Chapter 19

1.6K 53 18
                                    

Masasayang araw



Gaya ng sinabi ni Tonyo, gumawa nga siya ng malapad na mesa na gawa sa mahogany nang sumunod na linggo. Maaga pa siya sa bahay upang hakutin ang mga kahoy mula sa kanila. At tulad ng sinabi niya, doon nga niya iyon itinayo sa ilalim ng puno ng mangga sa bakuran.

"Pumupunta pa rin ba si Mat dito?" Tanong niya sa akin habang sinusukat ang mga kahoy. Nasa harap niya lang ako at pinapanood lamang siya.

"Most likely, Yeah. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang pabalik balik dito." Sagot ko.

Makalipas lang ang isang araw ay bumabalik nanaman siya rito upang humingi sa akin ng numero ni Elie. Maging ako ay hindi pa nakausap si Elie mula ng umalis siya. Kahit ang mga social media accounts nito ay deactivated lahat at unattended na ang number niya na meron ako. Wala naman akong contact kay tita Elena kaya hindi ko alam kung anu na ang nangyari sa kanya. Sinabi lang ni Mommy sa akin kagabi nang nagkausap kami na nakabalik na raw doon si Elie.

"Hinahanap pa rin ang pinsan mo?" Tumingala si Tonyo sa akin.

Nakasuot siya ng navy blue khaki short at pambahay na tshirt na sinadya pang tinanggal ang sleeve nito. I can't understand his reason of doing that. Para ipakita ang muscles niya gano'n ba 'yon?

"Yeah, alam mo, kung may alam lang sana ako.. sasabihin ko ang lahat sa kaibigan mo, pero wala e. Hindi na nagparamdam si Elie sa akin." Bigla akong nalungkot. Sa totoo lang ay nanibago ako nang umalis si Elie at bumalik ng Maynila. Si Dayday nalang palagi ang nakakausap ko kapag nasa bahay.

"Kaya pala hindi siya pumapasok sa klase.." Ani Tonyo.

Nanlaki ang mga mata ko. Magkaklase pala sila?

"Magkaklase pala kayo? Crim Student din pala siya?" Tanong ko.

Tumango si Tonyo sa akin habang tutok sa ginagawa.

"Nasaan pala si Axel? Bakit hindi ko na siya nakikita rito?" Tanong ko nang maalalang halos isang buwan ko ng hindi nakikita ang pinsan niya.

"Umuwi na sa kanila. Tuwing summer lang siya nandito." Sagot ni Tonyo.

"Uh-huh? He's not living here? Kaya pala.." Utas ko.

"Sa City ang bahay nila.." Dagdag ni Tonyo.

"Magkaklase rin kayo ni Axel? Crim din siya kung gano'n?"

Umangat ang tingin niya sa akin. He arched his brow while looking at me. Tinaasan ko rin siya ng kilay.


"Bakit ang dami mong tanong tungkol sa pinsan ko?" Parang naiirita niyang sinabi.

"Why? What's wrong? I'm not even allowed to ask? I'm just curios.." Inirapan ko siya.

Bumuntong hininga ito bago nagsalita.

"Hindi kami Magkaklase. Political Science ang kurso niya.. gusto niya raw kumuha ng law kapag naka graduate, kung hindi papalarin papasok nalang din siya sa Philippine Army." Kwento niya. Sasagot naman pala, magpapakipot pa. Hmmp!

"Okay..." Maarte kong sinabi.

Hindi na siya muling nagsalita at nagpatuloy na sa ginagawa.


"Gusto kong tumulong.. We are supposed to be helping each other, anong maitutulong ko Tonyo?" Utas ko nang mapansing nag-iisip siya ng malalim sa ginagawa.

"Maupo ka lang diyan." Sagot niya kaya napasimangot ako.

"Bakit ayaw mo akong tumulong?" Ani ko.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin