Chapter 7

130 6 1
                                    

Nagtaxi na lang ako papuntang school. Alam ko, sabi ko kahapon na I'll use my car. But, dad won't let me. Nakakainis 'di ba?

Papasok na ako ng salubungin ako ni Danice.

"Hi frennyy!!" Tili nito sa akin.

Napatakip ako sa kaliwang tenga ko sa sakit dahil sa tili nya.

Ilang araw ko pa lang nakikilala 'tong babaeng 'to sure na akong napakahyper at masiyahin nito.

"Wala ka bang kaibigan?" Nakakunot noo kong tanong.

"Hmmm. Meron!" Nakangiti nyang sambit.

"Then you should go with them instead of me. Baka maboring ka lang sa akin" seryoso kong sabi.

"I'm with my friend na." Nakangiti nyang sambit.

"Where?"

"I'm looking at her, right now"

Napairap ako nang mamalayang ako ang tinutukoy nyang "friend".

Napatawa naman sya sa ginawa ko.

Tumunog na ang bell, sign na it's already time.

Pumasok na ang lahat sa kanya-kanyang classroom.

Pumasok na ang mga teacher at nagsimula nang magdiscuss.

Pumasok ang math teacher namin at nagpasurprise quiz. Mabuti na lang talaga at masipag ako magbasa ng libro ko. Pero dito sa school tamad na tamad ako.

"Ok you 50 minutes to finish that" sabi ng prof.

Habang nag q-quiz ay naglalakad paikot ang prof. para makita isa-isa ang mga students mag sagot. If may nangongopya or what.

Haols 15 minutes palang ang nakalipas ay natapos ko na agad i-slove. Kaya naman na pa tango ako para matulog saglit.

Naramdaman ko namang huminto sa gilid ko ang prof.

Hinampas nya ako ng mga extra quizes na hawak nya nang nakarolyo iyon.

Napabangon naman ako ng kunot noo.

"15 minutes pa lang natapos mo na? Patingin nga baka binabara-bara mo ang pagsagot!" Napatingin naman ang iba kong kaklase sa amin.

Tinignan ko sya ng kinuha nya ang quiz ko.

Napasmirk ako nang makitang nagiba ang expression ng mukha nya.

Tinignan nyo naman ang hawak nyang questioner na may sagot at pabalik-balik ang tingin nya doon at sa quiz ko. Napaawang namn ang bibig nya nang makitang puro tama iyon.

"Sige na balik ka na sa tulog. Tulog ka maige ha?" Mahinahon na sabi nito sa akin habang niyuyuko ang ulo ko sa desk.

~♡~

Lunch na naman at pababa ako ng hagdan papuntang cafeteria ng hinabol na naman ako ni Danice.

"Wiiihh!" Tili pa lang kilala ko na. "Sabay tayo!" Masayang sabi nito.

"Ayoko" seryoso at walang ganang sabi ko.

Napahinto naman sya at napa-pout sa sinabi ko. Tinitigan ko sya.

Bigla syang nag puppy eyes.

Ang cute nyang nilalang.

Napapikit ako at huminga ng malalim.

Trixee, straight tayo ah?

"Oh sige na! Tara na" naiirita kong sabi.

"Yehey!!!" Sigaw nya na may patalon talon pa.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now