Chapter 1

2.6K 73 21
                                    

Spoiled brat



"Nica! Ano'ng nangyari sa 'yo at bakit parang nakakita ka ng multo ha, apo?" Mabilis akong dinaluhan ni Lola.


Habol-habol ko pa rin ang hininga dahil sa ginawang pagtakbo. Umupo ako sa sofa na gawa sa Mahogany. Hinagod ko ang aking dibdib dahil hindi pa rin paawat sa pagkabog ang puso ko.


"Nica? A-anong nangyari?" Lumapit na rin si Elie sa amin.


"La, muntik na akong kagatin." Halos maiyak na sumbong ko.


"Kagatin ng anu?" Nagtataka na rin si lola.


Sumiksik ang pinsan kong si Elie sa aking tabi.


"Totoo bang may aswang? Muntik ka na kagatin ng Aswang?" Nahihintakutang bulong niya.


Napatingin kaming lahat sa taong pumasok sa loob ng bahay. Para itong nagmamadali.


"Uy, Tonyo? Bakit ka narito?" Nakataas ang kilay ni Dayday.


"Tonyo, alam mo ba kung anong nangyari sa Apo ko at bakit takot na takot itong umuwi ng bahay? Nica, saan ka galing ha?" Hindi pa rin mapakali si Lola.


Tumingin si Tonyo sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan.


"Natakot yata sa mga alaga naming baka, La. Kaya nga sumunod agad ako rito." Sagot nito kay Lola.


Humagalpak ng tawa si Dayday.


"May baka bang nangangagat? Saan po ba kayo galing maam sa America?" Aniya at muling humalakhak. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Humanda ka sa 'kin mamaya Inday! Sige ipahiya mo pa ako kay Tonyo.


"Apo, hindi nangangagat ang mga baka. Mga mababait silang hayop at kaibigan nila ang mga tao." Paliwanag naman ni Lola sa akin.


"No la, I swear.. they will bite me, I can feel it the way those cows stares at me. And it made me panicked!" Sagot ko.


Muling humagalpak ang bruhang si Dayday. Binaling ko ang tingin kay Tonyo at parang nagpipigil din ito ng ngiti. Bigla akong nanliit. Masyado ko nang pinapahiya ang sarili ko sa kanya. This can't be. Kailangan kong ipakita sa lahat na ang isang Thessalonica Vergara ay matapang at walang kinakatakutan.


"Bakit ka ba kasi napunta roon Apo?" Muling tanong ni Lola.


"Naglakad-lakad lang po." Sagot ko.


"Hayaan mo at bukas sasamahan kayo ni Inday na igala rito sa baranggay natin..Sa ngayon ay kailangan niyo nang magpahinga dahil alam kong pagod kayo sa biyahe." Ani Lola. Tumango kami pareho ni Elie.


"Mabuti nalang at nakita ka ni Tonyo at sinundan ka rito.. hindi pa napapalitan ang ilaw sa kwarto mo. Magpapasuyo nalang ako sa 'yo hijo.. ayos lang ba?" Ani Lola.


"Ayos lang La. Nailipat ko na ang lahat ng baka.. wala naman akong gagawin." Sagot nito. Lihim akong napangiti. Maliban sa napaka-pogi niya ang bait pa. He's always willing to lend a help. Malapit na maging perfect ang lalaking ito.


"Nica hija, samahan mo si Tonyo sa kwarto mo para mapalitan niya na ang ilaw doon. Heto ang flashlight."


Para akong maihi sa sinabi ni Lola. Papasok si Tonyo sa kwarto ko? OMG.


Para akong sinaniban ni Splash at biglang hinaklit kay Lola ang Flashlight.


"Oh Dahan-dahan lang Apo." Utas ni Lola. Napangiwi ako.


Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon