Chapter 16

1.6K 40 11
                                    

Kissed

"El, bakit nakabihis ka? Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Ellie nang pagbuksan ko siya ng pinto. Kumatok kasi ito sa kwarto ko.


"Pupunta ako ng bayan, Nica. May kaibigan pala akong taga Iloilo rin at inimbitahan niya akong pumunta sa bahay nila.." Aniya.


Tumango ako.


"Aalis ka na ngayon?"


"Yup. Magkikita kami sa bayan. Kapag hindi ako nakauwi mamaya ibig sabihin doon ako nakitulog sa kanila." Saad niya at iniwas ang mga mata sa akin.


"What? Sigurado ka bang mapagkatiwalaan 'yang kaibigan mo? Baka mapahamak ka roon." Kumunot ang noo ko.


Marahan itong ngumiti sa akin.


"Mabait siyang tao. Magkakilala na kami ng matagal sa Manila at... Don't worry, babae siya." Sagot niya.


"Well, ikaw ang bahala. Mag-ingat ka." Bilin ko sa kanya.


"Thank you! Nakapagpaalam na rin ako kay Lola Consie." Aniya bago lumabas ng kwarto ko.


Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang sinabi ni Tonyo na liligawan niya ako. Palagi niya akong pinupuntahan dito sa bahay. Minsan naman ay sinusundo niya ako rito para isama sa Rancho nila upang maipasyal namin si Fluffy.


Alam na rin nila Lola na nililigawan ako ni Tonyo. Natuwa ito ng sobra nang nagpaalam sa kanya si Tonyo na manligaw sa akin. Hindi niya lang raw sinasabi pero gustong-gusto niya si Tonyo para sa akin.


Lumabas ako ng bahay nang marinig ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay. Niyaya ako ni Tonyo na ipapasyal niya raw ako sa kabilang bayan dahil sa susunod na araw ay magsisimula na ang pasukan at tuwing weekend nalang daw kami magkikita dahil doon siya tumitira sa Apartment nila kasama si Axel kapag may pasok.


"Magandang hapon Lola.." Bati sa kanya ni Tonyo. Ngiting ngiti ako sa kanya. He's still the same Tonyo as before. Nothing has changed at napaka-pogi niya pa rin sa mga mata ko.


"Mag-ingat kayo. 'Wag kayo magpagabi, delikado sa daan." Bilin sa amin ni Lola bago kami umalis.


"Ano'ng oras ka bukas mag-eenroll?" Kausap niya sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan.


"I'm not sure about the exact time.. Ang sabi ni Dayday ay sabay na raw kami." Sagot ko.


"Sasamahan ko kayo." Aniya kaya napatingin ako sa kanya.


"Talaga? Wala ka bang gagawin bukas." Natutuwang wika ko.


"Wala naman. Doon din ako nagtapos ng Highschool at matagal na akong hindi nakabisita sa paaralan na 'yon kaya sasama ako." Sagot niya habang nakatingin sa unahan.


"Alright. Nae-excite tuloy ako para bukas." Masigla kong saad.


Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon