Chapter 7

1.5K 53 13
                                    

Option



Hindi matatawaran ang mga ngiti at saya kong nararamdaman hanggang sa pag-uwi namin. Ito na yata ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko.


Hinatid ako ni Tonyo sa bahay at umuwi naman agad siya. Pagkapasok ko ng bahay ay nadatnan ko sina Lola at Elie na seryosong nag-uusap. Natigilan ako nang mapansing namumula ang mga mata ni Elie at kagagaling lang nito mula sa pag-iyak.


"Nica, salamat at nandito na kayo." Tumayo si Lola. Nag-iwas naman ng tingin si Elie.


"Nag-enjoy ka ba apo?" Ani Lola.


"Lola ano pong nangyari?" Hindi ko na napigilan ang magtanong.


Huminga ng malalim si Lola.


"Kagagaling lang namin sa Baranggay Hall. May ginawa nanaman kasing gulo iyong si Matheus. May binugbog nanamang taga rito." Si Lola.


"What? Bakit kayo pinatawag?" Gulat na tanong ko.


"Si Elie daw ang dahilan kung bakit nagkagulo. Ganyan naman iyan palagi ang batang 'yan.. dinamay pa tuloy ang pinsan mo." Ani Lola.


Mabilis akong lumapit kay Elie.


"El, you okay? Anong ginawa nila." Tanong ko.


"Okay lang Nica. Natatakot lang ako dahil hindi ako taga rito.." Aniya.


"'Wag kang matakot Elie. Taga-rito ako at kilala na ako ng lahat. Hindi ka naman nadamay at nagtanong lang naman sila dahil ikaw raw ang kasama ni Matheus noong nangyari ang gulo." Payo naman ni Lola.


Huminga ako ng malalim. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking iyon sa pinsan ko? Humanda talaga siya sa akin kapag pinagloloko niya si Elie.


Nang sumunod na araw ay inaasahan kong magkikita kami ni Tonyo sa bahay. Dito kasi nilagay sa bakuran ang mga pakwan at bukas pa raw ikakarga sa truck.


Tinanghali ako ng gising kaya nagmadali akong naligo at nagbihis. Pagkalabas ko ng bahay, ay naabutan ko nga ang mga tauhan nito na nagtatrabaho. Nakalatag ang mga pakwan sa malapad na tela.


Maagang umalis sina Lola at Dayday upang mamalengke sa bayan kay wala sila rito ngayon.


Hinanap ko si Tonyo pero wala siya roon. Ang pinsan naman nitong si Axel ang nandito at nagbibigay ng instruction sa tatlong lalaki na nagtatrabaho.


Ngumiti ako nang tumingin siya sa akin. Lumapit ako sa kanila.


"Good Morning Ms. Nica." Bati niya.


"Good Morning.." I greeted back.


"Uhmm.. Ikaw lang ba ang nandito ngayon? Nasaan si Tonyo?" Kuryosong tanong ko.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें