Chapter 12

1.5K 55 28
                                    

Hindi sinasadya



"Bakit ang konti ng kinakain mo Fenny? Diet ka ba?" Binuhat ko si Fenny at tinitigan ang mukha nito. Napakaamo at napaka-inosente tingnan.


Si Fluffy naman ay abala sa pagkain. Ngumiti ako. Gusto ko silang ipasyal. Nagpaturo na ako kanina kay Dayday ng direksyon patungo sa Matugnaw Falls. Hindi naman ito kalayuan mula sa bahay pero kailangan pa rin lakarin iyon.


Iniwan ko muna saglit sina Fenny at Fluffy para makapag-bihis at nagpalit na rin ako ng tsenilas. Kinuha ko ang basket na tinahian ni lola ng unan noong isang araw. Ginawa niya iyon para raw may paglalagyan ako kina Fenny at Fluffy kapag gusto ko silang ipasyal.


Kamusta na kaya si Tonyo? He's still broken hearted, I think? Ayaw niya namang samahan ako kaya ako nalang muna mag-isa ang mamamasyal. Kailangan niya rin siguro munang mapag-isa.


Sinunod ko ang direksyon na tinuro sa akin ni Dayday. Nakarating ako sa maliit na daan na napapalibutan ng mga halaman at puno. Ito na siguro ang sinasabi niyang gubat at sa dulo raw nito ang Matugnaw Falls.


Bitbit ko ang basket kung saan nasa loob si Fluffy at Fenny. I hope I won't see a snake here. I rolled my eyes and ignore the thoughts I'm thinking. Nilalakihan ko ang hakbang at deretso lang na sinunod ang masukal at maliit na daan.


I almost jump because of too much excitement when I hear the sound of the falls. Malakas ang paglagaslas ng tubig, tiningnan ko iyon sa ilalim at may madadaanan muna akong medyo mababang bangin bago ako makarating doon.


Dahan dahan akong bumaba at umapak sa mga malalaking bato. This is it. I've never been in this place in my entire life. Beach at swimming pool lang ang napuntahan ko at mas kakaiba pala talaga ang pakiramdam sa mga ganitong lugar.


Napatili ako nang bigla akong nadulas. Tumama ang pwet ko sa malambot na halaman at nabitawan ko ang dalang basket. Hindi ko na pinansin ang sakit ng pagkakabagsak ko at agad na pinulot ang basket. Nasa loob pa rin ang dalawang pusa.


"I'm sorry babies.. I'll be more extra careful." Ani ko. Nakatingin lamang silang dalawa sa akin.


Inilapag ko sa lupa sa harap ng umaagos na tubig ang basket. Hinubad ko ang suot na tsenilas at inulusong ang paa ko sa tubig.


"Damn. Its so cold!"


Ang sarap tuloy maligo. Sana pala nagdala nalang ako ng damit. Tumingala ako sa itaas. Mataas ang pinagmulan ng tubig kaya maingay ang pagbagsak at pag-agos ng tubig.


My lips formed an O after seeing a bunch of Orchids hanging on the tree. Nakadikit ito sa itaas ng puno na parang nakasabit sa mga sanga nito. Kulay violet ang kulay ng mga 'yon. This place never failed of showing me an amazing surprises.


"Di ba sinabi kong 'wag kang pumunta rito?"


Napasigaw ako sa gulat dahil sa narinig na boses. Muntik pa akong mahulog sa tubig nang makita si Tonyo na nakatayo sa likuran ko. Nakapatong ito sa mataas na bato kaya nakatingala ako sa kanya.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now