Chapter 22

84 7 2
                                    

A/N: henlo guys!

Please vote para mas ganahan naman po akong magsulat at mapadalas ang pag UD ko. Char.

Yun lang. Please vote. Thank you! Love ko kayo. HAHAHA

~Calixx

~♡~


Trixee Magaliano's Pov

Nakakatawa lang at meron akong number nila Kent at Troy pero wala ako ng kay Enzo.

'Hello?'

'Trixee? Napatawag ka?' Sabi ni Kent sa kabilang linya.

'Alam mo ba kung na saan si Enzo?'

'Di ko alam eh. Pag-uwi namin 'di namin siya kasabay.'

'Ganon ba? Sige tawag na lang ulit ako.' Pinutol ko na ang tawag.

Nagsimula akong mag-ikot-ikot dito sa lugar habang iniisip kung saan siya pwedeng mapadpad.

Napatingin ako sa orasan ko.

"5:28 pm"

Sa shop! Sa cafe! Baka nandoon siya.

Mabilis akong nagdrive papunta sa cafe na pinagpa-part-time-an ko. Pagdating ko doon ay dali-dali akong pumasok sa loob.

"Welc- Trix?" Nagtatakhang tanong ni kuya Vince.

"No time to explain! Where is he?" Sabi ko.

Bigla namang lumabas sa kusina si kuya Clark.

"Sino siya?" Sabay turo ni kuya Vince kay Clark.

"Huh?" Di niya alam ang pinag-uusapan namin.

"Oh Trix?" Gulat na sabi ni Kuya Clark. "Oooooh!" Napatingin siya sa labas kaya napatingin din ako sa labas akala ko ay siya na.

"Damn! Nice car!" Dagdag pa niya.

"Tsk! Dumaan na ba siya dito?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Sino ba?" Kunot noong tanong ni kuya Vince.

"Yung matangkad na lalaking bastos!"

Tinagilid nila ang ulo nila ng hindi nila mainitindihan.

"Aish! Yung lalaking bibili ta's 1k pera!"

"Ahhhhhh!"

Umiling sila. Magsasalita na sana sila nang umalis na ako.

Sumakay na ako sa kotse at pinaandar yon. Na saan ka bang kupal ka?

Dati pag nag tatampo or nagagalit ka sa akin pumupunta ka lang doon sa park kung saan tayo nag kita noon.

Napapreno ako sa naalala.

"Stupid Trixee!"

Agad akong nag u-turn at pumunta doon sa park na lagi niyang pinupuntahan.

Bumaba agad ako nang makarating doon. Kinalat ko ang paningin ko sa buong parke para makita agad siya. Walang tao ngayon. Nang mapatingin ako sa may pond ay nandoon siya at nakatingin sa mga isda sa pond.

Agad ako tumakbo papunta doon. Nang makalapit ako, mga tatlong halbang kalayo sa kaniya ay sumigaw ako dahil sa galit.

"Lorenzo Dominique Choi!" Galit na sigaw ko kaya napalingon agad siya sa akin.

"Trix?" Kumunot noo niya nang makita ako.

Napanguso ako para pigilan ang iyak ko. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya para yakapin siya.

"Taena ka! Kanina pa kita hinahanap kumag ka!" Sabi ko sa kaniya habang nakayakap. Tinap niya ang ulo ko.

"Ba't kasi 'di mo sinabi agad?" Humiwalay ako sa yakap.

"You didn't give time to explain. Pinalabas mo na lang ako bigla." Inirapan niya ako. Napa-awang ang bibig ko sa ginawa niya.

"So kasalanan ko?" Sinuntok ko ang braso niya. "Ikaw diyan yung nang-iiwan ng walang sali-salita ta's ako syempre mapapatanong ako kung bakit, ano dahilan, kung may nagawa ba ako. Ta's malalaman ko pa sa iba na nakulong ka palang ogag ka" 'di ko na napigilan ang pag-iyak ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Shhh" hinaplos niya ang likod ko.

"But still...." napatingin ako sa sinabi niya. "I can't come close to you anymore." Napahiwalay ako sa yakap niya.

"Bakit?!"

"Mas lalo kang mapapahamak pag malapit o mag kasama tayo."

Biglang may sumagi sa isip ko.

"Dahil ba 'to kay dad?" Walanh emosyon kong sabi.

Napa-iwas siya ng tingin.

"Hindi. It's not what you think. Look, tama ang dad mo. Mas malapit ka sa gulo pag kasama mo ako." He's trying hard to explain.

Napa-iling ako.

"Ayaw mo bang kasama ako? Ayaw mo ba? Kasi kung magkasama tayo mas mapoprotektahan mo ako. Mas mababantayan mo ko."

"I know-"

"Then prove that my dad is wrong!" Naluluha na sabi ko.

Nanggigilid na ang mga luha ko. I can't. I love him very much, and I know he feel the same way.

"No Trix. Masasaktan kita pag mas lalo kang mapapalapit sa akin." Paalis na siya at tinalikuran ako.

Napapikit ako ng mariin at saka tumulo ang kanina pang nanggigilid na luha ko.

"I love you!" Mariin na sigaw ko sa kaniya dahil medyo malayo na siya sa akin.

Napatigil siya dahil sa sinabi ko.

"Please don't leave me like this." Umiiyak na sabi ko.

Humarap siya sa akin at nagulat ako ng umiiyak din pala siya. Tumakbo siya sa akin at pagkalapit niya sa akin ay hinawakan niya ang magkabilaang pisnge ko.

Nanlaki ang mata ko nang may maramdaman akong malambot sa labi ko.  Everything's blurry dahil sa luha ko.

But the only thing that I know is he's infront of me. Nakapikit siya habang may luha sa mga mata.

While his lips touches mine.

Napapikit na lang ako.

Our first kiss. My first kiss. I can't believe na sa taong mahal ko makukuha ang aking unang halik.

Matapos ang ilang segundo ay naghiwalay na ang mga labi namin ay tinignan niya ako.

"I love you too." Mahinang sabi niya, sapat na para marinig ko.

"That's why I can't hurt you. And this is the only way para hindi iyon mangyari." Napasinghot siya.

"Nasasaktan mo na ako ngayon. Masasaktan ako sa paglayo mo."

Pinunasan niya ang mga luha na bumabagsak sa pisnge ko gamit ang thumb niya.

"I love you" pabulong na sabi niya at hinalikan ang noo ko.

At iniwan akong nakatayo dito...

Iniwan na naman niya ako.

My Sun And His Moon (Clique Series #1)Where stories live. Discover now