Chapter 4

146 8 0
                                    

N...nasan ako? Nagising ako puro puti.

"Ayos naman na sya. Wala na dapat kayong ipagalala pa. Inatake lang sya ng trauma nya."

"Sige po,doc. Salamat po"

Bumangon ako dahil medyo nagising gising na ako.

"Gising ka na pala" -kuya Vince. halos mapatalon ako sa gulat. Kunot noo ko syang tinignan.

"Ok ka na ba?" -Ate Airah.

"Pinagalala mo kami eh" -kuya Clark.

"Huy ano ba yan at palingon lingon ka na lang?" Sabi ni ate Airah.

"Hayaan mo na at kita mong kakagising lang eh." Sabi naman ni kuya Vince.

Humiga muna ako at tumulala. Bigla na naman akong umiyak. Naalalako na naman ang mga pangyayaring yon.

"Sige lang iiyak mo lang." Sabi ni ate Airah.

Sa sobrang iyak ko humihikbi na ako.

"Ito oh. Inom ka muna." Sabi ni Kuya Clark habang may hawak na baso.

Nang kumalma ako nakatulala lang ako habang nakaupo habang silang tatlo eh nakatitig sa akin at mukhang nag-aalala pa rin.

"Tinawagan namin daddy mo"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ate Arah.

"You what?!"

"Oh kalma lang papunta na sya." Dagdag pa nya.

"Bakit nyo sya tinawagan?" Sabi ko at akmang tatayo pero pinigilan nila ako.

"Bakit ayaw mo ba?"

"Tsk. Basta!"

"Wag ka munang tumayo at baka mabigla ka." -Kuya Clark.

"Bakit ba at ayaw mo sa daddy mo?"

"Sya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito" di ko mapigilan ang maiyak na naman.

Iyakin na kung iyakin pero ang sakit talaga.

Maya-maya ay may pumasok na lang bigla.

Si daddy.

Palabas na sana silang tatlo pero pinigilan ko. Pumunta naman sila sa isang gilid at doon nag siksikan.

"Dito lang kayo. Wag kayong lalabas.

"Ba't kayo nandito" walang emosyon kong sabi kay dad at tinignan sya.

"Ayos ka lang ba anak?"

"Anak? Talaga? Sige na dad," tinignan ko sila ate Airah, napaiwas naman sila ng tingin. "Mga kaibigan ko sila 'di mo na kailangan magpanggap na may paki ka sa akin."

"Kelan mo ba ako mapapatawad?"

"Pagnakita ko ulit si mommy." Madiin kong sabi.

"Per-"

"Pero ano? Dad, kung 'di tayo lumipat ng bahay noon baka nakasama ako noon kay mommy. Baka nakasama kami ni Max sa kanya."

"Mas gugutuhin mo pang pumunta sa kanya? Bakit naibibigay ko naman lahat ng pangangailangan ko sa inyo ah? Nakakapag-aral ka sa magandang school. Nabibigyan kita ng allowance mo. Malaki ang bahay natin. 'Di pa ba sapat yon? Eh ang mommy mo baka wala ngang sariling bahay yon ngayon. Di nya kayo mapapalaki kung wala ang pera ko."

Yan na naman sya. Bukang bibig na naman nya ang pera nya. Magsama sila ng pera nya.

"Yan! Yan ang maipagmamalaki mo! Yang pera mo!"

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now