Chapter 2

155 8 0
                                    

"Hey!"

Napatingin ako sa nagsalita.

"I'll make sure na 'di ka magtatagal sa school na 'to." Bigla naman akong tumayo. Napaatras naman sila.

Napangiti ako.

"Ooh I'm scared." Sabi ko at binitbit ko na ang bag ko at tangkang aalis na.

"We're not done yet." Hinila nya ang braso ko at sinandal ako sa pader.

"I'm gonna-"

"What? You're gonna what? Sasaktan mo ko? Bakit? Bakla ka ba? Ka lalaki mong tao mananakit ka ng babae." Sabi ko.

"Pre. Tara na baka mapatawag pa tayo sa dean's office."

"Tawag ka na ng tropa mo oh."

"Aabangan kita mamaya paglabas."

"Bakit. May gusto ka ba sa akin? Hahatd mo ko pauwi?" Nangaasar kong sabi.

"You f*ck*ng b*tch! I'm gonna rip your head off." Nanggigigil nyang sabi.

"Tss. You don't know who you were messin' with" sabi ko sabay tulak sa kanya kaya naman napabitaw sya sa pagkakakwelyo sa akin.

Nakatambay ako sa cafeteria ng school na 'to habang may juice lang sa harap ko at nakikinig ng music ko.

Sumipsip ako sa juice kaya may tumulo na juice sa gilid ng labi ko. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang panyo. Napatigil ako ng wala akong panyong nakapa.

Y..yung panyo ko!  Baka nahulog nung sinandal ako kanina sa pader.

Agad naman akong tumakbo papunta sa kung saan kami kanina.

"Asan na 'yun. 'Di pwedeng mawala 'yon. Tsk!"

"Oooh! Look who's here, Girls?" Napa angat ang tingin ko sa nag salita.


The heck?! Dito din sila  nag-aaral??


"Sh..shaira??" Tumayo ako.

"You're right Trixee! What a coincidence!"

Bigla naman syang tumingin sa paa ko.

"You're still using that old dirty shoes, huh?"


Napakuyom ang kamay ko. Alam ko na kung saan papunta 'to.


"Hmm. Maybe you should ask your mom to buy you new one."

Tinignan ko sya ng matalim. Nako! Kung nakakapatay lang ang tingin ko, duguan na 'to.

"Ohh! Oo nga pala! You don't have one" bigla naman silang tumawa.

Huminga na lang ako ng malalim para mapigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.

"Bye" sabi nila at saka umalis. Nilagpasan nila ako.


Yes, I don't have one.  Wala akong nanay. Wala akong tinatawag na mama. Walang gumigising sa akin na mommy.


It's been 7 years nang umalis sya sa bahay. Iniwan nya kami. Pero dahil sa ginawa nya 'di ko pa rin magawang magalit sa kanya. Kasi kasalanan naman ni dad kung bakit kami iniwan ni mommy. Kaya kay daddy mabigat ang loob ko. Itong panyo na nawawala galing kay mommy. Itong sapatos na gamiy ko ngayon ay kay mama nung dalaga sya. Ito na lang ang mga remembrance ko kay mommy. Kaya 'di pwedeng mawala basta basta.

Agad ko namang pinunasan ang luhang biglang tumulo sa pisnge ko.


Bakit ba ko umiiyak? Matagal na 'yon.


Naka labas na ko nang gate ng school nang may humila sa akin papunta kung saan.


"Get off me!" Sabi ko sa dalawang naka-hawak sa akin.

"Bagong estudyante, bagong ka-kompetensya din. Lalo na't matalino ka pa. "

"Anong gagawin mo ngayon?" Nakataas kilay kong tanong.

"Aba't siga 'to ah? Parang kang lalaki kung umasta." Bigla nya akong sinampal. Naramdaman kong pumutok yung labi ko. Nadaplisan din kasi ng kamay nya. Napadura ako ng may kasamang dugo.

"Sampal? Hina mo naman. Bakla ka ba? Ano bang kailangan mo? Kung wala naman pwede ba? Nangiistorbo ka." Sabi ko


"Bakit natatakot ka?" Mukha na syang naiinis.

"Tsk ako? Bakit 'di mo ko kilala? Baka magsisi kang ginaganito mo ako."

"Sinusubukan mo talaga ako ah? Sige. Halika."


Binitawan naman ako ng dalawa.


Pasuntok na sya pwro inunahan ko. Napahiga naman sya. Yung dalawang nakahawak sa akin kanina sumugod. Nasuntok ko sa mukha yung isa at sinipa ko naman sa sikmura yung isa. Yung nanampal sa akin ay tumayo na naman at akmang susuntok na naman pero nahuli ko ang fist nya saka ko sya niyuko at tinuhod ko sa sikmura na syang nag pa higa sa kanya.


Dinapa ko yung nanampal sa akin, inapakan ko ang likod nya at hinila ang kanang kamay nya.


"Aray! Aray! Aray! SIGE NA! PANALO KA NA! WAG MO NANG BABALIIN ANG BRASO KO! MAAWA KA NA!"


Binitawan ko ang braso nya at maya-maya ay tumayo sya habang hawak ang braso nya at hinarap ako.

"And now you're begging?" Napa ngisi na lang ako sa kanya.

"Yun na ba yon?" Sabi ko sa kanya. "Di man lang ako pinagpawisan" sabi kong natatawa.

"Kung ayaw nyong maulit 'to, tigilan nyo na ko. Sabi ko naman sa inyo 'di nyo ko kilala."


Kinuha ko na ang mask ko sa bag at sinuot bago umalis.

"Sanadali!"

Paglingon ko hinila nya bigla ang pulsuhan ko at may tinignan doon.

Nagtaka naman akong tinignan sya at binawi ko naman ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo?" Natulala naman sya.

"Trix?" Naiba naman ang mukha ko nang sabihin nya pangalan ko.

"Ikaw pala yon." Tinaas ko ang isang kilay ko. "Ikaw yung sinasabi ni boss na ilayo sa gulo."

"Ha? Sinong boss?" Tanong ko.


"Di pwedeng sabihin pangalan eh." Sabi nya.

"Trix Magliano?" Tumango ako.

"Patay ka, Joaqin" bulong ng isa pero rinig ko. Ta's may sinabi naman yung isa hanggang sa nag-uusap na silang tatlo. Dagil may katangkaran din sila medyo nakatingala ako at palipat lipat ang tingin ko sa kanilang 3.


"Sandali nga? Ba't nyo ko kilala eh 'di ko nga kayo mamukaan?" Sabi ko na nagpatigil ng bulungan nila.


"Napansin ko yung tatoo mo sa pulsuhan mo kaya tinignan ko at nakita ko ang maliit na moon. Yun ang palatandaan namin na ikaw si Trix." Sabi nung Joaqin ba yun.

Napatingin ako sa wrist ko. May iba pa pala nakakaalam sa tatoo ko sa wrist.

Nagpaalam ako na aalis na dahil late na ko sa trabaho ko. Oo, may trabaho ako. Para sa sarili kong allowance. Di ko tinatanggap ang mga pera na binibigay ni daddy sa akin pang allowance dahil mabigat nga ang loob ko sa kanya.

Habang nagsstart ako ng motor, 'di ko mapigilan ang mapaisip.


Sino ba sila?











My Sun And His Moon (Clique Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon