Chapter 6

1.6K 40 3
                                    

City of Love



Inabot ako ng mahigit isang oras sa pagpili ng aking susuotin. Isang Floral dress na above the knee ang napili ko at pinaresan ko ng pinakamamahaling brand ng stilettos na nabili ko noong nasa Maynila pa ako.


"Elie, ayaw mo ba talagang sumama? Hindi pa natin nalilibot ang buong Iloilo." Ani ko nang maabutan ang pinsan sa baba.

"Sa Linggo nalang ako Nica. Kay Lola nalang ako sasama." Sagot niya. Tumango nalang ako at nagpaalam na sa kanila ni lola.

Ang sabi sa akin ni Tonyo ay hihintayin ko lang siya rito kaya lumabas na ko ng bahay para abangan siya.

Dumaan ang pampasaherong bus at punuan iyon. Napangiwi ako nang makita ang ilang pasahero na nagtatayuan dahil wala ng space sa upuan. How can I make it? Hindi ko kakayaning tumayo habang tumatakbo ang bus. Mataas pa naman ang takong ng stilettos ko.

May tumigil na isang motorcycle rider sa aking harapan. I made a bad facial expression. Bakit sa harap ko pa ito tumigil?

Tinanggal nito ang suot na helmet. Napaatras ako nang mapagtantong si Tonyo iyon. My eyes widened while looking at him. He's wearing a rubber shoes, pants and leather jacket. May suot din siyang rider gloves. Inilagay nito sa kandungan ang helmet. His thick eye brow raised when his eyes darted on me.

"Ganyan ba talaga ang susuotin mo?" Kunot noong tanong niya.

I cleared my throat. I'm still dazed.

"Yeah.. Why?" Takang sagot ko.

"Wala lang." Sagot niya at tumingin sa likuran ko. "Lola, alis na po kami." Paalam nito.

"Mag-ingat kayong dalawa." Bilin ni Lola.

Nilingon ko si Lola at nginitian.

"Nica, ice cream 'yong akin ha. Tsaka chocolate na rin 'yong cudburry dairy milk, kitkat at toblerone. Chickenjoy pa at burger." Sigaw ni Dayday. Narinig ko pang tumawa si Elie.


"Okay!" Sagot ko at tumalon talon siya sa labis na tuwa. Hindi ko naman iyon bibilhin 'no! Manigas siya!

"Isuot mo." Aniya at ibinigay sa akin ang kulay puting helmet.

"Tonyo.. are you really sure we will ride using your motorcycle? I mean, isn't it cautious?" Nag-aalangan ako.

"Ito 'yong ginagamit ko kapag pumapasok ako araw-araw. Sanay na ako sa paggamit nito kaya walang kang dapat ikatakot. May lisensya na ako." Paliwanag niya.

Tumango ako at isinuot ang helmet. Now, I don't even know how to hop in his back.

"Paano ba ako sasakay diyan? I saw people riding motorcycle but it's my first time." Maagap kong paliwanag.

Tinuro nito ang upuan sa likuran niya.

"Umupo ka lang dito at magpakabait. Gano'n lang kasimple." Aniya.

Ang taas naman kasi ng motor niya. Paano ako makakasampa nito? Lumapit ako sa kanya at kumapit sa balikat niya para makasampa sa upuan. Nahirapan pa ako bago nakaupo ng maayos.

"Sigurado ka bang ganyan na ang posisyon mo?" Tanong nito sa akin.

"Yeah... I'm comfortable with this." Sang-ayon ko nalang dahil hindi ko naman alam kung anu pa ba ang ibang posisyon sa pagsakay sa motorsiklo.

Umandar ang makina ng motor at tumakbo iyon. Napatili ako dahil hinihipan ng hangin ang palda ng aking dress. Mabilis ko iyong inipit sa aking mga paa at muntikan pa akong mahulog kaya kumapit ako sa balikat ni Tonyo.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now