Ok ka na ba? Dapat 'di ka na muna pumasok" nagaalalang sabi ni ate Airah.

"Ok na ko. Nakapagpahinga naman na ako." Nakangiti kong sabi habang kinukuha sa locker ang uniform.

Pagtapos namin magbihis ay pumunta na ako sa counter.

"Hello, what's your order-" nandito na naman sya.

"1 large caramel machiato." Ngayon ay nakangiti na itong umoorder sa akin.

"Baka isang libo na naman ang pera mo."

Napanguso sya at saka itinaas sa ere ang buong isang daan.

Napairap maman ako at inasikaso ang order nya.

Pagbigay ko non ay sinuklian ko sya.

"Trix, wala pa namang mga customer, mag punas ka muna ng mga lamesa." Napatango naman ako sa sinabi ni kuya Vince.

Nagpupunas na ako ng mga lamesa ng makita ko na naman ang lalaking sabi ng sabi na di ko na ba daw sya kilala.

Ano bang kailangan mo??

Bumalik ako at tinulungan na sila sa counter.

Oras na ng pagsara ng cafe kaya naman nag ayos-ayos na kami at nag sarado na.

Paglabas ko ay nagpaalam na kami na uuwi na.

"Nandito ka na naman?" Sabi ko doon sa lalaki.

"I'm waiting for you."

"Taray girl ah? May tagasundo?" Sabi ni ate Airah.

"Tsk! Sige na uwi na kayo!" Naiirita kong sabi. Nagtawanan naman silang umalis.

"Kung sasabihin mo na naman na kung 'di na kita kilala. Pwes, 'di kita kilala. Inuunahan na kita. Umuwi ka na. Wala kang mapapala sa akin." Sabi ko pupunta na sana sa motor ko nang hilain nya ako.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang tinutulak sya.

Dahil niyakap nya ako.

"Trix. Ang sakit isipin na hindi mo na ako kilala." Sabi nya habang nakayakap sa akin.

Humawak naman ito sa ulo ko.

Kumalas sya sa pagkakayakap.

"Sino ka ba kasi talaga?" Sabi ko nang tumalikod sya.

Tinaas nya ang sleeve ng hoodie nya at pinakita ang wrist nya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

Walang salisalitang niyakap sya.

Sinabit ko at pinulupot ang braso ko sa batok nya.

Napaiyak na lang ako sa tuwa at guilt na naramdaman habang ang noo ko ay na sa leeg nya.

"Ba't kasi 'di mo sinabi agad?" Sabi ko habang nakayakap pa din.

"Iba din talaga si boss!"

Napakalas ako sa yakap namin.

"Sabi ko maghintay lang kayo doon eh!" Sabi naman ni Enzo.

"Ang tagal mo kaya boss. Nababagot nakami doon kakahintay" napapakamot pa ang ulong sabi ni Joaqin.

Napapunas ako ng luha ko.

"Ikaw boss! Nagpapaiyak ka ah!" Sabi naman ng isa.

"Sira!"

Hinarap ko sya.

"Ikaw ba talaga yan?" Nagtataka kong tanong.

"Oo nga! Halos isang taong lang hindi nagkita di mo na ako kilala" napanguso nya pang sabi.

"Eh na saan na yung kulot at kulay grey mong buhok?" Tanong ko sa kanya habang inaabot ang buhok.

"Bawal kasi sa school kaya nagpabago ako ng buhok." Nakangisi nyang sabi.

Nilapit ko naman ang mukha ko sa mukha nya.

Napaatras naman sya ng kaunti sa gulat.

"Saka mas kuminis ka ah?"

"Ano ba, tamang alaga lang kasi ng mukha" mayabang na sabi nito.

"Mas tumangkad ka din" sabi ko habang sinusukat ang height ko sa height nya.

"Tapos na ba kayo boss mag lampungan?" Sabi nong Joaqin.

Matalim ko syang tinignan.

Napatikom naman ang bibig nya sa tingin ko.

"Uwi na ako at baka hinahanap na ako ni Max." Paalam ko sa kanya.

Napatango naman sya.

"Ingat ka" sabi nya.

Papunta na ako sa motor ko at kinapa ko ang susi sa bulsa ko nang hilain nya na naman ko.

"Pahug nga ulit." Sambit nya sabay hila sa akin.

"Namiss talaga kita" dagdag pa nya.

Napangiti naman ako.

"Ang sakit nyo sa mata!" Sabi ng kasama nya.

"Sige na! Magkikita namn tayo bukas" nakangiting sabi ko.

Ni-start ko na ang motor ko at saka naghelmet.

Saka pinaharurot ang motor ko.

Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ni Max.

"Oh baby, ba't gising ka pa?" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"I'm still waiting for  you eh" sabi nya.

Binuhat ko sya at umakyat na sa taas.

"Kumain ka na baby?" Tanong ko.

"Opo!" Nakangiting sabi nito.

Pumunta ako sa kwarto nya at hinatid sya doon.

Hiniga ko na sya sa kama at saka hinalikan ang noo nya.

"Tulog na baby. May pasok ka ba tomorrow 'di ba?" Napatango naman sya.

"Sleep na. Goodnight baby, love you"

"Love you ate" sabi nya naman at pumikit na.

Lumabas na ako ng kwarto nya at dumeretso sa kwarto ko.

Nagpahinga ako saka nag half bath.

Nang makabag palit ng damit ay humiga na ako para mag pahinga.

I still can't believe na babalik sya.

Bakit kaya di ko rin sya nakilala.

Napangiti na lang ako sa naalala kanina.

Mahigit isang taon din tayong 'di nagkita, kaya 'di kita agad nakilala.

Enzo....






My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now