Chapter 3

1.8K 55 29
                                    

Tanga ka ba?



Natapos ang laro sa 4th quarter at ang Team nga nila Tonyo ang nanalo. Nakisali na ako sa sigawan at hiyawan nila Dayday at ng ilan pang kababaihan sa paligid. Si Elie lamang ang tahimik sa amin. Ang nakalaban naman kanina nina Dayday na mga babae ay panay na lamang ang irap sa gawi namin.


Hindi ko alam kung lalapitan ko ba ang grupo nila tonyo dahil nag-uusap sila at nagpupunas ng pawis. Nasa gilid nila ang first love raw ni tonyo. Mukhang bagot na bagot at nakasimangot.


Napansin kong humiwalay sila ni tonyo sa mga kasama at nag-usap sa gilid ng tindahan. What are they talking hmm? I'm so curious.


"Guys, bibili lang ako ng drinks natin ha." Paalam ko sa kanila at nagmadaling tumungo sa tindahan.


Hindi napansin ni Tonyo ang pagdating ko. Napasimangot ako nang masilayan ang ngiti nito habang kausap ang babae. Sana kapag magkausap tayo ganyan ka rin Tonyo.


"Hija, may bibilhin po ba kayo?" Anang babae na nagbabantay.


Humarap ako sa babae pero ang atensyon ko ay kina Tonyo pa rin.


"Uhmm. Drinks po Tita? Anong available?" Tanong ko at pasimpleng sumulyap kay Tonyo.


"Lea, Free ka na ba sa linggo?" Masigla ang boses nito.


"I-I don't know." Malamyos at mahinhin ang boses ng babae.


"Bakit?" Ani Tonyo.


"Coke at juice lang ang malamig hija." Sagot ng tindera.


"Can I have one case of coke?" Ani ko at muling nakinig.


"Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko Ashton. Hindi mo pa rin ako mapipilit, bahala ka riyan." Naiirita ang babae.


"Gano'n ba? Sana magbago pa isip mo." Bakas ang lungkot sa boses ni Tonyo.


"Gusto mo akong yayaing lumabas at pumunta ng city mabuti sana kung may sasakyan ka. Motorsiklo pa rin? Ang init init ng panahon. At maliligo tayo sa Alikabok. Matagal ko na kasing sinasabi sa 'yo na magpabili ka sa papa mo ng sasakyan. Meron kayong rancho, malawak ang lupain ng pamilya niyo at... Baranggay Captain pa si tito. Siguradong bibilhan ko no'n kung hihingi ka." Ani ng babae. Tumaas ang kilay ko.


I can't believe it. Iyon ang ugali ng babaeng mahal ni Tonyo? I don't judge people but... yeah I just said I don't judge. 'Wag mo na ituloy Nica.


"Isang kaha hija? Ang dami naman." Manghang sabi ng tindera.


"Huh? Ah... opo, nauuhaw kasi ang mga kasama ko. Ang lakas kasi ng sigaw at palakpak nila kanina." Ngumiti ako.


"Ang ganda mo namang babae. Bago ka ba rito?" Ngumiti ang tindera.


"Noong nakaraang araw pa po ako dumating dito." Sagot ko.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now