Chapter 13

110 5 0
                                    

"Tr-"

"Wag nyo kong kausapin" pagputol ko sa sasabihin nila.

"Badtrip" bulong ni Enzo sa kanila.

"Here. I brought you this!" Dinig kong sabi ni Danice.

"Ayoko nga niyan. Di ako kumakain ng ganyan" si Joaqin.

"Di daw. Talagaaaaa??"

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Danice na may hawak na donut atg inilalapit yon kay Joaqin kaso iniiwas niya ang mukha niya.

"Narinig kong fav mo 'to!" Sabi ni Danice.

Tumingin naman nang masama si Joaqin sa mga kaibigan niya. Bigla naman sila nag-iwas nang tingin.

"Sini nagsabi? Di totoo yon! Uto-uto ka naman."

Napanguso bigla si Danice.

"Iiwan ko na lang dito. Kainin mo later. Wag mo ipapakain sa iba ah!" Sabi ni Danice sabay balik ng donut sa tupperware na lalagyan at dpon ko nakita na tatlo na donut iyon.

Nagpaalam na aalis na si Danice at nauna na syang umalis sa amin.

Pagalis ni Danice ay apat na lang kami ditong naiwan.

Kukuha sana ang tatlo nang donut pero pinalo yon ni Joaqin.

"Bakit?" Tanong nilang tatlo.

"Narinig nyo akin 'to 'di ba? Wag ko daw ipapakain sa iba" sabi ni Joaqin at umalis na din dala-dala ang tupperware na may donut.

"Tsk. Yung kumag na yun. Kunwari pang ayaw 'di naman namimigay. Pakipot din ang isang yon eh!" Sabi ni Troy.

~♡~

Kakatapos lang namin mag-p.e at nandito kami ngayon nag pupulot ng mga bola ng volleyball dahil natalo kami sa laro kanina.

"After nyong mapulot at maligpit lahat you may go home na, ok?"

"Yes po, sir!" Sabi naming lahat.

Kakatapos lang namin mag pulot kaya umupo muna ako sa gilid para mag pahinga at uuwi na din pagkatapos. Umiinom ako ng tubig nang may makakuha ng pansin ko.

Napangiti naman ako nang mahagip ng mata ko sa kabilang side ng gym si Enzo at nakahawak sa tuhod niya. Nilapitan ko siya.

"Enzo, nandito ka pa pala. Kala ko umuwi ka na?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

Di niya ako sinagot at napansin kong 'di maipinta ang mukha niya.

"Huy. Ayos ka lang?"

Tumango naman  siya.

"Una ka na. Maya-maya pa muna ako uuwi. Papahinga lang" sabi niya habang nakahawak pa rin sa tuhod niya na ikinataka ko.

"Ano bang meron sa tuhod mo?"

"A..ah wala 'to masakit lang kasi 'di ako nakapagstretching kanina."

"Hmmm. Sige una na ako. Sigurado ka ok ka lang ah?" Tumango naman ito at umalis na ako doon. Kahit ayaw ko pa. At gusto ko pang samahan siya doon.

Dumeretso na ako sa trabaho after kong magbihis.

Ano kayang meron sa tuhod niya? Nag-aalala na ako. Di kaya may sakit siya?

I just shake my head para maalis ang mga iniisip.

Di naman siguro. Baka may rayuma.

Tss.. natawa na lang ako sa iniisip ko.

"Uy girl. Ayos ka lang ba talaga?"

"Hmm?" Tinignan ko siya nang nakangiti.

"Tignan mo nga oh! Nakangiti!" Sabi ni kuya Clark.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now