Chapter 20

1.7K 55 20
                                    

Blurry days




Mahigit limang buwan na ang lumipas nang nagsimula ang klase. Limang buwan na rin kaming magkasintahan ni Tonyo at sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo ko siyang minamahal. Hindi man kami palagi nagkikita, hindi iyon naging dahilan upang mawala ang nararamdaman ko sa kanya.

He's a graduating this year and I understand his hectic schedule. I know what to prioritize first... ayokong maramdaman niya na hadlang sa pag-aaral namin ang aming relasyon. Ginawa ko rin ang lahat para maging maayos ang acads performance ko sa Grade 12. Gusto kong ipakita kay Tonyo na nag-aaral din ako ng mabuti katulad niya.

Noong unang buwan ng klase ay umuuwi agad si Tonyo kapag biyernes ng hapon at agad akong pinupuntahan sa bahay, tuwing sabado at linggo ay nagkikita pa rin kami. Namamasyal sa Rancho, Manonood ng movie sa bahay at minsan ay namamasyal sa bayan at siyudad.

Umiba iyon nang nagkaroon sila ng mga sunod-sunod na Tactical Activities sa labas at loob ng University. Minsan ay linggo na siya nakakauwi at agad naman bumabalik kinahapunan. Mag-uusap lamang kami ng konti at ilang linggo nanaman ang hihintayin ko bago kami muling magkikita.

As much as I can handle the mature mindset of being in a relationship with the person I love.. gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Pasensya at pag-uunawa ang dapat ko munang pairalin. Iisipin ko nalang na hindi naman ganito sa lahat ng oras.

Nasa loob lamang ako ng bahay habang kandong si Fluffy. Malaki na siya at sobrang ingay niya tuwing nakikita niyang may kinakain ako. Hinagod-hagod ko ang balahibo niya habang wala sa sariling nanonood ng Tv. Hindi ngayon makakauwi si Tonyo dahil marami raw silang kailangan gawin.. ayos lang naman. It's all about school matters and his studies kaya wala iyong problema sa akin.

"Nica! Nica! Nakita mo na ba 'to? Nadaanan ko lang sa News feed ko ngayon." Napatingin ako kay Dayday dahil nagmamadali itong lumapit sa akin bitbit ang Cellphone nito.

"What was that?" Tumaas ang kilay ko.

"Tingnan mo nalang. Hindi ba kayo friends ni Ryzeleang maarte sa facebook?" Aniya.

Bigla akong nataranta at kinabahan nang marinig ang pangalan ng firstlove ni Tonyo. Hinablot ko ang cellphone ni Dayday at agad iyong tiningnan.

Bigla akong nanlamig nang mabasa ang caption nito sa pinost na litrato. It was posted yesterday around seven in the evening. Nasa loob siya ng isang apartment at nakapatong ang kanyang paa sa upuan.. Ang kanyang legs lamang ang makikita sa litrato at sinadya niyang dalhin sa litrato ang nakatalikod na lalaki na nakaupo sa upuan sa harap ng study table.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil si Tonyo ang lalaking iyon. What the hell are they doing? Bakit nandoon si Ryzelea sa Apartment nila?

Ashton's Crib<3

Iyon ang kanyang caption. Napansin ko ang nga comments kaya agad ko iyong tiningnan

Uy! Anong ginagawa nio jan? Hmmm..

I smell something. Comeback na ba ulit?

I thought he has a girlfriend? Baka pagselosan ka non gurl.

Nanliit ang mga mata ko nang makita ang kaisa-isahang reply ni Ryzelea sa lahat ng mga comments.

Edi magselos siya.
Pakealam ko? Char:)

Laglag ang balikat na ibinalik ko kay Dayday ang cellphone niya.

"Kapal ng mukha 'no? Alam niyang may girlfriend 'yong tao magpopost pa ng 'at Ashton's crib'  bobo talaga! Pucha!" Utas ni Dayday.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now