Chapter 4

1.8K 58 33
                                    

Hi. Today is Maunday Thursday and tommorrow is Holy Friday. I hope everyone are safe and observing with special solemnity and devotion to the passion of our lord Jesus Christ. Don't forget to repent and pray to God to send us his healing power and to the world so that this Pandemic will end soon. Have a Blessed Holy week everyone.


Stay away

Sobrang aga kong nagising kinabukasan. Hindi ko alam kung nakatulog nga ako ng maayos. Bumaba ako sa kusina at nag-umpisa nang magluto. Aside from online shopping and malling.... Cooking and baking are also one of my habits when I was in Manila.


Mabuti nalang at magaling si Yaya kaya natuturuan niya ako. Sayang nga lang at walang oven dito kaya hindi ako makapag-bake. Pancake, Sunny side up egg, Spam, Bacon and Fried rice ang niluto ko. Kagabi ko pa natapos gawin ang Leche flan at nilagay ko na muna iyon sa ref bilang dessert. Iyon lang kasi ang pwede kong magawa dahil iyon lang ang mga stock dito ni lola.


Maingat kong isinalin isa-isa ang lahat ng pagkain sa mga tupperware. Nag-hiwa ako ng carrots, patatas at onion leaves bilang palamuti sa ibabaw ng pagkain. Ngumiti ako nang matapos kong maihanda ang lahat.


Naligo ako nang matapos na ang lahat. Halos maubos ko ang shower gel at shampoo sa paulit-ulit na paglalagay nito habang naliligo. Ang huling lagay ko ay hindi ko na masyado binanlawan para hindi mawala ang bango. Just kidding!


Isinuot ko ang kakabili ko lang na off shoulder white dress bago ako bumiyahe pauwi rito. Lagpas ito hanggang tuhod. Nag-suot ako ng pink boots bilang proteksyon na hindi makagat ng ahas ang paa ko.
Naglagay ako ng manipis na blush on at pabango bago bumaba.


"Naks. Babaeng marangal! Ang bango natin ah?" Pambungad sa akin ni Dayday.


Inirapan ko siya at lumapit kay lola upang humalik sa pisngi nito.


"Oh apo, ang aga mo namang nagising para magluto. Aalis ka na?" Ani lola.


"Yes La. Gusto kong pag-aralan ang pag-aani at pagtatanim ng mga halaman because I was interested of them." Napangiwi ako sa palusot na naimbento. Wala naman talaga akong interes sa pagtatanim. Pupunta lang talaga ako roon para makasama si Tonyo.


"Ikaw yata ang nagmana sa lolo mo Apo. Ang daddy mo walang hilig sa pagtatanim kaya nagsumikap para makatayo ng negosyo sa siyudad pero ikaw kabaliktaran."


I softly laughed. Nakokonsensya akong napaniwala ko si Lola sa acting skill ko. Gosh!


"Nica, sino po ang sumampal sa pisngi mo at bakit namumula? At sa taniman po ang punta mo bakit off shoulder dress ang suot mo?" Muli nanamang komento ni Dayday.


I raised my eyebrow and looked at her intensely.


"Dayday.. for your information, this is what you call fashion. Ikaw, wala kang ka fashion-fashion sa katawan kaya hindi ka crush ng crush mo." Panunuya ko sa kanya.


"Gano'n ba? Eh, ikaw? crush ka ba ng crush mo?" Sagot niya. Natigilan ako. Crush ko si Tonyo, I admit it. Ako kaya? Crush niya rin kaya ako?

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now