Wakas

2.8K 65 36
                                    

Final Chapter


"Ms. Thessalonica, are you done with your tasks? I need the report right now. Please, submit it in my office." Nataranta ako nang lumapit si Mrs. Vernade sa cubicle ko. Siya ang Branch manager ng company namin dito sa Iloilo.



"I'm still working on it, ma'am. Malapit na po matapos." Nahihiyang sagot ko.


"Gad! What a slow progress! Okay, kapag natapos mo, dalhin mo agad sa office ko." Aniya at masungit akong tinalikuran.


"Sure ma'am. Thank you po," Ngumiti ako ng alanganin.

Mabilis kong tinapos ang ginagawang report at presentation tungkol sa mga products na kakadeliver lang galing Manila. Naiinis akong isipin na inuutos-utusan lang ng mga empleyado nila Daddy ang magiging future CEO ng Company na pinagtatrabahuan nila.


I have to deal with this. I have an agreement with my parents. Para raw tuluyan nila akong pakawalan at ipakasal kay Tonyo ay kailangan ko munang unahin ang kompanya. Kailangan kong pag-aralan kung paano patakbuhin ang business namin. I am the only one heiress of VRGA Inc., kaya kailangan kong pag-daanan ang lahat ng ito.



Ang malas ko lang dahil simula noong bata pa ako ay hindi ako nakialam o nagka-interes man lang na bisitahin ang Company namin. Hindi tuloy ako kilala ng mga empleyado at member of the board kaya ang dali lang na nasunod ang lahat ng gusto ni Dad.



I have to start from the lowest position para raw mas malaman ko  kung paano patakbuhin ang negosyo. They are right, though. Wala naman akong kaalam-alam sa business para maging member of the board agad.. and this is what happened to me right now, nag-papanggap bilang ultimo na empleyado at inuutos-utusan lang ng may mga matataas na posisyon.

Hindi ko rin pwede sabihin sa mga tao rito na anak ako ng CEO dahil parte iyon sa kasunduan namin ni Daddy. I was just thankful, dahil may branch na kami rito sa Iloilo. The main office was still in Manila. Hindi ko na kailangan lumayo kay Tonyo dahil meron na kaming branch dito. Minsan kapag nagkikita kami rito nila Daddy at Mommy ay hindi man lang kami nagpapansinan dahil sa pagpapanggap namin. I feel so annoyed.


I went to the office of Mrs. Vernade to submit the report and presentation about the company's products and stock.


Bumalik ako sa cubicle at kinuha ang cellphone para mag-reply sa message ng boyfriend ko. He's still in a vacation right now. Dalawang buwan ang bakasyon niya bago siya sasabak muli sa misyon.

AshtonYohenzous: wag mag skip ng lunch babe



Ngumiti ako sa message niya sa IG.


Iamthsslnca: Done :) hbu?


AshtonYohenzous: Anong hbu


Iamthsslnca: it means 'how about u' para kang hindi millenial!


AshtonYohenzous: ah oo tapos na. Susunduin kita mamaya sa office mo


Iamthsslnca: okay. Take care love you

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now