Chapter 12

117 9 0
                                    

Dahil sabado ngayon. May mga bibilhin kasi ako para sa mga project. Mag-isa ko lang para mabilis.

Pauwi na ako at kakababa lang dito sa parking lot. Bubuksan ko na sana ang kotse ko nang may marinig ako.

Hinanap ko yung ingay na iyon. Napatago ako sa isang poste nang makita ko si....

"Joaqin" bulong ko sa sarili ko.

At mukhang tatay niya yung kasama niya.

"I told you na ingatan mo ang rank mo! Kailangan stable ang rank mo!" Sigaw nito kay Joaqin.

"Dad, 'di po ganon kadali yon! Marami po kaming magkakakumpetensya!"

"Di madali?" Tumango naman si Joaqin. "Then kukuha ako ng mga tutors ulit"

"Dad! 'Di na ako bata please!"

"Kung kinakailangan kukuha ako, Joaqin. Para sa'yo din ito!"

"Napapagod din naman ako dad!"

"Walang pagod pagod! Anong rank mo ulit? Pangalawa? Sa pamilya natin walang pangalawa! Nakakahiya ka sa pamilyang ito!" Sabi ng tatay nya habang tinutulak-tulak ang noo gamit ang hintuturo.

Lumapit na ako doon. Tawagin niyo na akong pakielamera pero baka gawin niyo din 'to pag nakita niyo sila.

Pumagitna ako sa kanila at hinarap ang tatay niya.

"Trix? Anong ginagawa mo dito! Umalis ka na lang!" Mariin na bulong nito sa akin.

"At sino ka naman? Wag ka makielam dito!"

"Di pa po ba kayo kuntento sa talino meron ang anak nyo? Di. Lahat ng bata kaya ang ang ganyan kataas na rank! "

"Trix!" Pero di ko sya pinansin.

"Why don't you just be thankful na isa ang anak niyo sa may pinakamataas na rank. I-appreciate na lang ang gusto ng anak niyo di nyo magawa? Lalo niyo lang siya pinepressure dahil sa ginagawa niyo!" Sabi ko at hinila ko si Joaqin doon.

Pagdating sa may kotse ko ay huminto kami.

Bigla niyang binawi ang kamay niya.

"Di mo na sana ginawa yon" inis na sabi nito.

"Ikaw na nga tinulungan ikaw pa tong galit" sabi ko.

Kaya tahimik lagi 'to si Joaqin. Nap-pressure sya sa schoolworks.

Pinuntahan namin ang kotse ko.

"May kotse ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Sinapok nya naman ang noo niya.

"Oo nga pala! Pero sa malamang ni-drive na ni dad yon dahil sa ginawa mo."

Luhh ako pa may kasalanan? Niligtas ka na nga.

"Alam mo? Why don't you just thank me for what I've done?" Sabi ko.

Tahimik pa rin siya at 'di ako sinagot.

"You're welcome" sabi ko na lang dahil mukhang 'di mag t-thank you lalaking ito.

Napayuko siya. Dahil matangkad siya, kahit nakayuko ay kita ko ang mukha niya dahil mas maliit ako sa kanya.

Nakita kong kinagat niya ang labi niya para magpigil ng iyak.

Automatic naman na hinawakan ang likod ng ulo niya para isandal sa balikat ko. Ngayon ay ang noo niya ay nakapatong sa balikat ko.

Nagulat naman ako nang umiyak siya bigla.

Tinapik-tapik ko ang likod niya para mapatahan pero nabigla ako nang ipulupot niya ang braso niya sa bewang ko at niyakap pa nang mas mahigpit.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now