Chapter 10

110 5 0
                                    

Trixee Magaliano's Pov

"Mr. Hussiera?!"

"Bakit po kayo nandito?!" Gulantang na tanong ni dean Cruz.

Habang ako ay nakangisi lang dito sa upuan sa harap ng table ng dean at naka cross arm.

Sa harap ko ay si demonyitang pusa at naka semento na ang wrist. Kasama niya ang parents niya sa tabi.

Umupo naman si dad sa tabi ko.

"Bakit po, bigla kayong napadaan dito?" Tanong ni dean.

"I'm here 'coz my child, Trixee, said na pinapatawag ang parent niya." Mahinahon pero seryosong sabi ni dad.

"I...uhm.. anak nyo po itong basagule- este itong napakagandang batang ito?" Kinakabahan na sabi ni dean.

"Isn't obvious?"

"A..ahh!" Sabay awkward laugh.

"Mr. Hussiera, good morning po!" Sabi ng parents nung demonyitang babae.

"Mom? Dad?! What are you doing? This girl just break my wrist!" Sigaw na pabulong niya.

"Did my Trixee did that?" Pagtukoy ni dad doon sa nakasementong kamay niya.

"Yes, pero ok lang yon! Simpleng bali lang naman po yan. Ha..haha.. Saka 'di naman po niya sinasadya siguro." Sabi ng mommy ni Cary., yung demonyitang pusa.

"Mom?! Sinadya niya iyon! Ano bang problema? Kagabi lang galit na ga-"

"Ahh..haha...shhhhh!" Sabi ng parents niya habang tinatakpan ang bibig niya.

"Dad" bulong ko sa kaniya.

Itinaas ko ang sleeve ng hoodie ko para ipakita sa kaniya yung mga kalmot ko sa braso. Nanlaki ang mata ni daddy ng makita iyon.

" Im sorry, but your child just did this" medyo bakas sa boses niya ang pagkainis.

Pinahubad ni dad ang hoodie ko para ipakita yung nga kalmot.

Napanganga naman ang mommy niya kaya tinakpan niya iyon gamit ang dalawang kamay.

"Cary, say sorry to her, now!" Sabi ng daddy niya.

"But why would I? Siya ang nauna-"

"Caridad Esperanza Aguilar....." napapigil ako ng tawa dahil sa pag sabi ng mama niya ng buong pangalan niya. Grabe makaluma pala ang pangalan niya.

"Mom! You're embarassing me! You know naman na ang baho ng pangalan ko ehh!" Sabi nito sa mommy niya.

"Say sorry to her now! Or I won't give you allowance for 2 months!" Sabi ng mommy niya.

"Fine!" Sabi nito at umupo ng upuan at nagcross arm ito.

"Sorry!' Sabi niya sabay irap.

Nakangisi lang ako ditong nakatingin sa kaniya.

"Sorry" mahinahon na sabi nito pero may irap pa rin sa huli.

"We're so sorry po talaga for what happen Mr. Hussiera." Sabi ng daddy ni Cary.

Lumabas na ang lahat ng matapos ang usapan.

Paalis na ako ng tawagin ako ni dad ulit.

"I'll make sure na no one will do that to you again."

Tumango lang ako at umalis na doon at baka humaba pa ang usapan.

Naglalakad na ako sa graden pa balik ng classroom nang marinig ko ang parents ni Cary at si Cary ay nag-uusap.

Napahinto ako saglit.

"Dad, mom! What was that?!"

"I'm sorry Cary, but we have to do that" sabi ng mommy niya.

"Baka kung hindi namin ginawa ang ginawa namin kanina. Baka 'di ka na makakapasok sa eskwelahang ito"-daddy niya

"What are you talking about?" Litong tanong ni Cary.

"Isa siya sa pinaka mayamang businessman! Isang pitik niya lang ay kaya niya tayong patumbahin dahil maraming connection ang daddy niya." Mommy niya.

Natapos ang usapan nila kaya nagsimula na akong maglakad. Naramdan ko namang kasunod. Ko siya.

"Hoy!" Napaharap naman akong nakangisi.

"Pasalamat ka talaga at iyan ang daddy mo! Kungdi-"

"Kung di ano?" Pagputol ko sa sinabi niya. "Baka gusto mong dagdagan iyan at dalawa na ang naksemento mong kamay?"

Naka simangot lang siya.

"Wala ka nang sasabihin? Ok sige. Babyee Esperanza!" Pang-aasar k osa kanya.

"Waaaaaahhhhhhhh!" Tili niya.

~♡~

"Oh musta yung guidance?" Nakangising sabi ni Kent

"Ayun! Maliit na bagay lang daw yung pagbali ko sa kaniya" natatawang sabi ko habang paupo sa tabi ni Danice.

Nagtawanan naman sila, and as usual nakatingin lang si Joaqin.

"Oh binilhan ka na namin ng pagkain." Sabi ni Danice sabay bigay ng sandwich na palagi kong inoorder.

Lunch na kasi namin.

"Ay  wait may nakalimutan ako" sabi ni Enzo sabay tayo nya.

"A..aray" sabi niya bigla sabay hawak sa tuhod niya. Bakas sa mukha niya na masakit iyon.

"Ayos ka lang pre?" Tanong ni Troy sa kaniya.

"Ah oo! Konting kirot lang naman 'to" sabi niya sabay tawa at umalis na doon.

"Tagal na niyang ganyan." Sabi ni Troy.

Napabaling naman ang tingin namin sa kaniya.

"Ewan ko ba diyan. Sinabihan na namin na mag pa-check-up, pero lagi niyang sinasabi na ok lang daw siya." Sabi naman ni Kent.

Binalot naman kami ng katahimikan pagtapos non.

"Sa tingin niyo ok lang talaga siya?" Sabi ni Danice.

"Wala tayong magagawa yun ang sabi niya eh"-Troy.

Matapos ng lunch ay bumalik na kami sa kanya-kaniyang classroom.

~♡~

Matapos ang klase ay pumunta muna ako sa park kung saan ay nagkita kami ni Enzo noon. Umupo ako sa swing ang tumulala since maaga pa naman. Nag-early dismissal kanina dahil nag meeting ang faculty. Kaya I still have....

2:00?

I still have 2 hours para tumambay.

"Lalim ng iniisip natin ah?"

Nagulat ako ng may umupo sa kabilang swing. Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba. Tinignan ko siya ng kunot noo.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Sabi ko sa kaniya.

"Wala naman. I can see na may gusto kang tao" nakangiting sabi niya.

Napaawang ang bibig kong tiningnan siya.

"Anong alam mo?" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Wala kang galang. Di mo nakikita na prof mo ko." Natatawang sabi niya.

Inirapan ko siya.

"May gusto ka ba sa kapatid ko?" Biglaang sabi niya.

"Huh? Ako? Hindi ah! Hinding hindi ko magugustuhan yan si Enzo! Never ako magkakag-" napahinto ako sa nasabi ko. Nilingon ko siya at nakangisi naman siya.

"I never mention na si Enzo ang kapatid ko" sabi niya.

Nasapok ko na lang ng palad ko ang noo ko. Ang tanga mo Trix.

"I..uhm. a...ano kase!" Iritang sabi ko sa kaniya.

"Gotcha!" Natatawang sabi nito sa akin. "I knew it!"

Napahawak na lang ako sa noo ko.


To be continue....








My Sun And His Moon (Clique Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon