Chapter 11

116 4 0
                                    

"Hmmmmm." Pagsangayon ko sa sinabi ni sir Javier.

"So you're saying na half brothers kayo?" Pang-aasar ko.

Napasabunot naman siya.

"Hindi ko nga kapatid ang kumag na yon! Maski half!" Naiinis na sabi niya.

"Eh ano?"

"I'm adopted! Geez!"

Napatigil ako sa sinabi niya. Di ko kasi talaga alam na may kapatid siya.

"Oh you got tattoo? Bawal pa yan ah?"

Naktingin naman ako sa pulsuhan ko na may tattoo.

"Tattoo artist kasi tito ko. Saka malit lang naman 'to." Sabi ko.

"So tama ako?" Sabi niya. "You like my li'l bro? Nakita ko din ang tattoo niya. His tattoo match yours"

Napairap ako sa tanong niya. Binalot na naman kami ng katahimikan.

Pero nawala yon nang may humila sa akin.

"Lorenzo? I thought umuwi ka na" napatayo si sir  nang makita si Enzo.

Hinila ako ni Enzo at iginaya ako papunta sa likod niya habang hawak ang wrist ko.

"Javier? I thought may dadaanan ka pa?" Pag gagaya niya ng tono ni sir kanina.

Napatawa naman si sir.

"Kuya mo ko, you should respect me." Medyo nakangiting sabi ni sir.

Nag-aalala ako sa kanila. Baka bigla sila mag suntukan dito, ako talaga mag re-referee sa kanila. Chos!

"Kuya? Sana maalala mo na ampon ka lang." Mariin na sabi ni Enzo.

Hinawakan ko ang braso niya para mapakalma.

"Let's go" sabi ni sir bigla sabay hatak sa akin.

Madadala sana ako ng hatak ni sir ng hawakan naman ni Enzo ang isa ko pang kamay.

"No, Trix sakin ka sasabay" sabi naman ni Enzo habang nakatingin pa rin kay sir.

Kailangan kong iwasan 'to. Ang awkward ng feeling. Para 'di na rin isipin ni Sir na may gusto ako sa kapatid niya ganto na lang.

"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanila sabay hila ng kamay ko dahilan ng mapabitaw sila.

"Wala akong sasamahan, ok?! Wala akong gustong samahan sa inyong dalawa!" Sabi ko. Kinuha ko na ang bag ko at umalis doon.

~♡~

Haysst. Yung magkapatid na yon! Ginigigil ako.

"Hoy Trixee! Puno na yung cup!" Sabi ni ate Airah.

"Ay ay ay ay ay!" Mabilis kong sabi sabay punas ng natapong kape.

"Alam mo kailangan mo na ng pahinga" dinig kong sabi ni kuya Vince habang pinupunasan ang natapong kape.

"Oo nga, mukhang 'di ka ok eh" -kuya Clark.

Ramdam kong nakatayo silang tatlo sa likod ko habang pinupunasan ang lamesang may kape.

"O nga. Tignan mo, tulala habang nagpupunas." -Kuya Vince.

"Tignan mo pa iisang pwesto lang pinupunasan." Ate Airah.

"Ano ba kayo?! Tignan nyo nga! Nagpupunas pero hindi yung natapon na kape ang pinupunasan." -kuya Clark.

"Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!" Dinig kong sabi nilang tatlo.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now