Chapter 26

2K 53 24
                                    

Warning: Rated SPG. Strictly not allowed for young readers. :)


Tahimik lang ako sa tabi niya habang nag-mamaneho siya ng sasakyan. Yakap-yakap ko pa rin ang sarili at suot ang jacket niya.


Kagagaling lang namin sa presento at magsasampa raw ako ng kaso sabi ni Tonyo. Inayos niya lahat ng dapat ayusin doon bago ulit kami umalis.
Ngayon ko lang din nalaman na isa na ring police si Matheus, ang kaibigan nila noon.

"Lola," Aniya habang hawak ang cellphone. I guess, he called lola Consie over the phone. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na 'wag na sabihin kay lola ang nangyari sa akin pero wala pa akong lakas para magsalita. "Opo. Opo, inayos ko na po. Sige, ako na muna ang bahala sa kanya. Sige po.."

Lumingon siya sa gawi ko at tinitigan ako ng saglit bago ulit tumingin sa kalsada.

My brows furrowed when whe stopped in front of their house. Tumingin ako sa kanya, nagtataka.


"Why.. why are we here?" Nauutal na tanong ko.


"Umalis si Lola, pumunta raw sa kababata niya kaninang hapon pa. Sinabi niya sa akin na doon muna ako matutulog sa bahay niyo para may kasama ka pero ang tagal mong umuwi kaya pinuntahan kita.. at iyon, mabuti nalang naabutan kita sa gagong 'yon.." Paliwanag niya.


"No, I mean.. Bakit hindi tayo sa bahay namin? This is your house." Mahina lang ang boses ko.


"Dito nalang, pareho lang naman 'yon. Naka-locked na ang pinto niyo roon. Nasa akin ang susi." Aniya at lumapit sa akin. He removed my seatbelt at tinulungan akong lumabas sa sasakyan.

Nanghihina pa rin ang tuhod ko. He held my shoulder and lead me to their house. Sumunod nalang ako. Masyado akong pagod para kumuntra sa gusto niya. "Pasok na tayo, parang uulan."


He saved me from the rapist so I should be nice to him. Ang laki nanaman ng utang na loob ko sa kanya.

Katulad noong unang pag-dating ko rito..


We went inside their house and the rain started pouring outside. Tiningnan ko ang loob ng bahay. Maliban sa mga nawalang gamit, ay katulad pa rin noon ang buong bahay.


"Where are your parents? Your younger brother?" Tanong ko at umupo sa sofa.


"Nasa Ciuded de Iloilo. Doon kami lumipat ng bahay." He answered while closing the door and windows.


"Uuwi pa ba ako?" I scoffed.


"Mag-usap ulit tayo.." Aniya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at itinukod ang braso niya sa tuhod nito.


Naalala ko na gusto ko rin siyang makausap ng maayos. I nodded at humarap sa kanya.

"Okay," Sagot ko.


"Pwede mo akong tanungin, lahat sasagutin ko ng totoo." Saad niya at ngumiti.


"I don't know, where to start though. I mean, we can talk without bringing back what happened in the past.. kamustahan nalang gano'n." Awkward na sagot ko.



"Kailangan nating pag-usapan ang nakaraan para maayos ang hinaharap. Kailangan nating linawin ang mga bagay na kailangan linawin."


Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. He wants closure? Biglang pumait ang sistema ko nang maisip na baka dito niya na tatapusin at tutuldukan ang lahat para makapag-simula na siyang muli.

"Ako na magsisimula kung hindi mo kaya." Aniya kaya naikuyom ko ang aking kamao. I felt enraged but I still force myself to nod. Huminga siya ng malalim bago nagsalitang muli.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now