Chapter 15

1.7K 51 12
                                    

Doubt

Nagising ako kinaumagahan na sumasakit ang ulo. Nahirapan akong makatulog kagabi at dahil na rin sa mas lalong lumakas na ulan.


Sinilip ko sa bintana ang labas at nadismaya ako nang makitang malakas pa rin ang ulan.

Inayos ko ang sarili at lumabas na ng kwarto ko. I suddenly stopped when I saw the door of Tonyo's room. Was he still here? Malakas pa rin ang ulan at baka nasa baba na siya.


Mabilis akong bumaba papuntang kusina at naabutan ko si Elie at Dayday na naghahanda na sa Mesa.


"Morning, Si Tonyo umuwi na?" Tanong ko sa kanila.


"Kanina pa siya umuwi. Inabot daw kasi ng baha ang dulo ng rancho nila kaya napilitan siyang umuwi." Sagot ni Elie. Bigla akong nalungkot.


"Nica, tingnan mo si Fenny.." Sigaw ni Dayday.


Tumakbo kaming dalawa ni Elie patungo kay Dayday. Bigla akong nanlamig nang makita si Fenny na nakahiga at hindi na gumagalaw.


"Mukhang hindi na humihinga si Fenny. Kawawa naman." Ani Dayday.


"Anu ba Dayday? She's breathing, can't you see? 'Wag ka ngang magbiro ng ganyan.." Ani ko at hinawakan si Fenny. Bumuhos ang luha ko nang maramdaman kong malamig na ang kanyang katawan.


"Dadalhin pa namin siya sa Vet ngayon.." Hikbi ko.


Tinapik ni Elie ang likuran ko.


"Akala ko magaling na siya kanina dahil nang pinainom siya ni Tonyo ng gatas uminom naman siya," Ani Dayday.


Mas lalo akong napaiyak habang naiisip na uminom pa pala siya ng gatas kanina.


"You're unfair Fenny. Hindi mo man lang ako hinintay na magising bago ka namaalam." Ani ko sa pagitan ng pag-iyak.


Nanlabo ang mga mata ko sa luha habang pinapanood si Fluffy na inaamoy ang kapatid. Napatakip ako sa aking mukha at umiyak.


"Tama na 'yan, Nica. Hanggang dito lang talaga siguro si Fenny." Alo naman ni Elie sa akin.


Napamahal na silang dalawa sa akin. Palagi ko silang sinasama tuwing namamasyal ako. Sila palagi ang unang pinupuntahan ko pagkagising ko sa umaga. Mas lalong sumikip ang dibdib ko habang iniisip ang mga araw na inaalagaan ko sila simula nang matagpuan namin sila ni Tonyo sa taniman nila.


Nalungkot din si Lola nang mabalitaan ang pagkamatay ni Fenny. Sinabi niyang ililibing nalang daw si Fenny sa likod ng bahay dahil tumila na ang ulan pero sinabi kong 'wag muna.


Umaalis lang ako sa tabi ni Fenny nang kumain ako ng tanghalian. Bumalik muli ako roon sa tabi niya at tahimik na nakatitig lang sa kawalan. Natutulog na si Fluffy sa kandungan ko. Alam niya rin kaya na namatay na ang kapatid niya?

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now