Chapter 25

97 3 0
                                    

TRIXEE MAGALIANO'S POV

"Anong sabi ng doctor mo?" Tanong ko nang bumaba silang lahat para umihi.

Papunta kami sa bahay bakasyunan nila Danice sa probinsya nila. Kasama ang kambal at mga lalaki. Mag b-birthday kasi si Enzo at ito ang napag planuhan namin. Probinsya. Malayo sa maingay na syudad.

"Osteosarcoma." Napapikit ako sa narinig at huminga ng malalim.

Tinignan ko siya. Nakangiti na akala mo walang pinagdadaanan. Lumingon siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"I'm gonna be okay. Don't worry." Tinignan ko siya at nginitian ko siya.

~♡~

Nakarating na kami after 3 hours ng byahe.

Binaba ng mga lalaki ang mga bag at ibang gamit. Habang inaalalayan ko si Enzo. Kahit 'di pa naman siya ganon kahina.

Naka-akbay siya sa akin habang nag lalakad papunta sa bahay na pag tutulugan namin.

Pagdating doon mas dumami ang puno at may dagat din.

"Mag aayos lang kami ng gamit" sabi nila Kent.

"Mag luluto naman kami ng Lunch!" Sabi ng kambal.

"Anong gagawin namin?" Tanong ko.

"Bahala kayo!" nagulat kami ng sabay-sabay silang sumigaw.

Natawa naman si Enzo.

"Punta tayong tabing dagat" mahinang sabi niya.

"Tara"

Nang na sa dagat kami ay inalis niya ang kamay niyang naka-akbay sa akin bilang alalay. Napa tingin ako sa ginawa niya.

Dahan-dahang bumababa ang kamay niya papunta sa kamay ko.

Nag interlock ang mga daliri namin. Humigpit ang hawak niya. Napangiti ako at tumingin kami sa dagat sa harap namin.

"You know..." nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa akin.

"Isang buwan ko din 'tong pinag-isipan." Tinignan ko siya.

Mukhang pagod ang mga mata niya.

"Let's make it oficial" ngumiti ako sa kaniya.

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Humarap siya at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"R..really?" Bakas ang excitement sa boses niya. Tumango ako.

Niyakap niya ako. Niyakap ko siya pabalik.

Matapos ang ilang segundo kumalas kami sa pagkayakap. Hinawakan niya ang mukha ko.

Naramdaman ko na lang ang labi niya sa noo ko.

~♡~

Bumalik na kami para kumain.

"Oh 'yan na sila! Tawagin niyo na din si kuya Bernard" sabi ni Missy.

Si kuya Bernard yung Driver nila Danice.

Sa loob kami kakain ngayon dahil mainit na sa labas at 'di pa nalilinisan ang mga lamesa doon.

"Ang bango ah." Sabi ni Danice.

Nagsimula na kami kumain. Ako na ang kumuha ng plato at nag sandok ng pagkain ni Enzo.

"Ang sarap" sabi ni Danice nang tikman niya.

"Lahat naman sa'yo masarap basta pagkain." Sabi ni Kent sa kanya.

Inirapan naman siya ni Danice.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now