Chapter 26

93 4 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY!" sabay-sabay na sigaw namin.

Nagising naman siya sa sigaw namin. May dala kaming cake at may sindi yon.

"Happy birthday to you!" Panimula ni Danice ng kanta.

Umupo naman sa kama si Enzo na kaninang nagising sa kanta namin.

"Happy birthday, happy birthdaaaaaaaay. Haaaappyyyy birthdaaay tooooo youuuu!!" Nagpalakpakan naman kami pagkatapos kumanta.

"Make a wish!" Sabi ko.

Pumikit siya at saka inihipan ang kandila.

"Yeheeeeey!"

"Enzo baba ka na nag handa kami ng malaking breakfast for you." Sabi nila Maicy.

Ngumiti siya. Bakas sa mukha niya na masaya siya.

"Thank you so much guys! Di na sana kayo nag abala. Itong pag punta natin dito sobra na 'to" nakangiting sabi niya.

"Wala yon ano ba!" Sabi nila Troy.

Bumaba na kaming lahat at inasikaso muna namin syempre ang birthday celebrant. At saka kami kumain ng sabay-sabay.

Tinawag naman namin yung driver nila Danice para picturan kami at sumabay na din sa pagkain.

"After this punta tayo sa beach hababg maaga pa, 'di pa masyadong mainit." aya ni Danice.

Sumang-ayon naman ang lahat kay Danice at binilisan namin kumain.

~♡~

Nag simula nang mag picture ang iba. At yung mga lalaki ay nag simula nang maligo.

Tinignan ko ang dagat. Si Danice, Maicy yung tatlong lalaki. Si Missy nag pipicture pa.

Lumingon ako sa paligid.

"Na saan si-" natigil ako nang mahagip ng mata ko si Enzo na nag pipicture.

Gamit niya ang DLSR camera niya. Pangarap niya daw maging sikat na Photograper someday eh. Pero 'di ko pa nakikita ang mga pictures niya na nasa DLSR niya. Sabi niya lahat naman daw ng pictures na kinukuha niya na sa phone niya na daw lahat kaya no need to look doon sa DLSR. Ayaw naman niya ipakita kahit pilitin ko. Ayaw niya din ipahawak kung minsan baka masira daw.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya kumaway siya. Nabalaki naman ako sa earth dahil don at pumunta ng dagat.

Tinignan ko sila na ngayon ay naliligo na. Ang lalakas naman ng loob nilang mag bikini.

"Trixee!" Nagulat ako sa sigaw ni Maicy.

Nakita ko siyang papalapit sa akin.

"Ano?!" Sigaw na bulong ko sa kaniya.

"Ganyan ka maliligo?"

Napatingin ako sa suot ko. Rash guard at short shorts.

"Bakit ok naman ah?" Sabi ko.

"Ok lang yung short shorts mo pero rash guard? Tsk tsk tsk!" Umiling pa siya.

Hinila niya ako pa ahon sa dagat.

"H..hoy san tayo pupunta? Ok na 'to!" Para siyang walang naririnig at hila-hila pa rin ako. Hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.

May hinanap siya sa bag niya at nag halungkat.

"This?" Sabi niya at may pinakita na bra na pang swimming.

"What?! No!" Tanggi ko.

"Ihhh! Bilis na! Sexy ka naman eh. Sadyang balot na balot ka lang!"

"Talaga?" Sabi ko at pinipigilan ang ngiti.

"Tignan mo nga oh. Mas may pwet ka pa kaysa sa akin." Sabay hampas sa pwet ko.

"Aray ha!" Sabi ko.

"Sige na kasi. Naka short shorts ka naman eh!" Pilit niya

"No! 'Di mo ko mapapagsuot ng ganyan!" Sabi ko sa kaniya.

~♡~

"Weeetwiiiiw!"

"Sexy naman pala ni Trixee!!" Sigaw ni Danice.

"Sabi ko sa'yo"

My Sun And His Moon (Clique Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن