Chapter 5

143 5 0
                                    


Trixee Magaliano's Pov

Pinapark ko na ang motor ko sa parking lot ng school nang may lumapit sa akin na lalaki.

"May driver's license ka ba?"

Tinignan ko sya. Hmmm, he seem familar.

Di ko sya pinapansin...

"Excuse me miss? I'm asking you." Sabi nya pa.

Di ko pa rin sya pinapansin.

"Miss!" Hinablot nya bigla ang wrist ko.

Agad ko namang naibawi yon at kamay nya naman ang hawak ko at saka nilagay iyon sa likod nya kung saan ay napa-aray sya.

"Sorry kuya but I don't talk to strangers." Sabi ko at saka binitawan sya at saka naglakad paalis doon.

Habang naglalakad ako sa hallway iniisip ko pa rin kung saan ko na nakita ang pagmumukha nya. He looks familiar talaga.

Pumasok na ako sa classroom ng makarating ako doon.

Pagdating ko sa pinto ng room ay nagtinginan naman silang lahat sa akin.

Nakatingin sila hanggang sa makaupo ako.

Di ko na sila pinansin.

Wala ang homeroom teacher namin kaya bakante kami ng isang oras.

Wala naman akong ginagawa kaya naka tungo ako sa lamesa habang nagpapatugtog sa headset ko.

Maya-maya ay may nangalabit sa akin.

Napabangon ako para makita kung sino.

"Hi!" Masiglang sabi nito sa akin.

Babalik na sana ako sa pagkakatungo ng magpakilala sya.

"I'm Danice" habang naka abang ang kamay nyang makipag shake hands sa akin.

"Trixee." Walang ganang sagot ko naman at tumungo.

"Ihhhhh!" Tili nito. "May friend ka na!" Dinig kong sabi nya.

"I don't need one" sabi ko at pumikit.

"Awww. Wala ka kasing kaibigan kaya naisip kong lapitan ka."

Napabangon ulit ako at tinignan sya.

Cute syang babae. Maikdi ang buhok na may bangs ito. Maliit ang mukha nya. Sobrang puti at bilugan na singkit ang mga mata nya at nakasalamin ito ng bilog. May mga maninipis at mapupulang labi ito.

Bigla namang may pumasok na prof.

"Sino ang may motor dito? Kanino yung motor na nakapark sa parking lot? Yung kulay black." Sabi ng prof.

Tumayo naman ako.

"Miss. Do you have driver's license?" Nagcross arms lang ako at di ko sya sinasagot.

"I sai-"

"Makakadaan po ba ako sa highway at mga checkpoint kung wala akong lisensya?"

"Still, you're a student miss." Napairap ako sa sinabi nya.

"Come to the faculty, ASAP" dagdag pa nito.

Napaigting naman ang panga ko sa inis. Napapadyak naman ako bago nagsimulang lumabas.

Nakakainis naman 'tong araw na 'to.

Tila 'di pa sapat yung kahapon.

Pagdating ko doon nakita ko na tatatlo lang ang mga teacher dito. Napalinga-linga ako at tinawag ako ng isang prof.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon