Chapter 8

121 7 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas at tapos na ang 1st sem. Kaya tinitignan ko ngayon ang mga na sa rank.

Napangisi ako nang makitang na sa pinaka una ako. Ako ang pinakamataas na rank.

Ilang buwan na din at wala na mang masyadong nangyayari.

Kakaunti lang naman.

Gaya ng....

Si Danice...sa awa ng diyos pinakawalan nya na ang lalaking iyon. Grabe ang iyak nya non. Pagod na daw kasi sya.

Mas lalo naman kaming naging close ni Enzo at nang mga kaibigan nya.

Maliban kay Joaqin na sobrang tahimik.

Di ko alam kung anong meroon don sa lalaking yon. Ayos naman sya pag sila-sila lang. Pero pagnandiyan ako tahimik sya. Ang sungit pa. Daig pa ang may dalaw pre.

May gusto nga si Danice sa Joaqin na yon. 'Di ko alam ang nakita nya sa lalaking iyon.

Napaka mysterious daw kasi nya.

"Hoy babae!" Napalingon ako sa babaeng sumigaw na mukhang ako ang tinatawag.

Na sa hallway ako ngayon at may binalik sa locker nang tawagin ako ng di ko kilalang babae pero ang alam ko kaklase ko sya.

Lumapit sya sa harap ko.

"Hoy ka rin! May pangalan ako bruha." Mahinahon kong sabi pero mukhang nainis na sya doon.

"Dahil sa'yo bumaba ang rank ko!" Sigaw nya sa akin.

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"Di ka kasi nag-aral kaya ka bumaba. Wag ako ang sisihin mo." Paalis na ako ng hilain nya ako pabalik.

Hinila ko naman ang braso kong hawak nya.

"Kung 'di ka kasi dumating sa school na 'to walang mga estudyanteng maapektuhan!"

"Kasalanan ko bang pinagpala ako sa kasipagan?"

"Di ka masipag! Ano bang klaseng paninipsip ang ginawa mo para tumaas ng ganyan grado mo ha?"

"Alam mo nagsasayang ka lang ng laway sa akin. Eh kung sipagan mo na lang mag basa. Baka mas makatulong yon-"

Napatigil ako ng sampalin nya ko. Infairness masakit.

Kaso nanununtok ako eh.

Baka 'di fair pag suntukan. Tsk.

"Nararapat yan sa mga sipsip!"

"Alam mo ate? Kung ako sa'yo mag-aaral na lang ako. Baka kung ano ang magawa ko sa'yo pag 'di ka pa tumigil" mariin na pagbabanta ko.

Akmang sasampalin nya na naman ako nang inunahan kong hawakan ang wrist nya at inikot iyon dahilan ng mapa-aray sya.

"A..ahh...aray!!" Sigaw nya sa sakit.

"Sabi ko naman sa'yo ate. Baka kung anong magawa ko sa'yo. Nanununtok ako 'di nananampal." Sabay bitaw sa kanya.

Tumalikod na ako paalis nang sumigaw sya.

"Biiiiiiissshhh!" Sigaw nya kasabay ng paghila sa buhok ko.

Sinabunutan nya ako kaya napaupo ako sa sahig.

Naeamdaman ko namang kinakalmot nya din ako.

"Arrrrghhh! Dapat sa'yo mawala na sa mundo eh! 'Di nararapat nandito ka! Walangya ka!" Sabi nya habang kinakalmot kalmot ako at sinasabunutan pa. Sa malamang marami nang kalmot ang braso at leeg ko dahil naka shirt lang ako.

Di na ko nakatiis at hinawakan ang wrist nya na hawak ko kanina at tinuluyan ko na.

"AHHHHHHHHHHAAARAAYYYYY!" sigaw nya habang nakahawak sa wrist nyang nabali ko. Napaupo sya sa sahig sa sakit.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now