Chapter 2

2K 63 32
                                    

First Love


Tumigil kami sa isang mayabong na puno. Sa ilalim nito ay may mahabang upuan na kahoy.


"Umupo ka." Utos niya sa akin. Mabilis naman akong sumunod.


Sa gilid ng upuan ay may umaagos na malinis na tubig mula sa biyak na kawayan.


"Hugasan mo ang sugat mo." Aniya at tinuro sa akin ang tubig. Nag-alinlangan ako. "Wag ka mag-alala. Malinis 'yang tubig mula 'yan sa bundok." Dagdag niya kaya sumunod nalang ako.


Lumuhod ito sa harap ko pagkatapos kong hugasan ang aking palad. Tiniis ko ang hapdi at hindi iyon pinahalata sa kanya. Pinunit nito ang dulo ng suot na t-shirt at tinali sa palad kong nasugatan.


"I'm sorry. Nasayang tuloy 'yong damit mo." Ani ko na hindi niya sinagot.


"Bakit ka ba nakarating dito sa Rancho namin?" Tanong niya.


"I have told you a while ago.. I'm bored. Gumala na kami kasama si Dayday doon sa mini plaza ng baranggay at nakarating na kami sa hanging bridge pero nabitin ako kaya naglakad-lakad pa rin ako hanggang sa nakarating ako rito." Kwento ko.


His lips twitched for a moment. Tumayo siya.


"Tonyo, nag-aaral ka pa ba? Ilang taon ka na?" Kahit alam ko na mula kay Dayday ang sagot ay gusto ko pa rin sa kanya mismo marinig iyon.


"Oo. Graduating. 21 na ako." Tipid na sagot niya. Hindi siya naabutan ng K-12 kaya siguro mas maaga siyang makakagraduate sa murang edad.


"Graduating? in college?" Paninigurado ko.


"Oo." Sagot niya.


"What course?" Patuloy ko.


"Crim." Sagot niya.


Tumaas ang kilay ko. Gusto ko pa naman sanang gayahin ang kurso niya pero hindi ko iyon kaya.


"Gusto mo maging police?"


"Sundalo." Pagtatama niya.


"Then why did you take Criminology?" Nagtataka lang ako.


"Pwede ka ring maging sundalo kahit Criminology ang kurso." Paliwanag niya.


Tumango ako. Gusto kong humagikhik dahil humahaba na ang usapan namin. Hindi ko nanaman maiwasang kiligin.


"Ashton! Sino iyang kasama mo?!"


Napatayo ako nang may dumating na isang may edad na babae at isang lalaki na kaedad lang din ni Tonyo. Napansin kong nakangisi ang lalaki.


Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now