Chapter 29

1.8K 52 33
                                    

This is not the last chapter but thank you for reaching here this far. :)


Hindrance


"Nagulat ako sa inyong dalawa ng pinsan ko, akalain mo 'yon? Grabe. Sana all may comeback." Pang-aasar ni Axel sa akin, naiwan kaming dalawa sa loob ng bahay dahil kinausap ni Tonyo si Ryzelea sa labas.

Ngumiti ako sa kanya at medyo nahihiya pa.

"Unexpected." Sagot ko.

Sumilip ako sa bintana upang tingnan kung tapos na ba silang mag-usap pero napansin kong nakayuko pa rin si Ryzelea habang nag-sasalita si Tonyo. What are they talking? Naningkit ang mga mata ko.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang mapansin si Axel na sumisilip din sa tabi ko. He glanced at me and smile.

"Narinig mo ba? Ang layo kasi nila.." Bulong niya.

Tumaas ang kilay ko. Napaka-tsismoso naman nitong pinsan ni Tonyo. Sundalo ba talaga 'to? Kaya siguro bigla nalang din naging madaldal si Tonyo dahil nahawa na ito sa pinsan niya.

"I don't know, Well, I don't care though. Mukhang kailangan nga nilang mag-usap." Sagot ko at umupo nalang.

"Selos ka yata e," Utas niya at bumalik na rin sa upuan nito.

"No, I'm just curious if what are they talking. Tatanungin ko nalang mamaya si Tonyo."


"'Wag kang mag-alala Ms. Nica, loyal ang gagong 'yan sa 'yo. Walang araw na hindi ka niyan naiisip simula ng training hanggang sa nagkaroon na siya ng mataas na rangko."

Halos mamula ako sa narinig mula kay Axel. Hindi naman niya siguro pinagtitripan ang pinsan niya 'no?


Pagkatapos nilang mag-usap ni Ryzelea ay mag-isa nalang si Tonyo na bumalik sa loob ng bahay at umuwi na raw si Ryzelea. Gusto ko sana agad tanungin si Tonyo kung ano ang pinag-usapan nila pero hindi ko nalang tinuloy dahil nandiyan pa ang mama at papa niya.

Nag-paalam naman agad kaming umalis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Are we going back home? Masyado pa namang maaga.

He was wearing a navy blue plain shirt, maong pants and rubber shoes. May itim rin na back pack siyang ipinasok sa back seat ng sasakyan.

"What's that babe?" Tanong ko.

"Damit, doon ako matutulog sa inyo hanggang linggo." Sagot niya at pinaandar na ang makina ng sasakyan.

I playfully smile. That's a good choice, edi dalawang araw pa pala kaming mag-sasama?

"Uuwi na ba tayo? Masyado pang maaga..."

"Bakit? Ayaw mo pa bang umuwi sa inyo? Gusto mo tuluyan nalang kitang iuwi sa amin?" Ngumiti siya at pinaningkitan ako ng mata. Hinintay niyang kiligin ako pero inirapan ko siya at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang ngiti.

"Cute but I can't stop laughing.." Tumawa ako. "Try harder, babe." Hamon ko sa kanya.

He just smirked and pay his attention on the road looking so embarassed. Mas lalo akong tumawa.

"Kapag hindi ka tumigil sa pagtawa, I will fuck you inside this car." Banta niya.

Namilog ang mga mata ko at napatutop sa aking labi.

"Ang bastos mo," Singhal ko sa kanya.

Siya naman ngayon ang tumawa.

"Akala ko hindi ka pa titigil? Tumawa ka pa!" He mocked me so I hit him in his right arm.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now