Chapter 18

101 6 1
                                    

"Kaya mo 'yan Trix!" Cheer nila sa akin nang nakaupo na ako para mag zipline.

Bumibigat ang paghinga ko at namamasa na ang mga kamay ko.

"Kuya sure ka bang safe 'yan?" Tinawanan naman ako nung kuya.

"Kuya 'wag mo naman akong tawanan" naiinis na sabi ko.

"Game na?" Tumango ako.

Itutulak na sana niya ako nang sumigaw ako.

"Kuya wait!" Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa harness.

Lumapit si Enzo sa akin.

"Sige na Trix, pagnandoon ka na ma-eenjoy mo na ang view." Pangchi-cheer-up niya sa akin.

Nginitian ko lang siya ng pilit.

"I'll tell you something after that." Kinurot niya pa pisnge ko after niya sabihin 'yon. Pagtapos niya mag salita bumalik na siya sa pwesto niya kanina.

Ano naman ang sasabihin mo? Na you like me too? Charot lang!

Tinanguan ko na si kuya at tinulak niya naman yon. Napatili ako pagtulak niya pero unti-unti 'yon nawala nang makita ko ang sobrang daming puno na view.

"Woah" bulong ko sa sarili ko.

Nang makarating sa kabila ay nandoon ang kambal. Sumunod naman sila Danice hanggang sa nandito na silang lahat sa kabila.

Nang makababa si Enzo ay lumapit siya sa akin.

"See? I told 'ya na kaya mo 'yan!" Sabi niya at ipinatong ang kamay sa ulo ko. Napangiti naman ako.

"Ano muna 'yung sasabihin mo?"

"Alin?"

"I'll tell you something after that" panggagaya ko sa kaniya. Naalala niya naman bigla.

"Ah eh." Napakamot siya sa ulo. "I just said that so you can ride na" natawa naman siya.

"You what?!" Napatingin silang lahat sa aming dalawa.

"Animal kang dimunyo ka" sabi ko sa tono nang bisaya.

Sinuntok ko ang braso niya.

"Oooh" react nang mga lalaki.

"Ah!" Natawa siyang napahawak sa braso niya.

Nauna akong umalis sa kanila doon.

Bwisit siya! Kung ano-ano pa naisip kong sasabihin niya ta's wala lang pala. Sarap mong sakalin!

~♡~

Hapon na at nag-didinner na kami. Tapos na ang mga activities sa araw na 'to at grabe ang pagod.

Nagobstacle kami kanina at lahat sila nag muddy obstacle para daw sa akin. Na tats ako don!

Putik-putik kaming lahat kanina at niyakap pa nila si Joaqin na hindi masyadong naputikan.

"Grabe ang gutom ko sa obstacles kanina!" Sabi ni Kent habang sumusubo ng pagkain niya.

Habang nagkukwentuhan kami ay may naramdaman akong nakatingin sa akin. Lumingon ako sa likod ko pero puro kasi puno at medyo madilim na kaya 'di ko na masyado makita kung ano meron.

"Ano yon?" Tanong ni Enzo na katabi ko.

Napalingon agad ako sa kaniya.

"Wala. Akala ko lang may tao" lumingon din siya sa likod at bumalik na sa pagkain.

After kumain nag sindi sila ate Col ng bonfire at nakapalibot ang maraming estudyante.

Medyo nakapahinga naman na kami.

"Cr lang ako" paalam ko.

"Samahan na kita" sabi ni Danice at tumayo.

"No, it's ok. I have feet" sabay turo sa paa kong sabi.

Habang papunta ako sa cr ay naramdaman ko na  na may sumusunod sa akin. Binilisan ko na mag c.r para makabalik agad.

Paglabas ko ng c.r ay may biglang humatak sa akin habang nakatakip sa bibig ko at dinala ako sa bandang madilim kung saan buwan lang ang makikitang maliwanag.

"Hmmm!!!" Impit na tili ko habang naka takip sa bibig ko.

Bigla nila akong piniringan at hinawakan ang mag kabilaang kamay ko. Sinubukan kong may pumiglas pero masyado silang malakas.

Maya-maya pa ay tinangal na ang blindfold ko at nakita ko naman ang pamilyar na mukha.

"Ikaw na naman?!" Madiin na sabi ko.

"Yes. We meet again" nakangisi niyang sabi.

Hawak na naman niya ang patalim na yon. Itinutok niya yon sa baba ko kaya napatingala ako.

"Bakit mo ba 'to ginagawa?"

"Naghihiganti ako!" Sigaw niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"My brother, ang nagtitirang tao sa buhay ko, died."

"What?" Halos hangin na lang ang lumabas sa gulat ko sa narinig.

"B..because of him? Enzo?" Paglilinaw ko.

"Yep. My brother was riding a motorbike that night and Enzo was driving a car." He laugh sarcastically. "Nagbungguan sila ng kuya ko. But I think, the accident, was quite intentional." Tumingin siya sa malayo.

Nanlalambot ako sa naririnig ko. Alam kong hindi niya magagawa iyon. He didn't even have a car.

"But nah. Who cares. My brother's dead anyway! But the thing is....'di man lang siya nag tagal sa kulungan kahit he's already 18. It should take years, but he only spent months. Sabagay, mapera sila. Kayang-kaya niyang bayaran yon" ngumisi siya.

"Then why don't you just take his brother instead?" Kalmadong sabi ko.

"I tried!" Tumawa siya. "But he doesn't care. But you, he cares for you! That's why I'm taking you instead!" Sigaw niya. Dali-dali siyang lumapit sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng isaksak niya ang patalim sa tagiliran ko. Napahigop ako ng hininga. Hinugot na niya iyon at binitawan na nila ako. Napahawak ako sa tagiliran ko kung saan ako sinaksak. Napaluhod ako sa lupa.

"This won't bring your brother back" nanghihinang sabi ko.

Napangiwi ako ng hawakan niya ang buhok ko para iangat ang tingin ko sa kaniya.

"Ano? Masakit ba?"

"*sshole" madiin kong sabi sa kaniya.

Sinuntok niya ako bigla sa mukha. May naramdaman akong tumulong dugo sa ilong ko. Masakit 'yon pero walang-wala ang sakit non sa tagiliran ko.

"Cover her eyes" utos niya kaya piniringan ulit ako.

"Sa hangging bridge." Nangatog ako sa narinig ko.

Bigla nila akong hinawakan sa braso at hinila kung saan.

"Have a good night!" Dinig kong sigaw nila sa akin. Tinali nila ang kamay ko sa likuran ko at naramdaman kong gumalaw ang hinihigaan ko ngayon. Nakatagilid akong nakahiga dahil ang kamay ko ay na sa likod ko. Wala naman akong makita dahil nakapiring pa rin ako.

Ramdam kong na sa hangging bridge na ako. Nanghihina na ako at tila namamanhid na ang buong katawan ko.

Parang inaantok na ako sa sakit ng saksak sa akin. I hope this will not be the end.

"Trix!"

Unti-unti na akong nawawalan ng malay.

"Trix! Stay with me!"

Sana paggising ko, kung sakaling magigising pa ako, sana ikaw ang una kong makita.




My Sun And His Moon (Clique Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon