Chapter 23

89 6 2
                                    

Nagdaan ang isang linggong hindi nga niya ako pinapansin. At hindi lang pala ako. Kami. Iniiwasan niya kaming lahat.

Iba ang pag-iwas niya.

Parang may ibang dahilan kung bakit siya umiiwas.

Nag-kukwentuhan kami dito sa cafeteria ng school pero wala si Enzo syempre.

Wala nang tao dito pero 'di pa kami umaakyat. Nagka-match-match ang schedule namin. Kaya ito pare-pareho kaming hindi pumasok. Nag cutting kami ni Danice dahil walang teacher pero may pinapagawa. Absent naman ang Prof nila Kent.

"Kamusta kaya si Enzo, ano?" Sabi bigla ni Troy.

Tulala lang akong nakikinig sa kwentuhan nila.

"Nga pala!" Pag-iiba ng usapan ni Kent. "Aalis na daw si Sir Dallo ah?"

Npalingon ako kay kent.

"Si sir Javier?" Tanong ko.

"Oo! Ewan ko kung bakit." Sabi niya pa.

Napa-isip ako bigla. Wag sana siyang nawala. Ang ganda ng grades ko sa kaniya. Matataas lahat.

"Sayang naman 'no? Ilang taon din siyang nagtrabaho dito. 'Di daw siya tinanggal eh. Siya mismo nagresign" kwento naman ni Danice.

"Kaya nga. Mataas naman ang sweldo ng mga Prof. dito." Sabi naman ni Joaqin.

Nagpaalam ako na magc-cr lang. Paglabas ko ay sakto namang nakita kong pababa si Sir Javier at may dalang box.

"Sir."

"Oh?"

"Nagresign ka daw po?" Walang emosyon kong sabi.

"Hmm. Bakit?" Nakangiti niyang tanong.

"Bakit? Balita ko mataas ang sahod dito?"

Tinaasan niya ako ng kilay. Pati ba namang lalaking 'to iiwan ako. Chos.

"Pero 'di kasing taas ng sahod sa lilipatan ko." Nakangiti pa rin siya.

"Sayang naman. Ang tataas ng marka ko sa'yo e!" Inirpaan ko siya. "Kamusta nga pala si Enzo?" Pag-iiba ko.

"A..ano. m..ma..tamlay. nag-away ba kayo?" Nauutal na sabi niya.

"Talaga? Iniiwasan niya kasi kami." Nalungkot ako bigla pisti.

"Di kasi siya nagkukwento sa akin e. Sige una n..na ako!" Ngumiti siya.

Paalis na sana siya ng bumali ksiya at tignan ako.

"Nga pala pwede ka mamaya? Lilibre ulit kita"

"Sa cafe ulit??" Ngumiti ako. "Sige. Mas maganda paglibre eh" natatawang sabi ko.

~♡~

"Sir?" Napatingin siya sa akin.

"Kung magkapatid kayo ni Enzo, ba't magka-iba ang surname niyo?" Napasabunit naman siya sa sarili niya.

"Hindi nga kami magkapatiiiiiiid"

"Ok fine! Pero syempre inalagaan ka din ng parents ni Enzo."

"Kasi nga yung Dallo sa surname ng biological father ko. Naisipan kong gamitin 'yon dahil iisa ang school namin ni Enzo. Eh bawal ang may kamag-anak sa school pag mag tatrabaho ka."

Sumipsip ako ng frappe na inorder ko.

"So ano na?" Sabi ko nang wala na kaming mapag-usapan.

"Anong ano na" nakakunot noo niyang sabi.

Inirapan ko siya.

"Bakit mo ko niyaya ulit? May ikukwento ka ba? May balita ba kay Enzo?"

"Ayos naman si Enzo. Teka nga! Wag nga ako ang tanungin mo tungkol kay Enzo!"

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now