Chapter 28

1.7K 51 16
                                    


Hindi ako mapakali habang nasa loob na kami ng sasakyan at bumibiyahe papunta sa bahay nila Tonyo. I looked down and played my sweating fingers..

Abala si Tonyo sa pagmamaneho ng sasakyan at sa kakatingin sa GPS nito. Hindi ko alam kung bakit gumagamit pa siya no'n gayong saulado niya naman ang daan.

"Sa iyo na ba ang sasakyan na 'to? Kailan mo binili?" Tanong ko.

"Noong dumating ako rito. Hindi pa 'to bayad.. kalahati pa lang ang nabayaran ko." Sagot niya.

Tumango ako. "You've paid for the half amount? I'm so proud.."

"Pinag-ipunan ko 'to ng matagal. Pagkatapos kong mabayaran 'to, ipapa-renovate ko ang bahay natin." Sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Ayos lang ba kung doon pa rin tayo titira? Kung gusto mo maghahanap nalang tayo ng bahay na mas malapit sa City?" Tumingin siya sa akin.

"No. Mas gusto ko roon pero... talaga bang magsasam na tayo sa iisang bahay?" Bigla akong naexcite sa sinabi.

"Hindi pa ngayon. Paghahandaan pa lang natin. May mga pangarap ka pa na dapat mo ring unahin.. After married, magsasama na tayo sa iisang bahay." He explained.

Napasimangot ako pero sumang-ayon naman. He's right. May mga pangarap at responsibilidad pa akong kailangan unahin sa buhay. I wan't to graduate and pass the Licensure Examination. Hindi ko alam kung magtuturo ako pero pag-aaralan ko nalang siguro ang business namin. Kung mahirap talaga mag-aaral nalang ulit ako ng business related course kahit 'yong dalawang taon lang.

"Kailangan ko palang pag-aralan ang business namin..walang ibang mag-mamana no'n kundi ako." Bigla akong nalungkot habang naiisip kung anong buhay ba ang naghihintay sa akin sa kasalukuyan.

"Mag-iibang bansa ka kung gano'n?" His brows furrowed when he said it.

"No, hanggang Manila lang ako." Pagtatama ko.

Tumango siya at muling tumingin sa kalsada. Tumunog ang cellphone nito at sinagot niya gamit ang isang kamay.

"Cap? Bakit?" Kumunot ang noo nito. "Opo. Martes po ang balik ko. Bakit? Gano'n ba? Sige. Copy, salamat Sir."

Tumingin ako sa kanya ng nagtataka.

"Is there something wrong?" I asked.

"Kailangan ko raw bumalik sa Lunes." Sagot niya.

"Gano'n ba? Wala ba kayong kalaban doon? How about ambush? Hindi ba kayo natatakot?"

"Wag kang mag-overthink ng kung anu-ano. Tahimik kami doon sa barracks. Nasa Cebu lang ako at hindi sa Mindanao.. doon ang delikado at magulo." Paliwanag nito.

"I hope they won't assign you in Mindanao. I will really freak out if it would happen." Sumimangot ako.

Tumawa siya sa sinabi ko. What funny with it? Hindi ba siya takot mamatay?

"Hindi tayo sure. Kapag naging Captain na ako, baka roon ang punta ko." Muli siyang tumawa.

"What? No! Ayoko babe.."

"Thessa, Sundalo ako. Iyon ang trabaho namin. Kapag naging sundalo ka, hindi mo iisipin kung kailan ka mamamatay.. Ang mahalaga sa amin ay ang protektahan ang mga tao at ang bayan natin."

I didn't answer and looked away. Maybe, I'm just overthinking things. Hindi ko kasi mapigilan ang mag-alala at matakot para sa kanya.

"Bakit mo ba iniisip na mapapahamak ako? Gusto mo ba 'yon? Kapag daw iniisip, iyon ang mangyayari e." Aniya at humawak pa sa panga nito na parang nag-iisip ng malalim.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora