Chapter 17

99 6 1
                                    


Kinagabihan pagtapos namin mag dinner naisipan namin pumunta sa mini bar. Meron kasi kaming nakita habang naglalakad dito. Meron din palang dagat dito, and I think resort siya.

After ng lights out tumakas kami para pumunta doon.

Tumatawa kaming pumunta doon dahil 'di namin inakala na makakatakas kami.

Maganda naman dito. May tumutugtog na banda at iilan lang ang tao. May mga nakasabit na maliliit na ilaw na puti, parang christmas lights gan'on.

Sila Enzo na lang ang bumili dahil 'di na sila minor kasi 18 na sila.

"Here!" Sabi ni Kent habang nilapag ang dalawang bucket ng mga alak.

"Wow ha! Soju?" Natatawang sabi ni Danice.

"Meron pala niyan dito?" Sabi ni Joaqin. Napalingon kaming lahat sa kaniya.

"Himala ata nagsalita ka pare?" Sabi ni Enzo.

Binato niya naman si Enzo ng mani na nasa harap niya.

"Ba't naman soju? Ang lakas ng tama niyan eh!" Reklamo ko.

"Malakas pag maari kang mainom" sambit naman ni Troy.

Umupo na kami sa matataas na upuan at nagstart mag-inom. Katapat ko si Enzo at katabi niya yung dalawa. Katabi ko naman si Danice at syempre katabi niya si Joaqin.

Nilagyan nila ang mga shot glass at tinungga yon.

"Wooh!" Sabi ko nang maramdaman ang mainit na dumaloy sa lalamunan ko. Grabe! Gan'to pala ang lasa nito?! Iba sa mga natikman kong alcohol.

Mag-iisang oras na kami dito at mukhang tinatamaan na ko ng soju. Ang init na nang mga pisnge ko.

"Shishy! Ang pula na ng pishnge mo!" Lasing na si Danice.

Napahawak naman ako sa pisnge ko. Half open na lang din ang mga mata ko habang nakapatong ang ulo sa mga kamay ko. Naririnig ko naman silang nagtatawanan at mukhang mga tinamaan na rin.

Iinumin ko pa sana ang isang shot nang pigilan ako Enzo.

"Anue ba? Minshan lang to!" Sabi ko sa kaniya.

"Lasing ka na oh! Tara na ihahatid na kita sa cabin niyo" tumayo na siya para alalayan ako pero pinakita ko ang palad ko.

"Shtop!" Papikit-pikit kong sabi.

"Baka umasha kasheko!"

"Huh? Alam mo lasing ka na tara na"

Tinignan ko sila Danice. Nakatingin sila sa aming dalawa.

"Pinapakitaan mo kasheko ng motibo!"

"Anong ibig mo bang sabihin?" Tanong niya.

Tumayo ako at inabot ko ang mukha niya. Hawak ko na ang magkabilaang pisnge niya saka ako nag salita.

"Trix tara-"

"I like you, ok?" Nanlaki ang mata ko sa nasabi. Napabitaw ako sa mukha niya.

"H..huh?" Natatawang sabi niya.

"Fvcking alcohol!" Sigaw ko.

"Alam mo lashing ka na!" Pag-iiba kong sabi sa kaniya.

"Kailangan mo nang matulog dahil ang dami mong nainom. Lashiiiiiing ka na!" Sabi ko.

~♡~

"Oh my ghad!" Sabi ko pagkagising ko sa sakit ng ulo ko.

Bwlu! Tumakbo ako nang cr nang maramdamang nasusuka ako.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now