Chapter 21

1.6K 53 20
                                    

Betrayed

"Kailan ka makakauwi sa bahay niyo, Tonyo? Bukas na darating si Mommy at Daddy dahil gusto nilang maabutan ang Graduation ko sa Friday." Kausap ko kay Tonyo sa Video Call.

"Wrong timing ng Graduation mo. Hindi man lang ako makakadalo dahil last day din 'yan ng Internship at Tactical Activity namin." Malungkot na saad niya.

"No, Tonyo. It's okay. Naiintindihan ko. Babawi nalang tayo sa isa't isa after ng Graduation mo. Ang importante ay maipakilala na kita kay Mommy at Daddy." Ngumiti ako.

"Sabado pa ako makakauwi. Ayos lang ba?" Anito.

"That's fixed, then. Babalik naman agad sila Daddy sa Maynila pagka-linggo dahil kailangan nila agad bumalik sa US.. pero next month uuwi ulit sila and I heard they will stay here for almost a month. I hopefully so." Masiglang kwento ko.

"Gano'n ba? Uuwi agad ako sa sabado..." Sagot niya.

Nagpaalam na agad kami sa isa't isa at pinutol ang tawag.

I can't hide the excitement I feel. I missed my parents so much at nandiyan pa sila sa Graduation ko. I'm included in the list of the graduating students with high honors. I didn't expect that, though. Para na ring bonus iyon sa akin dahil ang totoong nagdudulot ng saya sa puso ko ay ang isiping makikilala na ng parents ko ang lalaking nagpapasaya ng labis labis sa akin.

Hindi ko aakalain na siyam na buwan na ang nakalipas nang dumating ako rito sa Iloilo. Mag-iisang taon na pala ako rito at matatapos na rin ang school year at magiging college na ako sa susunod na pasukan.

"Mommy!"

Tinakbo ko ang pagitan namin nang lumabas si Mommy mula sa sasakyan. Agad akong yumakap sa kanya at halos maglambitin.

"My baby! I missed you so much!" Bulalas ni Mommy at hinalikan ako ng ilang beses.

Sumunod akong tumakbo kay Daddy nang makita ito sa likuran namin.

"My princess is now a well grown woman." Komento niya at niyakap ako ng mahigpit. Tumawa ako dahil marami pa siyang sinabi.

Sumunod na yumakap sa kanila ay si Lola. Ngiting-ngiti naman si Dayday habang pinapanood kami at mabilis naman na lumipat ang mga mata niya sa mga pasalubong na dala.

"Hali na kayo. Pumasok na muna kayo at kumain." Ani Lola.

Masaya kaming nag-usap usap na apat sa hapag. Halos ang buong buhay ko rito sa probinsya ang pinag-usapan namin habang kumakain.

"I heard from your lola na.. hmmm." Panunukso ni Daddy.

"Don't worry Dad. Ipapakilala ko rin siya sa inyo. This saturday. I hope you'll like him for me." Nag-puppy eyes ako.

His brow raised on me.

"I can't assure that princess." Tumawa si Daddy kaya napasimangot ako.

Nag-usap pa kami tungkol sa Graduation ko bukas at kung gusto ko raw bang magpakain. Hindi ako pumayag dahil nakakapagod iyon. Ang sinabi ko lang sa kanila ay ipagluluto ako ni Mommy ng mga favorite dishes ko sa sabado dahil iisa lang naman ang bisita ko. And it was Tonyo. My boyfriend.

Lumapit ako kay Dayday na abala sa pagbubukas ng mga pasalubong. Nabibilaukan pa ito dahil punong-puno ng chocolates ang bunganga niya. I rolled my eyes on her.

Kumuha rin ako ng isa at kumain. Kinalabit ko siya at napalingon siya sa akin.

"Alam mo ba kung saan ang Apartment ni Tonyo?" Ngumisi ako.

Nanalaki ang mga mata niya at tiningnan ako ng makahulugan. What the hell is she thinking?

"Wag ka ngang mag-isip ng kung anu! Susunduin ko lang siya sa sabado ng umaga. So, alam mo ba?" Sermon ko sa kanya.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon